Chapter 14

6 1 0
                                    

Fancy POV

It's monday na ulit. Kay bilis talaga ng mga araw. Parang kahapon nandito lang ako.. Wait oo nga nandito pala ako kahapon at di ako nakatulog magdamag dahil sa nangyari. Nakakalito na kasi ang mga pinag gagawa ni Sir Matthew eh. Pagkaharap ko sya minsan seryuso ang mukha nya talos ngingiti nalang bigla, tapos seseryuso na naman. Wierd!

Isinusuksok ko na talaga sa utak ko na wala syang gusto sa akin. Kasi imposible naman iyon hindi ba? Baka lang talaga iniisip ko na ganoon yun kaya nadadala nalang ako.

Kapag gusto mo kasi ang isang tao kahit mga simpleng galaw at pagtungo nya sayo ay binibigyan mo na ng meaning. Kahit ang totoo wala naman talagang kahulugan iyon. Masakit din mag assume lalo na at mag eexpect na hindi naman magkakatotoo.

Nasa hallway na ako. Dadaan muna ako sa office ng mga practice teacher bago makarating sa room namin kaya tuwing dadaan talaga ako dito hindi ko maiwasang silipin sya. Natutuwa nga ako kapag makitang nanduon na sya sa mesa nya at nagsusulat kahit maaga pa. Malaya ko syang natititigan sa ganoong sitwasyon. Iba din talaga ang moves ng mga pasimple eh. Well, humahanga lang naman sa kanya.

Pasimple akong sumulyap doon pero agad akong nadismaya ng makitang wala pa sya. Ito yata ang kauna unahan na nalate sya ng pasok. Tuwing dadaan ako ay nasa mesa na sya kaya nakakapagtaka at wala pa sya ngayon.

Nagpatuloy na ako sa paglalakad. Nang makapasok sa room ay nagtataka akong tumingin sa bandang upuan namin ni Kris. Halos lahat kasi ng mga kaklase ko ay nanduon na parang maytinitignan. Na curious ako kaya tahimik akong naglakad papunta duon.

"Anong meron" takang tanong ko kay Janess na talagang pilit tumitingkad para lang makasilip.

"May secret admirer pala si Fancy. Look binigyan sya ng bouquet at mga chocolates. Ang dami ha. Mukhang bigatin. " kinikilig na sambit ni Janess, ni hindi nya ako binalingan ng sulyap. Hello? ako to si Fancy!

Kumunot bigla ang nuo ng mapag tanto ang sinabi nya. Admirer? Bouquet? Chocolates? Seryuso sya? Talaga?

Agad naman akong sumusok duon para makita kung totoo at dahil maliit lang ako ay agad akong nakalusot. Nang narating ang upuan ko nanlaki talaga ang mga mata ko! As in nanlaki ng makitang puno ng bouquet of roses at mga chocolates ang upuan ko!

"What the-" lutang na sambit ko.

"O!M!G! Fan!!! Nandyan kana pala. Look oh! Gaano kayaman yang admirer mo at talagang pinuno tong upuan mo! Mukhang baliw na baliw sayo ah!" kinikilig na sambit ni Mika. Kahit ang mga classmates ko ay may mga pinagsasabi lang na rin. Habang ako heto na mukhang mababaliw kakaisip sino ang nagbigay nito. Wala naman akong naaalala na may secret admirer ako. Ngayon nga lamang nanyari na may nagbigay sakin ng mga ito. Ni hindi ko lubos maisip na may bubungad na ganito sa akin ngayong umaga. Nakaka shock!

"S-sinong n-nagbigay?" naguguluhan kong tanong kay Mika, umaasang may maisasagot sya. Natanaw ko naman sa gilid si Nissy na tahimik lamang. Mukhang nag iisip rin.

"Don't know. Hindi ko naman pinakialaman ang mga yan. Baka magalit pa admirer mo no! Dali buksan mo nalang yang letter sa flower oh! Dali Fancy! Baka may name!" tili pa ni Mika.

Wala sa sariling kinuha ko iyon letter at binasa.

*For the most cutest Girl I've even seen. Good Morning*

Yung ang nakalagay. Napalunok ang ng ilang beses. Parang sasabog ang puso ko dahil duon. Ramdam kong nag init ang dalwang pisngi ko. gosh! Sino ba to? Bakit walang nakalagay!

"Oh My! Namumula ka na Fancy! Awiee sinong nag iisip mong maaaring magbigay nito ha! Ikaw ha hindi ka nagsasabi!" wala yatang kapaguran tong si Mika.

My Teacher, My Lover!Where stories live. Discover now