Chapter 9

21 11 4
                                    

Fancy POV

Papalakad na kami palabas ng gate ngayon. Pero hindi parin tumitigil kakadada 'tong si Mika.

"Uyy! Ano nga yun kanina Fancy ha? Pasimple si Sir Matthew ah! Aminin mo nga may something kayo no!awiee! "  tukso ni Mika. Si Nissy naman ay natigil sa pagcecellphone. Bahagyang kumunot ang kanyang nuo habang nakatingin sa akin.

"S-something? M-may gusto ka kay Sir Matthew Fan?" tanong ni Nissy. Hindi ko alam pero sa boses nya ay parang kinakabahan sya. Nakakapagtaka? Why?

"A-ano ba kayo. Kung ano na ang pinagsasabi nyo. W-wala akong gusto sa kanya okay! Wag nga kayong magsalita ng ganyan. Baka may makarinig sayo." nauutal kong sambit.  Bahagya kong iniwas ang aking mukha sapagkat batid kong namumula na ito. Gusto ko man sabihin sa kanila iangntotoo ngunit nahihiya talaga ako. Baka lalo pa nila ako tuksuhin.

"Totoo Fancy? Wala talaga? Sure ka na? " I don't know pero tila nasisiyahasi Nissy sa aking sinabi. Kaya kumunot ang nuo ko. May gusto din ba ito kay Sir? Pero mukha naman kasing wala. Ramdam ko yun. Di naman kasi to mahilig sa lalaki. Oh baka gaya ko rin syang nahihiya lang? Sana naman ay wala talaga. Kasi ayoko nun.

Nagpatuloy na lang kami sa paglakad at hindi pinansin ang panunukso ni Mika. Mukhang hindi napapagod kakasalita eh. Buti pa tong si Nissy tahimik lang na nakasunod.

Gabi na ngayon at katatapos na naming maghapunan ni mama. Nasa loob na ako ng room at kakasimula palang magsulat ng journal sa Personal Development namin na subject. Minsan nakakapagod din itong journal namin. Araw araw na nangyayari kailangan talagang isulat dito. Tapos sabi pa ni Ma'am Wilma na dapat iba-iba everyday ang isulat namin. Pano naman kung pabalik balik lang ang ginagawa namin? Pano kung ngayong araw wala namang importante or especial na nangyari? You know tulad lang din nang nangyari sa nakaraang araw. Gosh! Halos naubos na nga ang page ng notes ko sa dami ng nasulat namin. Ikaw ba namang araw-araw. June kami nagsimula tapos August na ngayon.

Napanguso ako sa aking naisip. Isusulat ko ba yung nangyari nitong mga nakaraang araw? Pati yung pagkagusto ko kay Sir Matthew? Ngunit nakakahiya iyon. Baka basahin ni Ma'am Wilma! Di ko kaya cary ang kahihiyan na iyon. Baka malaman pa ni Sir o di kaya ng ibang teacher. Pwede naman sigurong isulat yung mga walang kwentang nangyari. Bahala na si Ma'am dito. Pinagpatuloy ko na ang pagsulat at nga routine ko nalang everyday ang isususlat ko.

*May tawag! May tawag! May tawag!*

Agad kong binitawan ang ballpen at kinuha ang aking cellphone sa tabi. Si Mika tumatawag.

"Oh?napatawag ka?" Biro ko ng sagutin

"Wow? Amazing! Wala man lang Hi? hello? How are you? I'm fine thank you!" sarkastikong sagot nya. Napatawa naman ako. Sarap talagang asarin nito. Pikon ang loko.

"Bakit nga napatawag? Para sabihin mo saking may load ka na after 1 year? Hahaha"  biro ko na naman sa kanya.

"Woyy gaga excuse me araw-araw akong maload no! Di ko lang talaga ginagamit lagi."

"Talaga?" I'm sure inis na to sakin ngayon.

"Hmmpp napatawag ako kasi sabi ni Mr.Secretary na mag online ka daw. May chinat sayo. Importante daw iyon. Baka nanalo ka sa lotto"

"Gaga! Pano ako mananalo eh hindi nga ako tumataya! Sana pinasabi nalang sayo ni Mr.secretary kung ano yin. Sasakit lang mata ko pagnakitang puro group chat lang ang nanduon."

"Hmpp basta mag online ka nga Fancy! Di naman nya sinabi saakin kung tungkol saan yun eh. Bye na gagawa pako ng journal!"

"Okay! Bye na. Good night"

My Teacher, My Lover!Where stories live. Discover now