Mykka POV.Minulat ko ang mga mata ko sa purong puting paligid kung nasan ako. Wala na ko sa dilim kundi nasa liwanag na ko. Patay naba ko?
Bumangon ako sa pagkakahiga at tanging sakit lang sa katawan ang nararamdaman ko. Napagtanto ko na nasa isa akong lugar na masisigurado kong ligtas na ko at wala na sa madilim na kwarto..
Napangiti ako ng bumaling ako sa isang sofa kung nasan mahimbing na natutulog ang pinakamamahal kong kaibigan...
"Ahh!" Nawala ang ngiti ko ng makaramdam ako ng kirot sa ulo ko na syang kinagising ni Tif kaya kahit inaantok pa ay dali-dali syang tumakbo papunta saken na may pag-aalalang reaksyon
"Anong masakit? Bakit kase gumalaw ka" dahan-dahan nya kong hiniga pabalik sa kama
At don ko lang den napansin na may kung ano-anong karayom ang nakatusok sa parte ng braso ko. Benda sa ulo ko nakinadaing ko..
"Ang tanga mo kahit kelan! Di ka pa magaling tapos babangon ka na agad" sigaw nya saken ng makaupo sa tabi ko kung saan may upuan
"Hey! Easy.. I'm okay now" ngiti kong pagpapakalma dito kahit kumikirot pa ang ulo ko sa sakit
Ayukong pati sila madamay sa mga katanghan at katigasan ng ulo ko. Halata sa mukha nya ang pagod dahil sa laki ng eyebag nito sa ilalim ng mata kaya kahit konti ay mabawasan ang pag-aalala nya..
"Thanks god! You're awake!" Dali-dali syang lumapit saken pagpasok palang ng pinto kahit ang dala nitong supot ay binaba nya basta
Di lang pala si Tif ang nagbabantay saken dito kundi pati ren pala si Gavin. Kita ko na mas napuyat ata si Gavin dahil sa nangingitim nitong eyebag sa ilalim ng mga mata nito samahan pa ng magulong buhok na tila dipa ata nagsusuklay pero kita paren ang gwapo nitong mukha..
"Tif! Call the doctor" Utos nya sa katabi ko kaya dali-dali itong umalis sa tabi ko upang lumabas para tawagin ang doctor "Hey! Are you fine? Wala bang masakit sayo? Sabihin mo sa--"
"Hey! I'm really fine" pagpapakalma ko sa kanya dahil sa sunod-sunod nitong pagtatanong ng may pag-aalala "I'm okay now don't worry" tawa kong dugtong kaya napabuntong -hinga nalang sya
"Are you sure?" Paninigurado nya kaya ngiti akong tumango "Do you want a food? I think you are hungry now" ngiting dugtong nya habang inilalabas ang laban ng supot na dala nya
"Yeah! Your right! Nagwawala na mga dragon ko sa tummy ko" tawa kong biro kaya napatawa sya habang iiling-iling "Nasan nga pala ako?" Ng mapagtanto kung nasan nga ba kong lugar
"Private clinic na Academy" ngiti nyang baling saken habang binabalatan ang orange "Hindi na kase ikaw aabot kung sa hospital ka pa namen dadalhin kaya dito kita dinala tama namang may doctor" binigay nya saken ang isang piraso ng orange na binalatan nya mismo "When I see you in stockroom your heartbeat is getting slow"
Ang isusubo ko na sanang prutas ay hindi natuloy dahil sa narinig ko sa kanya. Bumagal ang paghinga ko na kung sakaling hindi nila agad napuntahan ay paniguradong ikamamatay ko. Kaya walang alinlangan ko syang niyakap na kinagulat nya mismo pero ilang segundo lang at sinuklian nya na den ako..
"Thank you, Gavin. Utang ko ang buhay ko sa inyo" mabasag-basag na sambit ko dahil ano mang minuto ay tutulo ng luha ko "Salamat talaga! Salamat Gavin.." At don na tumulo ang luha ko
"Shhh... Don't cry! I'm promised to you that I protect you. Right?" Sabi nya habang hinahagod ng isang kamay ang ang likod ko habang ang isa hinahagod ang buhok ko na walang benda "Alam na den ng dean ang nangyari sayo kaya malalagot ang mga gumawa niyan sayo kahit si Maddi pa"
Bumitaw ako sa pagkakayakap tsaka humarap sa kanya "Sino naman nagpaalam? Diba sinabi ko na--"
"Sa tingin mo hindi den malalaman ng dean yan lalo't nandito ka at nakahiga. Madaming estudyante ang nakakita habang tinatakbo kita. Ayuko na ulit itong mangyari kaya mabuti ng malaman ng nakakataas ang tungkol dito" natahimik naman ako dahil sa sinabi nya "Tsaka kasama namen si Tristan ng mahanap ka namen sa stockroom" napatingin ako sa kanya pero ang mga mata nakatuon lang sa mga pagkain na hinahanda nya para saken
Si Tristan? Si Tristan talaga ang nakasama nila sa paghahanap namen. Hindi ako makapaniwala ang ang hari ng mga unggoy at tinulungan silang hanapin ako..
"Di ka makapaniwala diba? Kahit kame hindi ren" kakaiba nitong tawa tsaka bumaling saken na may ngiti na ramdam kong pilit lang
'Nag-away ba sila ni Tristan kaya ganan sya?..'
Napahawak ako sa leeg ko ng maalala ang kwintas kaso wala akong nakapa. Pinagmasdan naman ako ni Gavin na kita ang pagtataka sa galaw ko..
"May problema ba?" Tanong nya tsaka nya tinabig patagilid ang pagkain para lumapit saken
"Nung nahanap nyo ko may nakita ba kayong kwintas na nakasabit sa leeg ko?" Tanong ko kay Gavin
"Kwintas?" Napatango naman ako nagbabasakaling tatango sya pero umiling sya kaya nahiga nalang ako sa kama habang hinahaplos ang leeg "Importante ba sayo ang necklace nayun?" Bumaling ako sa kanya tsaka tumango "Gano ka importante?"
"Sobrang importante saken yun. Nangako ako sa taong nagbigay nun na iingatan ko ang kwintas nya at hindi iaalis sa leeg kahit anong mangyari" may lungkot kong sabi habang hinahaplos ang pinagsabitan ng kwintas na yun at nakatingin sa kisame "Bata palang ako ng ibigay nya saken ang kwintas na yan. Naalala ko kung pano nya ko ipinagtanggol sa mga nambubully saken noon. Alam mo bang birthday gift nya saken ang kwintas na yun" bumaling ako kay Gavin na nakikinig lang saken "May deal kami nun. Na kapag nakita ulit kami gagawa kami ng masasayang memories. Kaso nawala yung kwintas na pinanghahawakan ko" pilot kong ngiti sa kawalan "He's my first love"
"Don't worry. Hahanapin ko yung kwintas mo" ngiti nyang sabi saken
"Salamat" ngiti kong sambit sa kanya tsaka pinagpatuloy ang di ko natuloy na pagkain
Sana nga Gavin mahanap mo. Dahil Hindi ko alam kung manonoticed pa ko ni Tan-Tan kung wala saken ang kwintas na binigay nya saken noon..
'Sorry Tan-tan..'
To be continued...
BINABASA MO ANG
ILWMr.TB 1: Inlove With Mr. Tsinong Bully
RomanceIsang simpleng babae ang umibig sa Isang lalaki na ubod ng... . . . . . Yabang . . . . . Yaman . . . . . Cold hearted . . . . . Gwapo . . . . Tangkad . . . . . Bully . . . . . Inshort Isang mayaman at chinitong tsino na parang isang yeloo kong umast...