CHAPTER 7

45 2 0
                                    


Mykka POV.

"Ano bang sport lalaruin naten! Di manlang naten alam"inis kong sabi

Naglalakad kami papuntang Locker room para magpalit ng PE uniform.

"I don't know! Sa tingin mo alam ko" taray nitong sabi

"Tama ba yung size na binigay mo don sa dean?" Tanong ko habang nagbubukas ng Locker ko

"Yup" sagot niya saken katulad ko nagbubukas den sya ng Locker nya

Pagbukas ko palang ng Locker ay hinanap kona agad ang PE uniform ko tsaka sinaraduhan ulit. Nakaramdam ako ng kaba! Mukhang may di magandang mangyayari...

"Oh! Anong itsura yan?" Tawa nyang sabi habang nakaturo sa mukha ko

I rolled my eyes. Pumasok kami sa cr para magpalit na. Sa di malamang dahilan parang ayaw ng paa kong lumabas pagkatapos kong magbihis sa loob mg cubicle

No Hindi pede to! Ayukong umabsent sa iba pang subject ko. Malalagot ako kay Mama nito pagnalaman to!

"Mykka! Are you done?" Katok nito sa pinto

"No! Mauna kana sa field susunod ako" sabi ko dito

"Sige! Bilisan mo ha baka malate ka" paalala into saken

Rinig kong umalis na sya dahil sa lagabag ng paa nito palabas..

Sa totoo lang matagal na kong bihis Ewan ko lang kung bakit ayaw kong lumabas. Nakaramdam nanaman ako ng kaba. Wag nilang sabihin na gaganti na sila ngayon! My ghoddd di pa ko handa sa gagawen nila saken

Dahil sa ayaw ko ulit mapagalitan ng guro at lumabas na ko. Humarap ako sa salamin at nagpakawala ng isang malalim na buntong hinga

'Kaya mo yan'

Walang alinlangan akong lumabas sa cr. Naglakad na parang walang kabang dinaramdam pero sa totoo lang triple ang nararamdaman ko ngayon

Nakarinig ako ng mga tawanan sa paligid ko tinignan ko to at halos lahat sila saken mismo nakatingin! Pagtawanan ba naman ako.

'Anong problema ng mga to!'

Dahil sa ayukong mainis ngayon ay di ko nalang sila pinansin at nagtuloy sa paglalakad

"Yan na ba usong PE uniform"

"Nakalabas sya ng ganan! Nakakahiya"

"Babae pa naman"

Bulungan ng nasa paligid ko na nakatingin saken. Problema ba talaga ng mga to! Naiirita na ko pagtawanan at pagbulungan ba naman ako ng walang dahilan

Hahakbang palang ako ng harangan ako ng mga grupo ng mga babae nakangisi saken habang sinusuri ang itsura ko..

'Mykka! Relax'

Bumuntong hinga ako at hinarap sila "What?!" Mahinahon pero may diin kong sabi

"Look Girl! Nakalabas ka ng ganyan ang suot mo" tawa nitong sabi saken habang nakaturo sa suot ko

May saltik ba to! Eh halos magkapareho lang kami ng suot.. Di ko alam may mga pitik den pala tao dine

"Ano bang sinasabi mo?" Irita kong sabi dito

Tumawa ito bago pumunta sa likod ko "Ngayon ko lang nalaman na bago na pala style ng PE uniform" turo nya sa pwetan ko "Butas"dugtong nito na kinagulat at kinataka ko

Butas? Totoo mga may pitik na tong babae na to. Pano mabubutas ang PE ko eh NASA locker koto. Kahit sino di mabubuksan to expect sa dean dahil may duplicate sila ng susi ng lahat ng estudyante dito

Hindi kaya! No hindi sila siguro pero sabi gaganti sila! Wag nilang sabihin na...

Mabilis kong tingnan ang jogging pants ko at laking gulat ko na may nakitang butas sa pwetan ko at hindi lang isa dalawang butas pa..

Mabilis kong kinuha ng bag ko na nagsakbit sa unahan ko at pinantaklob sa pwetan ko. Di lang hiya sa sarili ko ang nawala kundi pati dignidad ko. Ngayon lang ako ng nakaranas ng ganitong pagpapahiya..

"Base sa itsura mo Ms. mukhang di mo alam"sabi nito saken " Pinagtripan"dugtong pa nito

Imbes na sumagot ay nagpandalas akong maglakad. Sa itsura kong to mukha akong matandang nirarayuma dahil nakahawak ang dalawa kong kamay sa likod habang tinatakluban ng bag ang butas na sakto sa-- Haystt! Never mind

Binuksan ko ang locker ko para kuhanin ang uniform ko sabay tatakbo sa cr at pumasok sa cubicle. Buti nagsuot ako ng maikling short kundi hindi makikita nila ang panty ko polka dots pa naman den yun

Irita akong humarap sa salamin at inigi ang suot na uniform ko. Kakainis di ko inaashang ganto igaganti nila saken. Nakaganti nga ko at nagawa ng tama ang pagbawi ko pero di ko inaasahang na ganito ang mangyayari saken

Lumabas ako sa cr na walang maiharap sa kanila dahil sa kahihiyan na nagawa ko. Ngayon lang ako na pahiya ng ganun napagtanto ko na ngayon time na to di na ko titigilan ng mga estudyante.

'Famous na ko'

Dahil sa nangyari  di na ko nakaattend ng PE. Malaking sakit nanaman to sa ulo. Nandito ako ngayon sa canteen nakaubob habang hinihintay ang pagdating ng kaibigan ko

Ramdam kong napupuno na ang canteen dahil sa tapos na ata ang PE kaya mas nahiya ako. Ano bang gagawen ko di ko na to mapipigilan.

"Hey!" Sabi nito imbes na tumungahay at tapunan ng tingin ay di ko nalang to pinansin "Are you ok? May nangyari ba naman habang wala ako"

"Nakita nyo ba yung babae kanina! Nakakahiya sya"

"Kung ako dun aalis na ko dito sa school na to"

"Sino kayang may gawa nun?"

Rinig kung topic ng lahat ang mangyari kanina sigurado akong ang mga tsimosa na yun di na ko titigilan. Ano na mangyayari saken ngayon?

Umalis na kaya ako dito at maghanap ng ibang school na papasukan maganda naman siguro yun di ko na maririnig ang mga bulungan about saken..

'Yeah! Best decision'

No! Pagumalis ako malalaman ng TTM na yun na suko na ko. Naguumpisa palang kami kaya bat susuko agad ako hindi ako aalis tatanggapin ko hamon nila na pagpapahiya saken at kailangan tanggapin den nila ang pagpapahiya na gagawin ko sa kanila

Tumunghay ako at humarap kay Tif na nakatingin sa paligid at halatang nakikinig sa tsimis

"Yeah! Ako yun" sabi ko na kina tingin nya saken "May malaking kahihiyan ang nangyari habang wala ka" dugtong ko

"Sana pala binalikan kita" inis niyang sabi sa sarili ngumiti naman ako

"Its okay! Its my fault" sabi ko dito "Di ako magpapatalo sa mga bulungan na yan"

"Mykka.." Nagaalala niyang sabi saken tumayo ako at tinapik sya sa braso

"Kaya ko Tif! Ano ako tanga magiging mahina dahil sa bulungbulungan ng iba!" Sigaw ko para marinig ng mga tao sa loob

"Hey! Sit down" sabi nito pero di ko sya pinakinggan

"Isa lang den naman ako sa mga napagtripan dito tsaka wag silang magmalinis alam kong napagdaanan den nila to" seryusong sabi ko

Rinig kong pagtahimik ng kaninang parang mga bubuyog na bulungan ng bulungan about sa nangyari saken kanina

"Wala na kong pake kong tsimisin nila ako about what happened lately! Di ko naman siguro ikakamatay mga panlalait nila saken baka nga sila pa mamatay dahil sa konsensya" tawa kong sabi kay Tif "Kaya wag kang magalala" dugtong ko

Gaganti ako di pwede ako lang ang laman ng balita dito sa school na to. Ano ako tanga na susuko nalang hindi no wala sa kabukabularyo ko ang sumuko

Lalaban ko sila! Unfair kase diba? Hintayin nila gagawen ko siguradong tatakbo at tatalon kayo sa takot..

'Just wait! The Three Monkeys'

To be continue....

ILWMr.TB 1: Inlove With Mr. Tsinong BullyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon