Fancy POV
Kanina pa ako hindi mapakali dito sa aking upuan. Ng sulyapan ko sila Nissy at Mika ay halatang kinakabahan din sila. Okay sana kung sa ibang teacher kami magrereport kasi medyo matagal tagal na rin naming nakasama sila. Tsaka alam na namin ang gagawin tuwing nagpapareport sila. Pero si Sir Matthew kahit practice teacher pa lang sya feeling ko mas mataas pa ang standard nya sa students kasya sa mga professional teacher. Hindi ko rin alam pano kami magsisimula kasi hindi naman kami nakapagpractice ng maayos. Nag video call lang kami nila Mika kaninang madaling, tamang tama lang kasi nasend na ni Nissy iyong report namin. Pinaghatian nalang namin iyon at isa isang nag explain sa dapat naming gawin pagnagreport na. Medyo antok pa nga ako, ilang oras lang ang tulog ko. As expected naman kasi pag STEM student ka. Sure na talagang mabibilang lang ang oras ng tulog mo.
Napasulyap ako kay Sir. Nasa may pintuan kasi sya nakatayo. Habang may nagrereport sa harap at sya naman may sinusulat. Mukhang nagte-take notes ang sungit. Kanina pa sya ganyan. Ni hindi man ang tumatagal ng ilang minuto ang pagsulyap nya sa reporter. Mukha pa tuloy yung notes nya ang nagrereport.
Siguro ay mas gusto nya ang makinig kaysa ang manuod. Sabi din nya kasi kanina na erereview nya ang mga report namin para makita yung tama ba ang mga ganing source namin sa report.
"That's all thank you" sunod sunod ang lunok ko ng pagkatapos sabihin iyon ng kasalukuyang reporter. Sila na yung second to the last. Kami na ang susunod dahil kami ang last.
"Next reporter"
Tumayo kaagad kami. Mierda! Nakakaba naman to eh! Para yatang bumalik kami sa feeling na first time magreport sa class.
"Write you names on ¼ sheet of paper."
"Mika? May ¼ ka? Wala akong papel!" bulong ko kay Mika. Umiling naman sya.
"Ikaw Nissy?" baling ko naman sa kanya. At ang gaga umiling lang din. Bakit ba ang ganda ganda ng mga cellphone nila..wait namin pala pero why oh why na wala kami g papel. Huhuhu.
"Faster!" napaigtad ako.
"I have one Fancy." parang nabuhayan ako ng loob ng sabihin iyon ni Kris.
"Oh my gosh! Thanks talaga Kris. Buti nalang marami kang papel." pagkatapos kung kubanin iyon ay sinulat ko na ang mga pangalan naman. Eh aabot ko sana kay Mika iyon para ibigay kay sir pero naunahan na nya ako.
"Ikaw nalang magbigay Fancy! Ereready pa namin yung report namin." feeling ko nananadya talag tong isang to.
Nagpalakad nalang ako papunta kay Sir. Heto na naman ang kaba ko! Kailangan ba talagang kinakahaban ako tuwing nandyaan sya? Hindi pwedeng kalma lang? Para tuloy ako nasa wattpad. Yung kapag lalapit ka sa meant to be mo bibilis tibok ng puso mo. Kulang nalang sumigay ako ng line ni Deib Lorh na "Hinahabol ako ng mga puso!". Gosh! Nakakalbaliw talaga!
"Excuse me Sir. Ito na- I mean our ¼ sheet of paper with my co-members name." kunwaring confident na sambit ko pero sa totoo parang gusto ko ng lumubog sa kinatatayuan ko. Kailangan talagang mag feeling confident tayo pagnagreport kasi baka bagsak ang grades na makikita natin!
Iniangat nya ang tingin sa akin. Ahemm! Kalma self!
"Put that paper on the trash can." nanlaki ang mata ko dahil sa sinabi nya. Seryuso sya? My gosh! May nagawa ba kaming mali? Shit sakit ha!
"S-sir!" talagang kumurap kurap pa ako sa harap nya! Napayuko na lamang ako at handa ng umalis na dahil sa sinabi nya ng kinuha nya ang kamay ko ay may nilagay duon. Napatingin ako doon. O-one fourth na p-papel?
YOU ARE READING
My Teacher, My Lover!
RandomHow hard to fall in love with you Teacher? Can you take all the consequences for loving him? Can you take the pain that he can cause you? BUT.. It is really possible that your Teacher will fall for you?