Chapter 2

49 27 8
                                    

Enjoy Reading😇🤗


Fancy POV

Kakatapos ko lang ng mga gawaing bahay. Nasa loob na ako ng kwarto ko ngayon, nakahiga sa kama at nagmumuni-muni. Napabuntong hininga na lamang ako dahil sa sobrang boring. 5:34 pm pa lamang. Kung tutuusin pwede pa akong maglakwatsa sa ganitong oras pero di ko nga alam sa sarili ko kung bakit mas gusto ko pang mag lock sa kwarto at humiga na lamang. Ganito ka boring yung buhay ko.

Bahay-School-Bahay yan na ata yung everyday routine ko. Pero kahit ganuon ay mas pipiliin ko parin na tumira diyo sa loob ng kwarto ko kaysa maglakwatsa na wala namang importanteng gagawin.

Kinuha ko na lamang yung cellphone ko sa bag at nag open ng facebook.

"Sabi ko nga magwawattpad nalang ako. Langhiyang account to."

Nakangusong tugon ko ng makita wala namang message at puro notification ng mga react at birthdays ang nandun. Halos nonsense lang lahat eh. Wala namang message kahit isa!

I decided na magbasa nalang sa wattpad. Atleast mas may pakinabang pa'to sa facebook!
Ito rin siguro ang dahilan kung bakit man gusto ko nalang tumambay sa loob ng kwart ko at tumutok dito sa cellphone ko.

Napatingin ako sa wall clock, 7:23 pm na pala. Di ko man lang namalayan ang oras. Binalik ko ang tingin ko sa cellphone ko.

"Sana ako nalang si Anniza. Okay lang kung eh judge ako ng ibang tao atleast mayroon naman akong Dark na tatanggapin ako. Yung kahit nakikita nya lahat ng imperfection ko tanggap nya parin lahat ng ito."

Nasabi ko nalang habang nagbabasa ng Possessive Series 6 ni Inang CeCeLIB. Siguro yung iba iniisip na puro lang sex yung malelearn mo dito. Na malilibog lang yung nagbabasa nito. Na wala naman tong matutulong sa pag aaral mo or sa buhay mo pero para sakin ito yung nagiging inspiration ko.

Those lesson in life na palaging pinararating ni Inang sa mga stories nya. Those Leading lady in the story give me inspiration to study well and become professional in the future. Yung minsan na nalalait ko yung pisikal kong anyo pero naaalala ko lahat ng sinasabi ni Inang parang gumagaan ang pakiramdam ko. Naaalala ko yung halaga ko bilang tao at bilang babae.
Feeling ko kahit na hindi ako yung tipo ng babae na kapag lumakad sa kalsada mapapalingon ang mga tao. Alam ko na hindi ko naman kailangan sila at ang mga panghuhusga nila. I love myself.

And those possessive men, I admire how they handle their wives. I wonder kung makakahanap kaya ako ng kagaya nila. Char bata ko pa pala.

"Char feeling lang self?HAHAHA baliw lang ang peg. Bata mo pa layo na ng narating ng imagination mo. Abot universe eh ?"

I sigh, biglang pumasok sa isip yung papalit na practice teacher kay Ma'am Den. Sana kasing bait at kasing ganda din sya ni Ma'am. Pero mas maganda siguro kong lalaki yun tapos magkakakami tapos magpapakasa-

"Oh My Gosh! Ano ba naman tong naiisip ko!"

Binaon ko ang mukha ko sa unan at nagtitili.

"Kalma self, kakawattpad mo lang yan! Nagsisimula ka na namang mag imagine ng mga imposibleng mangyari."

Nagpatuloy lang ako sa pagtitili ng mga kumatok sa pinto.

"Fancy kain na tayo!"

Sigaw ni Mama sa labas ng pinto. Bumangon na agad ako at pumunta sa kusina.

Kinabukasan

Maaga akong pumasok ngayon. First subject in the morning kasi namin ngayong amg 21st Century Literature. Baka maaga pumasok yung practice teacher at malagot kaming mga malelate.
Pagkarating ko ay nadatnan ko sila Nissy at Mika na nakaupo sa designated seats nila.
Bumati muna ako sa kanila bago umupo upuan na nasa sa panghuling row sa gitna.

My Teacher, My Lover!Where stories live. Discover now