Chapter 8

19 11 5
                                    

Fancy POV

Pumasok ako ngayong umaga na may  ngiti sa labi. Ayokong isipin nila na naapektuhan ako at di maka move on sa nangyari kahapon. I decided last night na kakalimutan ko nalang iyon. Sadyang malas lang talaga ako kahapon at ako ang napagbuntungan ng galit nya.

Ngayon ay nakaupo ako sa sahig at nagpapaterintas kay Mika. Wala kasi ang adviser namin. Sabi nya sa Group Chat na may seminar daw sila kasama yung iba naming mga teacher kaya siguradong marami ang vacant time ngayon maliban nga lang sa mga subject namin na hinahandle ng mga practice teacher.

"ARAY! Pwede wag hilain masyado Mika. Para naman kang may galit sakin eh" kanina pako reklamo ng reklamo kay Mika dahil sa pagteterintas nya sakin. Yung feeling na hinihila ang buhok mo. Sakit masyado. Parang sasama na ang anit ko.

"Shut up ka nalang Fancy ha. Kasalanan ko bang ang haba haba nitong buhok mo! My gosh! Kung hindi ko lang gustong gusto tong bagsak mong buhok ako na mismo ang puputol nito!"  Gigil nyang sambit. Natawa na lamang ako sa kanya. Ayaw ko talagang putulin to. Matagal kaya magpahaba ng buhok. At kahit sinabi nyang gigil na gigil sya sa buhok ko ay alam ko namang gusto din nya ito. Ito lang naman ang pinagdidiskitahan nya sa mga nadidiscover nyang hair style.

"What time na Fancy? Baka pumasok na si Sir Matthew." Mika asked. I looked at my watch.

"9:10 am na. 20 minutes left nalang papasok na sya. Hindi paba tapos yan?" Nag aalalang tanong ko. Baka kasi pumasok yung bigla.

"Don't worry malapit na to. Kunti nalang." Excited nyang tugon. Natawa na lamang ako sa kanya.

"Charann!!! Oh My Gulay! Ang ganda ganda mo talaga Fancy. Huhuhu! How to be you po." sambit nya ng matapos na ang buhok ko. Para syang baliw na naiiyak habang niyuyugyog ang balikat ko at hinahawakan hawakan pa ang pisngi ng aking mukha.

"Stop that Mika. Nababaliw ka na naman. How many times ko na yang naririnig tuwing nagtitirintas ka ng buhok ko." I told her.

"Uy Nissy mukha ba ang akong nagsisinungaling? Look at her nga! Tell me hindi ba yan maganda?" Maarteng tawag niya kay Nissy na nagsusulat sa tabi. Sipag ng isang to!

"Hindi sya maganda pero kung bibigyan nyo ko ng limang piso baka masabi ko yang gusto mo." Sagot nya kay Mika. Natawa na talaga ako ng tuluyan. Siguradong ginugood time sya nito.

"Tama na yan. Pati tong ganda ko pinagdidiskitahan nyo. Magsitigil na nga kayo. " Feeling kong sagot sa kanila. HAHAHA!

"Hmmp. Ganda ka naman talaga ah!kita mo yang mukha mo kinis kinis eh. Tapos balat mo parang pangbampira. Height mo nga lang.Hahaha pandak!" At talagang!

"Excuse me Mika! Wag mo nga idamay tong height ko kung pupurihin mo na man lang tong ganda ko. Upakan kita dyan eh. "

"Hahaha joke lang naman Fancy. Pero totoo naman talagang pandak ka! Hanggang balikat mo nga lang si Sir Matthew eh!" panlalait na naman nya. I look at my watch again. Hala! 9:27 na! Papasok na yun ngayon.

"Bahala ka dyan Mika. Baka pumasok na si Sir." Aniya ko at umupo na sa sariling upuan. Pati mga kaklase ko ay nagsimula narin magsiupo sa kanilang mga upuan. Baka natakot mapagalitan.

Nang tumuntong na sa Alas 9:30 ay pumasok na rin sya. Ramdam ko yata yung ka awkwardan sa room namin. Kahit ako ay nakayuko lamang. Ayokong tumingin sa kanya at siguradong maaalala ko na naman ang nangyari kahapon. Ayoko na alalahanin iyon.

"Good morning class"

"Good morning Sir Matthew. It's nice to see you this Morning. Benedecíte. "

My Teacher, My Lover!Where stories live. Discover now