Mykka POV.Pandalas akong bumangon sa kama ko dahil trenta minutos nalang maguumpisa na ang klase. Bakit kase di agad ako nakatulog late tuloy ako.
'Putcha!'
Halos para akong si Flash sa bilis kung kumilos nagshoshower ako habang nagsisipilyo,nagsusuklay habang nagbibihis, di na rin ako nakakain dahil wala na kong oras para magluto pa..
Halos mahulog na ko sa hagdan habang hawak ang libro na ilalagay ko pa sa Locker.
"Arayy!" Daing ko ng magtaob ako dahil sa may nabangga ako
Tsk! Kung kelan naman nagmamadali ako tsaka pa naabutan ng malas..
'Bat ba ang malas ko?'
Tumayo ako para harapin kung sinong gago yun. Seryuso? Sa daming mababangga ko mga to pa. Bakit ba ang liit ng campus na to?
"Hoy! Di mo ba ko tutulungan ha!" Sigaw ko dine habang nakaturo sa libro na nahulog ko sa pagkakabangga nya
"Bat kita tutulungan?" Seryusong sabi nya
"Binangga mo ko diba?!" Lapit ko sa kanya
"Alam mo Miss! Kung magpapansin ka wag dito pede naman sa ibang lugar kung saan wala makakakita" may ngising sabi nito tsaka lumapit saken kaya napaatras ako
"Putcha! Nabangga mo ko tulog lang hinihingi ko sayo" inis na sambit ko dine
"Ms. Nikson ikaw ang bumangga sa kanya" singit ni Gab
Kaya imbes na patulan sila naupo ako at pinagpupulot ang mga libro sa sahig. Kukunin ko na sana ang isa sa mga libro ng sipain nito palayo tsaka tinalikuran ako..
'Walang respeto"
Pandalas kong pinulot ang sinipa nitong libro tsaka..
BAGGGGG!!
'Sapol'
"Hoy! Ano bang problema mo ha?!' Inis ako nitong hinarap matapos batuhin ko sya ng libro na kinasampol nya sa ulo
"Ikaw! Ikaw ang problema ko!" Duro ko dito "Hindi mo na nga ko tinulungang magpulot ng libro sinipa mo pa!" Dugtong ko
Di sya sumagot kaya maglakad ako sa kanya para pulutin ang libro binato ko sa kanya..
"Walang respeto! Tinuringang may-ari ng paaralan wala naman palang magandang asal" asar kong sabi dito tsaka tumayo
"May kamay ka diba? Di pulutin mo..uutusan mo pa ko" ngising sabi nito saken
"Alam mo napakasama ng ugali mong Unggoy ka!" Sigaw ko dine
"Napulot muna diba? Ano pa bang sinisigaw sigaw mo jan" halatang naiinis na to
"Ang sinasabi kolang! Bakit di mo ko tinulungan?!"
"At bat ko gagawin yun"
Halos lahat ng dugo ko umakyay sa mukha ko. Di na ko makapagtimpi ng galit. Siya may kasalanan nito tapos sya pa may maganang magalit..Kakaibang lalaki!
"Let's go Bro!" Sabat ni Gab tsaka tinalikuran ako pero bago pa makatalikod ang Hari ng mga to ngumisi pa to na lalong mas ginagalit ko at kinainis ko
Padabog akong naglakad papuntang sa locker ko tinignan ko den ang oras. Napasandal ako sa Locker ko pagkatapos kong ilagay ang mga libro. Late na ko kaya ano pang ipapasok ko.
Maabutan ko ang klase pero di lahat! Bat kase lagi nalang nangyayari to saken. Bat ba puro kalamalasan nalang ang nakakasalubong ko dito sa loob ng campus na to!
BINABASA MO ANG
ILWMr.TB 1: Inlove With Mr. Tsinong Bully
RomanceIsang simpleng babae ang umibig sa Isang lalaki na ubod ng... . . . . . Yabang . . . . . Yaman . . . . . Cold hearted . . . . . Gwapo . . . . Tangkad . . . . . Bully . . . . . Inshort Isang mayaman at chinitong tsino na parang isang yeloo kong umast...