Mykka POV.Akala ko matatapos na pero hindi. Lalo lang lumalala kada iaapak ko ang paa ko sa eskwelahan na ito ay hindi mawala ang kaba at takot kong nararamdaman. Akala ko mananatili ng tahimik ang buhay ko pero hindi. Nanatili pareng magulo.
Araw-araw di ako nawawalan ng kaaway. Araw-araw sari-saring masasakit na salita ang naririnig ko sa iba. Pero sa araw- araw na yun ay may taong laging sumasagip saken at nagpapalakas ng loob ko.
Isa lang naman ang goal ko sa buhay eh..
'Makakuha ng diploma hindi makakuha ng masasakit na pasa araw-araw..'
"Don nalang tayo sa garden kumain?" Nag-aalalang tanong ni Tif saken
"Okay lang" pilit kong ngiti dahil hapdi ang nararamdaman ko sa bawat pagkirot ng ibang sugat sa katawan ko
Naglalakad kami habang dala ang pagkain kinuha namen. At naghahanap ng bakanteng lamesa na kakainan namen. Mahirap para saken pero tinatanggap ko ang masasamang salita at tingin ng kapwa ko estudyante..
Kahit may mga pasa at sugat ako sa ibang parteng katawan ay tinutuloy ko paden ang pagpasok sa subject ko. Di ren ako nagsusumbong sa nakakataas dahil lalo lang akong pagiinitan. Di ko ren pinapaalam kay Mommy ng nangyayari saken ngayon kada tumatawag sya at tinatanong kung kamusta ako pero ang sinagot ko ay isang kasinungalingan..
'I'm fine..' Ayukong mag-alala sya saken. Ayukong dagdagan pa ang mga alalahanin nya.. Ayukong makita syang nasasaktan kapag nasasaktan ako..
"Bakit kase pumasok kana? Di pa magaling ang mga sugat mo" nag-aalala nyang sabi ng makaupo kami sa dulong lamesa
"Nag-aalala ako sayo Tif. Bakit kase nangealam kapa kahapon? Ang dami mo tuloy sugat" turo ko sa braso nyang may mga kalmot
Isinangga kase ni Tif ang sarili nya kapahon sa mga kaaway ko kaya pati sya nagkaroon ng mga sugat. Kahit si Gavin hindi ren mapatigil ang mga umaway saken kahapon kaya tulad ni Tif isinangga den nya ang sarili para lang protektahan ako..
"Best friend mo ko,Mykka! Kaya may karapatan den akong protektahan ka sa mga walang modong estudyante dito" turo nya sa sarili nya "Di na kaibigan ang tawag kapag nakatunganga ako at pinapanood kang saktan ng ibang tao"
"Pero sana hindi muna ginawa. Kaya imbes na ako nalang ang sinaktan nila pati kayo ni Gavin nadamay pa" depensa ko dito tanging buntong-hinga lang ang sinagot nito "Pero salamat ha"
"Nasan na kase yung palabang babaeng nakilala ko? Nasan na kase ang Mykka na nakilala ko?"
"Ako paren to Tif"
"Pero bat hindi mo kayang ipaglaban ang sarili mo sa kanila?"
"Sa tingin mo ba pag-lumaban ako sa kanila titigilan na nila ako? Hindi..Tif! Lalo lang silang dadami"
"Kaya mas pinili mong pabayaan nalang?" Napabaling ako sa boses ng isang lalaki
"Gavin..okay kana ba?" Imbes na sagutin ang tanong nya ay pinagmasdan ko lang den ang braso nya na may mga sugat
Buntong-hinga syang umupo sa tabi ko "Mas iniintindi mo pa ang iba kesa sa sarili mo" baling nya saken "Bakit mo kase pinababayaan na saktan kanila?"
"Dahil yun ang choice ko.. Dadating den yung time na sila mismo ang mapapagod sa ginagawa nilang pananakit saken" ngiti ko sa kanila
"Bat kase ayaw mong ipa-report sa nakakataas?" Inis na sabi nito
BINABASA MO ANG
ILWMr.TB 1: Inlove With Mr. Tsinong Bully
RomanceIsang simpleng babae ang umibig sa Isang lalaki na ubod ng... . . . . . Yabang . . . . . Yaman . . . . . Cold hearted . . . . . Gwapo . . . . Tangkad . . . . . Bully . . . . . Inshort Isang mayaman at chinitong tsino na parang isang yeloo kong umast...