AMALIA
"Ate isa pa nga!" Riguel laughed while eating balot. Nasa harap kasi kami ngayon ng municipal hall at nakita namin si tong si ate na nagbebenta ng mga balot, chicharon at mani.
Well ako? I don't eat balot. Kaya nga tumatawa ngayon si Riguel dahil pinipilit niya kaming mga babae na kumain. Si Mila sumuko na sa kaniya, ako? Never.
Diring-diri nga si Mila habang iniinom ang sabaw nito. Naawa daw kasi siya sa manok kaya ayaw niya noong una. Eto namang si Marco pursigido ring pakainin ako. Bahala siya diyan. Kala niya bibigay ako sa pagpapacute niya? Hah! Mukha niya!
Kasama din namin si Thelma na pangiti-ngiti lang sa amin. But I know something's wrong. Hindi siya masyadong dumadaldal ngayon at magsasalita lang kapag tinanong.
"Amalia sige na. Kainin mo na to." ipinagsiksikan ni Marco ang balot sa bunganga ko pero umiwas ako.
"Ayoko nga!" tumawa ako. "Ate pinipilit ako o!" sumbong ko sa tindera. Alam ko namang papanigan niya ako. Binili ko na halos lahat ng mani niya e.
"Ang sweet naman ni sir Sanchez, Miss." ngumiti siya na parang kinikilig. "Pagbigyan niyo na."
Nalaglag naman ang panga ko. Traidor! Baka iluwa ko pabalik ang mga mani mo makikita mo talaga ate! Nagpacute lang tong mokong nato sayo nagtransfer ka na ng panig! Mga babae nga naman.
"Bigay mo nalang kay Thelma!" tinuro ko ang kaibigan kong naka sandal lang sa tukod nitong maliit na stall.
Ngumiti lang naman siya at tinanggap ang bigay ni Marco. Palibhasa kumakain siya nito e.
Umupo-upo nalang kami sa plaza pagkatapos. Nagyaya kasi kanina si Riguel na gumala dahil bored daw siya. Sumali kami sa mga taong nagvo-volleyball sa field at ako ang pinupuntirya ng kabila dahil lalampa-lampa ako habang naglalaro. Inuuna ko pang takpan yung mukha ko kesa paliparin yung bola pabalik.
Marunong naman akong mag volleyball kasi PE namin yan nung grade 8 pero kasalanan ko ba kung takot ako sa bola?!That's my flaw. Hindi ako maaasahan sa sports.
Reklamo nga ng reklamo sina Riguel at Marco dahil kasalanan ko daw kung bakit kami natalo. Sino ba nagsabing pasalihin nila ako? Jusko tong dalawang to.
Bumalik nalang kami sa pagkakaupo dahil walang magandang papatunguhan kung maglaro pa kami ulit. Baka mag-away away lang kaming lima dito.
Pinanood nalang namin yung ibang mga tao rito sa plaza. May mga batang naglalaro, mga matatandang nagwa-walking, mga magjowang nagdedate at mayroon din namang mga magkakaibigan gumagala, gaya namin.
Pinagkakatuwaan nga namin yung iba. Gaya nalang nung lalaking hipo ng hipo sa girlfriend niya. Jusko walang pinipili. Yung batang umiyak kasi ayaw niyang maging taya. Napatigil nalang kami sa pagtawa nang tumayo si Riguel at luminga linga sa paligid. Kumunot din ang noo ni Marco at sabay namang napatingin sina Mila at Thelma sa gilid nila. Oookaayyy anong nangyayari?
I also looked around para tingnan kung may mali ba. "Narinig niyo yun?" tumingin samin si Riguel.
"May tumawag sakin."
"Someone called me."
Sabay na sabi ni Thelma at Marco at napatango naman sa kanila si Mila. Wala naman akong narinig?
"That's weird. Baka minumulto na tayo?" umupo na ulit si Riguel at ginamit iyong advantage para kumapit sa braso ni Mila.
"Wala naman." Marco relaxed again. "Guni-guni lang ata natin yon."
BINABASA MO ANG
A Voyage Towards the Horizon
Fantasy• C O M P L E T E D • Amalia just found herself back in 1969 with a self-proclaimed mission to rewrite her grandparents' lovestory but on the process, she fell in love with her grandma's first love. "You are the sky and I am the sea. And the horizo...