Chapter One

38 1 1
                                    

          Mula pagkabata magkakaibigan na kaming tatlo nila Tricia, Kevin at ako ( Bryan). Magkakasama na din kaming lumaki dahil ang mga parents namin ang mag aamigo't amiga. Kung nasaan ang isa nandun din kaming lahat. Lagi kaming magkakasama pag nag babakasyon. Kaya naman kilalang kilala na namin ang isa't isa. 

          We went to the same school mula Pre-School hanggang College, syempre magkakaklase kami. Yun nga lang nung college hindi na kami classmate. Pero nagkikita kita pa din kami everyday. Best friends forever yan kami. kaya walang iwanan. 

       Since si tricia lang ang nag iisang babae naming kaibigan, lagi namin syang inaalagaan at pinagtatanggol. Sya ang prinsesa namin.

           Sabay sabay naming naranasan ang lahat ng bagay sa buhay namin. Pati nga ata First love sabay sabay naming naramdaman. Prom Night nun, nung magtatapat na sana ko kay Tricia, pumunta ako sa bahay nila para sunduin sana sya at magtapat. Napatulala ako nung nakita ko sya, napaka ganda nya. Nung oras na yun parang tumigil ang pag ikot ng mundo at lahat ay nakatuon lng sakanya. Pero lahat ng yun agad ding nag bago, nung lumabas si Kevin at hinawakan ang kamay ni Tricia. Sabay nilang masayang ibinalita na sila. Hindi ko alam kung pano ko magrereact, pakiramdam ko unti-unting gumuho ang mundo ko. Pero dahil sa kaibigan ko sila, nagsawalang kibo nalang ako at itinago ang nararamdaman ko para kay Tricia.

I Think I Love YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon