CHAPTER 20

31 3 0
                                    


Mykka POV.

"Are you sure na okay kalang?" Tanong ni Tif na nakaalalay saken ngumiti ako at tumango "Wag ka munang pumasok magpahinga ka nalang sa dorm mo"

"I'm okay, Tif " sabi ko napailing naman ito dahil sa katigasan ng ulo ko  na alam kong hindi nya den ako matatanggihan "Tsaka wala naman akong gagawen sa dorm paniguradong mabobored ako" ngiti kong dugtong

Hanggang ngayon ay may benda pa ang ulo ko. Umiinom naman ako ng gamot para maalis ang pagkirot nito minsan. Nakakabawi na den naman ako ng lakas ng makalabas kami kahapon lang..

Maraming lesson na kong naliligtangan dahil sa mga aksidente saken. Nabalitaan ko na den na umalis na si Maddi sa school at nagpunta ng states. Alam kong matatahimik ako kahit konti dahil sa pagkawala nya..

"Gavin!" Tawag ni Tif kaya napabaling ako sa kanyang kinakawayan

Nakita ko si Gavin na kumaway den papalapit samen. Napailing sya ng bumaling saken kaya patakbo syang lumapit samen..

"Diba dapat nagpapahinga ka?" Kunot-noong tanong nito saken

"Ayaw magpaawat eh!" Sagot naman ni Tif sa kanya "San ka nga pala pupunta?" Dugtong na tanong nito

"Sa office. Magrereport ako sa paglipat ni Maddi" ngiti nyang sagot "Oh! Wait may ibibigay nga pala ako sayo na tsak na ikatutuwa mo"baling nya saken tsaka sya may kinuha sa bulsa nya "Here"

"My necklace" ngiti kong kinuha ang kwintas sa kanya "How did you find?" Di paren maalis ang saya ko

"Akina ikakabit ko sayo" ngiti nyang sabi

Kaya walang alinlangan kong inabot sa kanya ang kwintas na kinuha naman nya at pumunta sa likod ko para isuot. Hinawi nya ang buhok ko ng matapos ay hinawakan ko ang kwintas at pinagmasdan na may ngiti sa labi

'Tan-Tan..'

"Bumalik ako sa stockroom at hinanap yan" ngiting sabi nya kaya walang alinlangan ko syang niyakap

Nagulat man sya ay yumakap den sya. Nagpapasalamat ako sa kanya ng marami dahil bumalik pa sya sa madilim na lugar na yun para hanapin ng kwintas ko..

"Thank you, Gavin" hinging pasasalamat ko ng bumitaw ako sa yakap

"Ikaw pa" mahina nyang tinap ang ulo ko "Kita nalang tayo mamaya. Bye" tsaka nya ko binigyan ng halik sa noo na kinayuko ko dahil sa naramdaman ko ang pagpula ng mukha ko

"Ehem! Tapos ka na bang kiligin jan" kunyaring pag-ubong sabi ni Tif ngayon ko lang napansin na nakalayo na samen si Gavin

"Sinasabi mo" pagtangi ko tsaka umunang maglakad

Tatawa-tawa naman syang sumunod saken. Kaya pinalo ko sya sa braso na kinasimangot nito..

"Kahit nakabenda kapa napaka-amazona mo paren" simangot nyang sabi habang nilalamas ng brasong hinampas ko

"Tsk!" Asik ko dine tsaka nagpatuloy sa paglalakad

Ngayon ko lang napansin na bawat dadaan kami ay nakikita ko ang pag-iwas ng mga tao samen. Nagsisisi ba sila sa ginawa nila. Simula kase ng malaman ng dean ang nangyari saken ay hindi na nila ulit pinahintulutan ang iba na lumapit saken. 

Lahat ng kasangkot sa pagkulong saken sa stockroom ay napakick-out habang ang iba namang nambully saken ay grounded. Hindi ko alam pero pakiramdam ko may tao na pinoprotektahan ako gamit yan..

"Tif!" Napatigil kami ni Tif sa paglalakad ng marinig ko ang pagtawag ng isang babae sa pangalan ng kaibigan ko

"Why?" Tanong ni Tif na makarating sa harap namen ng isa sa mga classmate namen

ILWMr.TB 1: Inlove With Mr. Tsinong BullyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon