CHAPTER 22

25 3 0
                                    


Mykka POV.

Inigi ko ang kumot na nakabalot sa katawan ng nakahiga kong kuya. Hanggang ngayon ay wala paden syang malay. Pero ang sabi ng doctor ay konting-pahinga pa ay magigising na sya siguro daw masyado daw ng hina ito sa pagkabugbog sa kanya kaya bumabawi ito ng lakas..

Ilang araw naden akong hindi umaattend ng class ko dahil ako ang mismong nagpresinta kay Ate May na ako ang mag-aalaga. Nagawa nyang pakipagtalo pero sa huli nanalo paden ako. Napagdesisyunan kase namen na ako sa umaga ang magbabantay dahil may class sya at sya naman sa gabi..

Kaya kada gabi ay umuuwi ako sa dorm ko at tinetext si Tif para hiramin ang mga notes nya. Kaya kahit di ako umaattend ng class ay nakakaabol naman ako ng lesson kahit excuses ako..

"Hmmm?" Napabalik ako sa realidad ng marinig ang ungol nito kaya dali-dali ko syang inalalayan sa pag-upo nito...

"Kuya! Your awake!" Sigaw ko kaya napatakip sya sa tenga nya

"Don't shouting" tsaka niya tinanggal ang kamay nya sa tenga nya

Kaya diko na napigilan ang sarili kong yakapin sya kahit alam kong madadali ko ang mga nakatusok sa kanya. Masyado na akong nag-aalaa dahil sa pagtagal ng gising nito kaya ganto ako kasaya ng makitang nakakabawi na sya ng lakas..

"Nag-aalala talaga ako sayo kuya ng sobra. Hindi ako mapakali hanggat hindi ka nagigising" mabasag-basag na boses na sabi ko dito

"Shh.. Don't cry,Kuya is fine now" ramdam ko ang paghagod ng kamay nya sa likod ko kaya nabawasan ang pag-aaala ko "Are you fine?"

Napabitaw ako sa yakap tsaka sya pinaghahampas sa braso. Bakit ba tinatanong nya ko nan dapat nga sya ang tanungin ko ng ganan..

"Hey! Stop is hurt" kaya nakasimangot akong tumigil sa paghahampas "I'm asking you if you are fine? Masakit paba?" Turo nya sa bendang nasa ulo ko

Yeah! One week na ang bendang nasa ulo ko dahil hanggang ngayon nakakaramdam pa ko ng konting pagkirot. Kahit kating-kati na kong tanggalin ito dahil ayukong maging kamukha ng unggoy don sa power puff girls..

"Bakit ka ganyan, Kyle Nikson" sambit ko ng walang kagalang-galang kita ko naman ang kunot-noo niya "Bakit mas iniisip mo pa ako kesa sa sarili mo. Ikaw yung nakahiga jan habang may nakatusok sa braso. Ikaw yung napuruhan pero bakit ako paden ang inaalala mo, Kuya?"

"Because you are my lovely sister, Mykka Nikson" ngiti nyang sabi saken

"Kahit na?" Nguso kong sabi kaya natawa sya "I think you are hungry now, Kuya" tsaka ko inalabas ang binalot na pinadala ni Ate May para saken

Inilapag ko ang pinalot bago buksan ang mga ito. Kinain naman nya yun. Pinagmamasdan ko lang kumain ang kuya ko..

Kita paren ang mga pass at sugat na natamo niya dahil sa pambubugbog sa kanya ni Tristan. Napayuko ako ng maalala ang kinuwento ni Ate May. Hindi ko alam na may pinagdaraanan noon si Kuya siguro hindi ko yun napansin dahil wala pa kong alam sa kanya noon..

"Di mo ba sasabayang kumain?" Tanong nya kaya ngiti akong umiling sa kanya "What's wrong? Tell me, Mykka"

"Hindi mo naman sinasadya yun diba?" Nakayuko kong sabi dahil hindi ko kayang salubungin ang magiging tingin nya dahil alam kong ayaw nyang pag-uusapan ang bagay na yun..

Ramdam kong napatigil sya sa pagkain. Inilayo na den nya ang mga binalot para ilagay sa kalapit na lamesa...

"Halatang nagkwento si May sayo" bumaling ako dito natingin lang sya sa kisame kaya bumalik ako sa pagkakayuko

ILWMr.TB 1: Inlove With Mr. Tsinong BullyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon