03 Exposure

146 51 92
                                    

AMALIA

Binalot ako ng kalungkutan nang makita ko ang mga gamit ni Lola.

Maayos na nakalagay ang mga hairbrush, perfumes at lotion niya sa isang lumang vanity table. I touched each one of them habang dinaramdam ang presensya niya.

“Mamiss tagid ka.” I whispered, thinking na nasa paligid lang siya. (Mami-miss kita.)

Pinagmasdan ko ang mga obra niya, cross-stitching. Nakasabit ang mga ito sa pader na mukhang palaging nililinis at inaalagaan. Mga landscapes at mga bulaklak na talagang nakakamangha. This is her hobby. She tried teaching me pero cross-stitching is really not for me.

Humiga ako sa malaki at malambot na kama nila habang nilalanghap ang pamilyar na amoy. Pakiramdam ko niyayakap ako ni Lola dahil sa comfort na ibinibigay ng higaan.

I opened their cabinet at bumungad sa akin ang mga damit nilang maayos na naka-hang at plantsado pa. Napangiti na lang ako dahil alam kong si Lola ang may gawa nito.

Their clothes were made from fine fabics, mga laces at silk. Ang mamahal siguro ng mga ito. Mayayaman talaga sina Lolo at Lola, they were from the prominent families of Lemery after all.

Sa pagkaka-alam ko, bunga silang dalawa ng arranged marriage. So I just concluded na maybe, napilitan lang si Lola na magpakasal kay Lolo. How unfortunate.

Binuksan ko ang huling drawer at bumungad sa akin ang mga photo albums.

Napuno ng mga tawa at hikbi ang buong kwarto dahil nakita ko ang mga baby pictures ni Daddy noon. I also saw our family pictures na kinuha lang lately and even noong kinasal sina Mommy at Daddy. Napa-ismid na lang ako.

Naubos ko na yata lahat ng photo albums at akma na sana silang ibabalik ngunit na-agaw ang atensyon ko ng isang litrato na natira. Nakabalot ito sa isang transparent na plastic at ito lang ang natatanging litrato na naka-separate.

I picked it up at masasayang mukha ang bumungad sa akin. It seems like they were laughing when the picture was taken.

Limang tao. Tatlong lalaki at dalawang babae. I can’t see their faces clearly dahil hindi masyadong malinaw at halatang luma na.

Nasa gitna ang dalawang babae at magka-akbay silang lahat as isa’t isa. Sa likod naman nila ay isang fountain na pamilyar sa’kin. Ito ‘yong sa labas.

I also noticed na parang lusaw na ang ibang parte at hula ko ay nabasa ito noon. Binaliktad ko ang larawan at nakita ko ang sulat-kamay ni Lola sa likod.

Justice will be served. I promise.

“Justice?” nagtataka kong tanong kahit nag-iisa lang naman ako dito.

I just shrugged at ipinagsawalang bahala na lang ito. Ibinalik ko na ang picture sa loob ng plastic at ibinalik na lahat ng photo albums sa drawer. Inayos ko na ang lahat at nagpasya nang bumaba dahil nagugutom nga pala ako.

Papalabas pa lang ako sa pinto nang marinig ko ang iyak ni Amilo kaya napatakbo ako pababa ng hagdan. Inaayos na pala ng mga tauhan ng St. Peter ang kabaong ni Lola. Nakasunod naman sa kanila ang mga bulaklak at maririnig mo sa paligid ang mahinang paghikbi ng mga tao.

Lumapit ako kay Amilo at agad siyang inalo. I glanced at Dad at nakatingin lang naman siya sa kabaong, walang emosyon sa mukha.

I’m worried for him. Dalawang importanteng babae sa buhay nito ang nawala.

Simula kasi nang iwan kami ni Mommy, mas lalo nang naging stict si Dad sa pamamalakad ng bahay. And now that Lola’s also gone, natatakot ako na baka mas lalo pa siyang maghigpit. Nasasakal na ako.

..

Nakatingin lang ako ngayon sa kabaong ni Lola. Nakatulog na kanina si Amilo dahil sa kakaiyak kaya ipinahatid na siya ni Dad sa kwarto. Nawala na rin naman ang gana ko sa pagkain kaya dito na lang muna ako sa tabi ni Lola.

Heart failure ang ikinamatay niya at hindi na nga umabot pa sa hospital.

“Apo, are you feeling fine?” napalingon ako kay Lolo Riguel nang tumabi siya sa akin dito sa harap ng kabaong.

Natawa naman ako ng bahagya. “I should be the one asking you that, Lo.”

Umiling siya sa'kin sabay hawak sa balikat ko. “Masadya ako para kay Milagros. Gapahuway na siya subong kaupod ang iya pinalangga.”

(Masaya ako para kay Milagros. Nagpapahinga na siya ngayon kasama ang mahal niya.”

Tumango lang naman ako sa kaniya at hindi na inisip pa ang mga pinakawalan niyang salita. Inilibot ko ang mga mata at nakitang maraming tao na ang nandito ngayon. It overwhelms my heart knowing na maraming nagmamahal kay Lola.

