CHAPTER 23

35 2 0
                                    


Mykka POV.

"Hey! You heard the news?" Tanong nito ng makaupo ako sa silya ko

"What's news again, Tif?" Walang kasigla-sigla kong tanong ng ibaba ang bag at umupo

Alam kong puro kabaliwan nanaman ang sasabihin nito kaya kahit nakakasawa na ay sinasagot ko paren ito.

Mahigit isang linggo na ang nakakalipas ng ilabas sa private clinic ang kuya ko. At isang linggo na den ako walang pahinga, nakakatulog man ay konting-oras lang dahil simula ng pumasok ulit ako ay naghabol na ako ng mga lesson na nalikdangan ko...

Ayuko namang abalahin si Tif lalo na si Gavin sa kanilang ginagawa kahit sila pa mismo ang nagsasabi na tulungan ako ngunit tinatanggihan ko sila. Marami na silang natulong saken at kulang ang salitang pasasalamat na binibitawan ko sa kanila...

"Nakikinig kaba ha?" Bumalik ako sa realidad ng alugin ako ni Tif

"Sorry, may iniisip lang" baling ko dine "Ano nga ulit sinasabi mo?" Umayos ako ng upo upang harapin sya

"Kung sinabi mong may iniisip ka edi sana di na ko nagsayang pa ng laway" simangot na maktol nito kaya napakamot ako sa ulo ko na ngayon ay wala ng benda "Tapos ipauulit mo ulit  saken, may pagmoment pa kong nalalaman tapos lumilipad pala yang isip mo" natawa ako

"Sorry na nga diba? Ililibre kita ng lunch mamaya" labag man sa loob ko pero ito lang ang paraan para wag na syang magmaktol.

Naliwanagan ang mukha nya dahil sa binitawan kong salita dito. Diko alam na may pagkamatakaw pala ang isang to. Kaya tumatak na sa isip ko wag syang hayaang tupakin para salapi ay  maingatan at hindi mabawasan..

"Promise?" Tila di makapaniwalang tanong nito, tango nalang ang sinago ko. "I love you talaga! Mykka!" Sabay yakap saken..

"Ngayon lang yan" Biro ko dito ng makabitaw sya sa pagkakayakap "So, back to the topic?" Kamot-ulo kong dugtong dito

"Okay. Dahil ililibre mo ako, sige sasabihin ko ulit sayo" diniinan nya pa mismo ang salitang 'ulit' "Nag-sorry na pala si Tristan sa kuya mo, bat di mo manalang sinabi saken" may pagtatampong dugtong nya

Gulat at di makapaniwalang reaksyon ang lumabas sa mukha, wala akong pake kung pagtawanan ako ng kaharap ko. Talagang di lang ako makapaniwalang sa sinabi ni Tif saken..

'He doing it..'

"Si Tristan?" Paninigurado ko, nagtataka naman sya ay sinagot nya ko ng tango "Seryuso ka?" Pag-uulit ko

"Oo. Oo. Oo. Paulit-ulit" tila naiinis na sya sa pag-uulit na tanong ko

So? I'm right. Ginawa nga nya pero pano? I mean pano sya humarap kay Kuya. Si Tristan yun na may napakalaking galit kay kuya at matagal na. Pero di ko inaasahan na gagawen nya ang sinabi ko..

"Wait! Hindi mo alam?" Gulat na baling nito saken

"Hindi" iling-iling kong sabi dito

"Eh?" Paninigurado nya, tumango ako. "Di ba dapat ikaw ang unang nakakaalam dahil kapatid mo ang isa don"

"Again, I don't know" kunot-noong saad ko dito "But, how did you know?" Nagtataka kong tanong

Pano nya nalaman ang bagay na yun. Dahil ako mismo ay hindi alam ang balitang iyon. Nalilito ako??

"Dahil ayun yung eksena don sa kabila"

"Kabila?"

"Aytss.. Sa building ng mga Grade 12, ano ka ba bakit wala kang kaalam-alam?"

ILWMr.TB 1: Inlove With Mr. Tsinong BullyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon