CHAPTER 13

47 3 0
                                    


Mykka POV.

Nakangiti akong bumababa ng hagdaan. Ewan pero kung anong meron saken at ganto nalang ako pagkagising ko...

"Good morni--Fuck!!" Di ko na tuloy ang sasabihin ko ng may biglang malagkit na bagay ang natapon sa ulo ko kaya dali-dali ko tong hinawakan at nagulat nalang ako kung ano yun kulay asul ito

"Masarap ba ang pintura Ms. Nikson" mapang-asar na tawa ng babae

Teka sya yung babaeng nakaaway at nakasagutan ko noon sa canteen pati ang mga alipores nya. Gumaganti ba sya?

"Ano bang problema mo Miss?!" Sigaw ko dito habang inaalis ang pintura na nasa mukha ko

"Anong problema ko? Syempre ikaw" mataray nyang sabi saken lumapit sya saken tsaka ako tinulak ng napakalakas "Una si Tristan ngayon si Gavin naman. Di kalang pala ahas eh higad kapa!"

Di manlang ako makatayo dahil sa kahihiyan na ito. Ang daming estudyante ang nanonood pero ni isa walang balak na tulungan ako...

"Di ako malandi! Sila ang lumalapit saken" naiiyak na sabi ko dito

"Wow! So sinasabi mong nilalapitan ka ng Ex ko na si Tristan" napalaki ang mata ko sa sinabi nito

"E-ex?" Taka kong tunghay dito

"So! Kinalaban mo ko tapos hindi mo pala ako kilala" tawa nitong sabi tsaka lumuhod sa harapan ko "Ako si Maddixon Tylor"

"T-tylor?"

"Yeah! Pinsan lang naman ako ni Gavin at Ex den ako ni Tristan na pareho mong nilalandi" may diing sabi nya sa bawat salita pero para akong pepe "Kaya kong ako sayo layuan mo sila Ms. Nikson"

"Pano kung ayaw ko?" Pagmamatigas ko

"Ms. Nikson madali akong kausap..I know all about you" may pang-babantang sabi nito tsaka tumayo akala ko tapos na at balak ng tumayo "Gawen nyo na!"

Di ko na natuloy ang balak kong pagtayo dahil naramdaman ko na ang sunod-sunod na bato saken ng mga itlog at sari-sari. Wala akong nagawa kundi ang umiiyak habang nakayuko dahil kahit anong ilag ang gawen ko natatamaan pa den ako.

Ilang minuto pa ang dumaan pero tila hindi sila tumitigil sa ginagawa nila. Ramdam kong naghihina na ko at kahit anong pagmamakaawa kong itigil nila yun at tila parang hangin lang at walang naririnig. Dahil don hindi ko masasabi na sa oras na ito pipikit na ko dahil sa sakit ng buong katawan ko..

Sigaw at tawa lang ang naririnig ko sa kanila. Para akong isang hayup na unting-onting pinapatay sa ganung paraan...

"Itigil nyo na ang ginagawa nyo!" Sigaw ng lalaki dahil nga sa nanghihina ako ay nanlabo na den ang mga mata ko kaya kahit ganun ay naaninag ko ang lalaking nagawang harangan ako sa mga nambabato saken "Pagpinagpatuloy nyo pa to! Lahat kayo isusubong ko!" Ramdam kong tumigil na sila sa ginagawa nilang pambabato

Kaya walang alinglangang bumigay ang katawan ko dahil sa kahinaan. Hinihintay ko ang paglapat ng lupa sa katawan ko pero ilang minuto pa ang nakalipas pero wala akong nararamdam kundi ang isang bagay na nakahawak sa likod ko kaya pinilit kong imulat ang mata ko at don ko nakita ang isang lalaking may nag-aalalang tingin

"Gavin.." Mahinang sabi ko para marinig nya at onting-unting ng bumigat ang mga talukap ko..

'Thank you Gavin..'

Gavin POV.

"Gavin.." Sambit nito ng imulat ang mga mata tsaka muling bumalik sa pagkakapikit

ILWMr.TB 1: Inlove With Mr. Tsinong BullyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon