Fancy POV
Bilis ng paglipas ng mga araw. Parang kahapon Tuesday pa tapos bigla nalang naging Friday ngayon. Kapag talaga busy tayo hindi na natin na namamalayan ang mga araw na nagdadaan. Char lalim ng tagalog eh.
At sa nakalipas na mga araw na yun ay para kaming hindi na natutulog dahil sa mga pinagagawa ni Sir. Hindi sa nagrereklamo pero nakakapressure kasi kapag sya na ang nagpagawa ng assignment at mga output feeling ko kailangan perfect talaga ang gawa.
Pero kahit naman ganoon kahirap at kadami ang mga pinapagawa nya ay nagiging worth it naman talaga. Bibigyan ka nya ng grade na nararapat sayo, walang halos bias. Parang tunay na talaga syang Teacher.
Sa tuwing klase nya ay talagang ganado ako makinig at sumagot. Kahit na nakakakaba at itong puso ko ay tibok ng tibok parin ng malakas ay talagang pinag iigihan kong sumagot sa kanya. Hindi ko alam kong dahil lang ba sa gustong gusto ko syang magturo o talagang gusto ko magpaimpress sa kanya. Nakakahiya man aminin pero sa tingin ko ang ikalawa ang ginagawa ko. Ang mga kaklase ko'y binabalewa lang naman ang ginagawa ko dahil siguro mukhang normal lang iyon sa akin. Ayaw ko ring isipin nila na baka may gusto ako kay Sir sapagkat sa kanya lang naman ako nagiging aktibo sa klase. Bias ko rin yata eh!
"Fancy? Saan ka tatambay ngayon? " Nabaling ang atenyon ko sa tanong ni Mika.
"Hmm. Sa roof top siguro. Makulimlim kaya hindi ako maiinitan duon. May practice kayo?" Balik kong tanong sa kanya.
"Oo pero Roof top? Fancy! Baka mapano ka dun. You're afraid of hieghts pa naman ! Sorry talaga ha. Di ka namin masasamahan ngayon. Baka mamayang hapon pa kami ni Nissy matapos sa practice. Dito ka nalang kaya tumambay sa room?" Nag-aalalaang aniya.
"Okay lang no. Kailangan ko rin maconquer tong takot ko. Tsaka babalik din naman ako dito pag hindi ko talaga kinaya. Sige na baka hanapin na kayo ni Ma'am Diane, it's already 12:30 pm oh!" sambit ko sa kanya.
"Okay! Ingat ha! Bye na. Baka kanina pa ako hinihintay duon ni Nissy. Mwuahh! "
"Bye! Ingat din ha!" Sigaw ko pabalik sa kanya.
Patakbo syang lumabas sa room, nasa 3rd floor pa naman kami baka magpagulong gulong yun sa stairs. Hays!
Wala kaming klase hanggang mamayang hapon kasi may meeting yung mga teacher. Mukhang para sa Teacher's day yata. I'm not sure. Hindi rin ako interested.
Inilibot ko ang paningin ko sa loob ng classroom namim. Yung iba umuwi, yung iba naman natutulog sa upuan nila. Hindi naman ako inaantok at di ko rin typr na umuwi kaya mas mabuting duon na muna ako tumambay sa roof top.
Nilagay ko na lahat ng gamit ko sa bag at iniwan ko na sa upuan ko. Babalikan ko nalang mamaya. Wala namang magnanakaw sa room kaya confident akong walang mawawala duon. Nagsimula na akong mag lakad sa stairs. 4 story building lang 'tong sa amin kaya hindi ako masyadong mapapagod sa paglakad papuntang roof top. Buti nalang talaga ay dito yung room namin hindi duon sa 8 story building. Gosh!
"Here we go!" Sambit ko ng nasa harap ko na ang pinto papasok ng roof top.
Huminga ako ng malalim at pumikit. 'Conquer your fear Fancy! Kaya mo yan!' Muli kong inimulat ang aking mga mata at tuluyan ng binuksan ang pinto.
Malakas at preskong hangin ang sumalubong sa akin. Lutuyan na akong lumabas sa pinto at naglakad ng dahan dahan papuntang gitna. nakakakaba kasi yung pinto is nandito sa gilid malapit lang sa railings. Nanginginig na napakapit ako duon dahil lumakas ang hangin! Nagsimula na naman ako sa pag lakad ng dahan-daham ngunit bago pa ako makarating ng tuluyan sa may gitna ay magkumuha na ng aking atensyon.
"I've been trying to forget you, but I can't
You made a fool it ain't cool
It's like there's something missing in my life
Maybe it's you
It is you"Heto na namang ang puso kong parang hinahabol ng kabayo. Kaybilis ng tibok! Para akong hinihika dahil sa malamyos na tinig nya. Kay sarap pakinggan! Tinig palang nakakatayo balahibo na! Pigil akong napatili ng lumakas ulit ang hangin, tudo ang kapit ko dito sa railings kasi mababa lang ang pader nito kaya talagang may posibilidad na mahulog ka.
"I just can't, can't get you out of head
You're the reason that I wakeup in my bed
I got you stuck in my mind
Can't get out
Can't get out
Please get out"Oh My Gosh! Please get out not only in my mind also in my heart Sir!Palakas na ng palakas itong brat ng heart ko! Hindi ko kayang mahulog sayo, I mean dito sa building dahil dyan sa boses mong nakakatindig balahibo.
"I got you stuck in my mind
Can't get out
Can't get out
Please get out
Don't get out"Nais ko mang umalis sa kinatatayuan ko ngunit ayaw gumalaw ng mga paa ko at talagang nanginginig hindi lang dahil sa takot kundi dahil na rin sa kanya. Natatakot akong makita nya. Pinagmasdan kong mabuti ang mukha nyang nakapikit at mukhang dinadama ang paligid. Ang kanyang labi na kay sarap-.. ang kanyang mga kamay na may hawak na gitara. Nakapasarap titigan.
Kinapa ko ang aking sarili at hindi makapaniwalang pansamantala kong nakalimutan ang takot ng dahil sa kanya. Nang dahil sa kakatitig sa kanya.
Umiling iling na lamang ako at napagdesisyonan ng umalis bago pa nya ako makita.
"Vein?" Ngunit tila hindi sang ayon sa akin ang kapalaran. 'Vein?' Naguguluhan akong napatitig ulit sa kanya. I'm sure na I didn't mention to him my second name talaga kaya nakakapagtakang alam nya ito. Maliban nalang kong nasa kanya na yung class record namin.
"Fancy Vein right?" Ulit nyang tanong.
"Y-yes S-sir" nanginginig kong tugon.
Hindi ako masyadong sanay sa pagtawag na Vein, wala naman kasing tumatawag sakin ng ganon. Nakasanayan na ng lahat na Fancy ang itawag sa akin.
"What are you doing here?" kunot noong tanong nya.
"Ahmm. Ta-tatambay p-po sana dito S-sir. Sige po a-alis nalang ako. S-sorry po sa istorbo." nanginginig kong tugon.
"Hey it's okay. You can tambay here. Wala kayong klase ngayon diba-...? Vein are you okay?" Nag aalalang tanong nya ng makitang nanginginig ang mga kamay at paa ko. Tila nagbalik na ang takot ko ng humangin ng malakas at napatingin ako sa baba. Shit! Balik ba naman kasi dito sa gilid nilagay ang pintuan nitong roof top, pwede namang sanang sa gitna nalang!
"Are you afraid of heights? Gosh!" nag aalalang tanong nya?
Tumayo sya at naglakad papunta sa akin. Hindi ko inaasahan na hahawakan nya ako sa kamay at bewang. Hala!
Shit! Ngayon naman ang lalo akong nanginig. Tila hindi natatakot na mahulog dito sa buiding ngunit natatakot mahulog sa kanya.

YOU ARE READING
My Teacher, My Lover!
RandomHow hard to fall in love with you Teacher? Can you take all the consequences for loving him? Can you take the pain that he can cause you? BUT.. It is really possible that your Teacher will fall for you?