“But it still hurts me to know that I failed to make her forget him.” nagsalita ulit si Lolo kaya napatingin ako sa kaniya. “Your grandmother never loved me, you know?” he smiled bitterly and I saw glint of tears in his eyes.

I know, Lolo.

Malungkot akong ngumiti nang tumawa siya. I know it’s just a facade. “She just chose me because Marco’s my bestfriend.”

Naghari ulit ang katahimikan sa pagitan namin dahil hindi ko alam kung ano ang dapat sabihin. I just kept my silence. That’s better that spewing words that could damage his feelings. Silence is always the answer for these kind of situations.

“She just chose me because I was Riguel, the closest man who reminds her of him.” he continued, and I felt a pang of pain on my chest. I never knew their whole story and I want it to stay that way. Nasasaktan na ako para kay Lolo even though I only knew the surface.

“I’m sure Lola loved you too.” I tried comforting him.

Natawa naman siya sa sinabi ko at binigyan pa ako ng isang trust-me-she-didn’t-look. “May God bless her soul.” hinaplos niya ang glass ng nakasarang kabaong gamit ang isang kamay at pinunasan naman ng isa pa ang kaniyang mga luha. “Amalia, pwede bala nga ikaw na lang anay ang magbakal sang kape kag tinapay para sa mga bisita? Dala naman dayon lagaw-lagaw a.” nakangiti na ulit siya ngayon.

“Of course, Lo.” I stood up, also smiling, para gumaan ang atmosphere sa pagitan naming dalawa. Gusto ko rin namang tingnan kung ano na ang pinagbago ng Lemery.

“Mag-iingat ka, apo. Balik ka kaagad.”

..

Nagpalit na muna ako ng damit. An off-shoulder satin blouse at high-waist short na sinamahan ko ng isang malapad na black belt kahit sa palengke lang naman ako. I have plans of taking pictures later if ever na may madaanan akong magandang view.

For photography purposes lang naman. I don’t like posting my pictures on social media dahil I believe na it’s only an act of bragging and such. I just like collecting pictures, that’s all.

Bago ako tuluyang makalabas ng mansyon, nadaaanan ko pa muna ang mga pictures ng mga ninuno ko sa hallway bago ang main door.

Hon. Alfredo G. Alejandrino

Hon. Pacifico H. Alejandrino

Hon. Ma. Agustina A. Mercedes

Mga portrait ng mga lolo at lola ko na naging mayor. Ang iba ay mga governor at congressman. Kaya nga nagmumukhang museum ang hallway na’to dahil puno ng mga pictures, mga certificate of achievements ng pamilya at iba pa.

Natigil ang mga mata ko sa pinakamalaking litrato na may gintong frame. Ang ama’t ina ni Lolo Riguel.

Hon. Dominador B. Alejandrino

Siya ang pinakahuling Alejandrino na umupo bilang mayor dito sa Lemery.

Milalyn F. Alejandrino

My great grandmother. Hindi ko na siya naabutan dahil sa pagkaka-alam ko ay namatay ito dahil sa ambush. Imagine the pain it brought to Lolo. Umiling na lang ako at pinatunog ang isang Lamborghini Aventador pagdating sa labas na siyang nagpangisi sa akin.

I’m driving!

I have always wanted to drive but Daddy didn’t let me. In-enroll niya lang ako sa isang driving school for emergency purposes lang daw at hatid-sundo na ako ni Kuya Ruel sa school. Minsan nga wala pa ang uwian nandiyan na siya sa labas just to make sure na sa bahay ang diretso ko pagkatapos ng klase.

..

Mabagal lang ang pagpapatakbo ko, savoring this every second that I’m in charge with the steering wheel. I opened my window to feel the fresh air while overlooking the rice fields I am passing through. Lemery is an agricultural town kaya halos lahat ng mga tao rito ay pagsasaka ang hanap buhay.

Sinalubong ang mga mata ko ng samu’t saring mga tao, may kaniya-kaniyang mga dala at mga pinamili na nagbabatian sa tuwing may nasasalubong na kakilala.

I parked the car in front of the public market at kinuha na ang isang itim na jacket sa likod ng sasakyan dahil mukhang uulan. Sumimangot naman ako. No photo shoot for me then. How sad.

Tumawid na ako sa kalsada at napansin kong nagsisimula nang pumatak ang maliliit na butil ng ulan. I doubled my pace but I was distracted by a long beeping sound. Napatingin ako sa kaliwa ko at doon ko lang nakita ang isang itim na sasakyan na papalapit sa deriksyon ko.

Panic took over my body at naramdaman ko pa ang unti-unting pagbigat ng ulan sa balikat ko kasabay ng pagbigat ng katawan ko.

Sinubukan kong ihakbang ang mga paa para maka-iwas pero hindi ko man lang sila mai-angat. Kailangan kong umalis. Alam kong kailangan kong umalis at tumakbo ngunit kabaliktaran no’n ang ginawa ko.

I just stayed there, my eyes shut closed. I surrendered, letting the darkness swallow my entire system.

.avtth.

shonga po ang main character natin. pagpasensyahan na hshs.

mwa.

-jarr

A Voyage Towards the HorizonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon