CHAPTER 11

42 2 0
                                    


Mykka POV.

"Get a piece of paper!" Sigaw ng teacher namen sa unahan

"May test ba ma'am ?" Tanong ng isa kong kaklase dito

"Yes!" Taray nitong sagot

"Tsk! Di manlang nanginform" bulong ko habang kumuha ng papel sa bag ko

"Pasurprise yang si Ms. Taray" mahinang tawa ni Tif "Wala kaseng jowa kaya yan ang epekto" dugtong pa nito

Napatigil naman ako sa pagtawa ng may biglang mga pumasok kaya nakuha agad nito ang atensyon ng lahat sa loob. Naghahabol sila ng hininga habang nakahawak sa dibdib nila..

'What happened?'

"What happened the three of you?" Tanong ng guro namen sa kanila. Lahat kami hinhintay ang sagot nila

"Nothing" hingal na sabi ni Gab

"May nakaaway nanaman ba kayo ha?" Tanong pa nito

"Pede ba! Wag kanang magtanong" inis na sabi ng hari nila

"S-sorry" tiklop na sabi ng teacher namen

Pati teacher nagagawa nyang sagutin at takutin porket sya lang ang may-ari ng campus na to pwede na syang gumanyan sa kahit sino. Sa labas mataas sya pero sa loob ng campus nato student sya kagaya namen pero kung umasta para hindi namen kauri...

Daretso lang ako nakatingin sa kanila habang papuntang sa upuan nila. Halatang nakipag-away nga sila dahil sa may pasa si Gab sa labi at pare-parehong may gusot na uniform..

"Don't staring me like that Ms. Nikson" may diing sabi nito kaya napaiwas ako ng tingin sa kanya na kanina papala

Nagsimula na magtest kaya lahat nakatutok sa sariling papel nila at tahimik na nagsasagot. Di paren mawala sa isip ko ang nangyari kanina ngayon ko lang silang nakitang ganyan

"Tif.." Mahinang tawag ko dito

"Hmmm?" Sagot nito ng di bumabaling saken at sa papel lang ang tingin

"Tingin ko nakipag-away sila" sabi ko kumunot-noo naman syang humarap saken

"Sinong sila?" Tanong nito

Bumuntong hinga ako tsaka tumingin sa papel ko "Edi yung The Three Monkeys" sabi ko ng hindi manlang sya binabalingan

"Tsh..Pake mo ba kung nakipag-away sila"taas kilay nitong sabi ng tumingin ako sa kanya

"Di naman sa nangingialam ako sa buhay nila pero tignan mo kase ang mga itsura nila" baling ko sa mga nakaupong lalaki sa gilid ko na busy sa pagsusulat sa papel nila

"Itsura?"

"Ngayon ko lang silang nakitang ganyan pero tingin ko napakalakas ng kaaway nila" tingin ko sa taas ng kisame

"Napapansin ko nagkakaroon kana ng pake sa kanila"

"What do you mean?"

"Diba dapat maging masaya ka dahil nakahanap sila ng katapat" di ako sumagot at tanging sa papel lang ako nakatingin "Sa lahat ng pagpapahiyang ginawa nila sayo..Imbes na ikaw ang gumanti yung kaaway nila ang bumawi"

"Napaka-OA mo para sabihin yan saken" mahinang tawa ko

"Syempre nagkaroon na sila ng kaaway"

"Talagang magkakaroon sila ng kaaway dahil sa ugali nila kaya wag kanang magtaka"

"Pero kilala ang tatlong yan na pinakamayaman na pamilya at sa sinasabi mong sa itsura nila ngayon tila di natatakot ang kaaway nila para labanan yang mga yan"

ILWMr.TB 1: Inlove With Mr. Tsinong BullyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon