Chapter 7

30 14 4
                                    

Fancy POV

Gabi na at nandito ako sa aking kama, nakaupo. Iniisip ang nangyari kanina. Nais kong kalimutan nalang iyon at matulog ng mahimbing ngayon ngunit mahirap matulog ng may dalang bigat sa dibdid.

"Fancy? Anak kain na tayo!" Tawag ni mama sa labas ng room ko.

Tumayo ako at pinagbuksan sya ng pinto.

"Ayoko pong kumain Ma. Wala akong gana. Sorry po" matamlay kong sagot sa kanya.

Nag aalalang tumingin sya sa akin. Gusto ko mang samahan si Mama sa pagkain sapagkat wala syang ibang kasama dahil si Papa ay OFW kaya kami lang dalawa magkasama dito sa bahay.  Ngunit hindi talaga maganda ang pakiramdam ko at baka maiyak lang ako sa pagkainan.

"What happened? Are you Okay? You know I will always be here , you can tell me anything. Wanna share it?" Mahinahong tanong nya.

Dahil doon ay tuluyan na namang bumagsak ang kanina ko pang pinipigilang luha.

Agad naman nya akong niyakap.

"Shhh. What happened? Sige iiyak mo yan nyang nararamdaman mo."

Tahimik na niyakap nya lamang ako. Pagkalipas ng ilang minuto ay tumigil na ang mga luha ko. Sumisinghot singkot pa ako ng inyanyahan ko syang pumasok sa room ko at umupo sa kama.

"Now tell me what happened? Bakit ka umiiyak? Nag away ba kayo nila Nissy?" She asked.

"Hmm napagalitan po ako ng practice teacher namin kanina." Mahinang sagot ko. I'm nervous na baka magalit din si mama.

I look at her expression. Wala pa namang nagbago. She just sigh.

"Bakit ka naman napagalitan?" Mahinahong tugon nya.

Bumuntong hininga ako at sumagot narin. I told her about everything that happened. Kahit na masakit balikan yung mga masakit na sigaw ni sir kanina ay pinagpatuloy ko lang ang pagkwekwento sa kanya. I know na hindi naman masyadong masakit ang sinabi ni Sir kanina sa akin pero kung ang iba rin ang nasa sitwasyon ko ay mararamdaman din nila ang nararamdaman ko ngayon. Yung expression nyang galit at kawalang emosyon na tignan ka ay masakit na sa dibdib. Pano ba kaya pagsinigawang kana?

"Sinadya mo bang ipakita na wala kang respeto sa kanya?" Tanong ni mama. Umiling ako bilang hindi pagsang ayon.

"Sa tingin mo kaninong kasalanan iyon?" She asked again.

"Sa akin po kaya po siguro mabigat sa dibdib, pero hindi ko alam kung bakit nagagalit din ako kay Sir kahit alam ko namang ako ang nasimula." I answer.

"Pahero kayong may kasalanan na hindi nyo naman sinasadyang gawin. Ikaw hindi mo sinasadyang ipakita na wala kang respeto sa kanya. Sya naman ay nadala ng galit kaya ka nya nasigawan kanina. Sabi mo pa'y wala talaga sya sa mood ng pumasok sya sa classroom ninyo kanina. Baka sadyang na trigger lang talaga ang emotion nya sa ginawa mo. Kaya huwag mong sisisihin ang sarili mo at wag kang magalit sa kanya. Sa paraang yan ay mawawalang ang bigat sa dibdib mo" mahabang explanation ni Mama. Sa sinabi nya ay biglang gumaan ang pakiramdam ko. Tama sya hindi ko kailangang masaktan kasi lahat naman yata ng estudyante ay nararanasang mapagalitan. Baka nga yung iba mas worst pa ang pinagdaanan.

Nagpasalamat ako kay mama dahil sa pag intendi sa sitwasyon ko. Pagkatapos nagpaalam narin si sya at sya nalang daw muna ang kakain mag isa. Ayaw naman daw nya akong pilitin kung wala talaga akong gana kumain ngayon. Siguro ay tatawagan nya si Papa para naman may makausap sya sa hapag kainan.

Nahiga na ako sa kama na pilit na tinatandaan ang sinabi ni mama. Ayokong magtanim ng galit lang Sir Matthew dahil baka nga hindi nya sinadyang masigawan ako. Nagsorry din naman sya sakin kay siguro ay dapat kong kalimutan ang nangyari kanina at umakto bukas na parang walang nangyari.

Siguro ay tampo lang itong nararamdaman ko ngayon. Dahil akala ko ay babait na sya samin-saakin. Gusto ko pa naman yung Sir Matthew na nakasama ko nuong friday sa roof top. At baka hindi ko na ulit makita syang ganoon. Baka nga siguro ay nadisappoint din sa akin yun kanina.

"Hays pabayaan mo nalang sya self. Tandaan mo HINDI KA PWEDENG MAGKAGUSTO SA KANYA. PRACTICE TEACHER NYO SYA AT MAGIGING PROFESSIONAL TEACHER NA NEXT YEAR!" Yan ang pilit konpinaalala sa aking isipan bago matulog. Ayokong magpadala sa akin damdamin. I'm too young for this kind of affection. I'm too young to fall in love with someone  that 5 years older than me. And I think I'm too young for the pain he can give me in the future.

My Teacher, My Lover!Where stories live. Discover now