Sumama sakin si Lexy, hindi ko din maintindihan pero nung mga oras na yun ang nasa isip ko lang gusto ko sya mapasaya. Dinala ko sya sa Eco park. Nag bike kami, nag ikot, kumain ng street foods at kung ano ano pa.. Nagtagumpay naman ako napasaya ko sya. Kumain muna kami ng dinner bago ko sya ihatid pauwi. Aksidente ko syang napag masdan habang kumakaen kami, ngayon ko lang napansin. napaka ganda pala nya. ang mga mata nya parang kumikislap na bitwin. Hindi ko napansin na nakatulala na pala ko sakanya.
Lexy: Huy!! ano bang nangyayari sayo? kanina pa ko salita ng salita dito hindi ka naman ata nakikinig.
Bryan: ah, sorry sorry :) anu na nga yung sinasabi mo?
Lexy: sabi ko salamat dahil dinala mo ko dito, saka salamat dahil kahit hindi tayo masyadong ok, ikaw pa din yung dumamay sakin kanina. salamat talaga :)
Bryan: ah wala yun. Basta pag kailangan mo ng maiiyakan ng mga problema mo, nandito lang ako para sayo. :)
----------------------
Muka syang angel na bumaba sa lupa. Nahuhulog na ata ako sakanya.
Mula nung araw na yun naging malpit na kami ni Lexy. Hindi na kami katulad nun na hindi nag uusap, mag uusap mag aaway lang. Ngayon ok na talaga, napapatawa ko na sya at hindi na sya nag susungit sakin.
dahil lagi si Lexy ang kasama ko madalang ko na makasama si tricia at kevin. Naisip ko na panahon na siguro para magkaayos na silang tatlo. Kinausap ko si kevin tungkol dun, pumayag sya pero wala sya idea kung pano namin gagawin yun. Si Tricia hindi din alam kung pano sila magkakaayos ni tricia. Pero kung sya lang ang masusunod, gusto nya na mag kaayos na sila.
Bryan: alam ko na! ano ba pinag mulan ng problemang to?
Kevin: Yung pag seselos ni Tricia kay Lexy. Baket?
Bryan: Tingin ko magiging ok na ulet kayo pag nagka bf ka na. Hindi na iisipin ni tricia na may gusto ka kay Kevin. Ano sa tingin nyo?
Kevin: Tingin ko maganda nga yan.
Lexy: Ano!!?? ako?! Eh san ko naman hahanapin yung magiging bf ko na yon!? sige nga?!
Kevin: sino bang may sabing maghahanap ka pa?! Si Bryan. si bryan ang mag papanggap na bf mo. Ok lang naman Bryan diba?
Bryan: Ano!!?? Ako? Kaylangan ba talagang ako? Wala bang iba?
Lexy: oo nga, bakit si bryan pa. Wala bang iba?
Kevin: Alam nyo ang choosy nyong dalawa, kanino bang idea to? ano ba? gusto nyo ba talaga magkaayos ayos tayo o hindi.
Bryan & Lexy: Gusto.
Kevin: Yun naman pala eh. edi mag panggap nalang kayo. Please gawin nyo nalang para sakin, saka para din sayo to Lexy. Please
Since idea ko naman to, wala na ko nagawa. Pumayag kami ni Lexy na mag panggap na kami. Syempre sweet lang kami pag andyan si Tricia. Meron din kaming TERMS AND CONDITION.
Bawal ang ma inlove
MONDAY AFTERNOON
Magkakasama kami nila Kevin at Lexy, hinihintay namin si Tricia para magkaayos na sila. Pero umalis si Kevin para pumunta ng CR. Natanaw na namin si Tricia, wala pa din si Kevin.
Lexy: Andyan na si tricia, ano gagawin naten? Gagawin ba naten yung sinabi ni Kevin? Kaylangan ba talaga nating gawin yung sinabi nya?
Bryan: Hah? ah... hmmm. Hindi ko alam.
Lexy: ayan na sya. ano na?!
Nakita ko si tricia na palapit na samin. Iniisip ko kung gagawin ko ba yung sinabi ni Kevin, mapapaniwala naman kaya namin si Tricia pag ginawa namin yun? Narinig ko na tinawag ni kevin si Tricia. Narinig ko din na inaya ni kevin si tricia para lapitan kami. Habang si Lexy nakatingin lang sakin at mukang nag hihintay kung ano ang gagawin namin. Malapit na sila samin pero hindi pa din kami gumagalaw.
Lexy: Bryan!! ano na?!
Hinila ko si Lexy at hinalikan sya sa lips.
Nabigla sila sa ginawa ko. Kahit naman ako. Kaya lang naipit na kami sa sitwasyon kaya pinanindigan nalang namin.
Bryan: Huy! Lexy, Ngumiti ka!!.
Tricia: anong nangyayari? Ba.....ba....kit ??? bakit mo hinalikan si Lexy? May relasyon ba kayo? May dapat ba kami malaman?
Tumingin ako kay Kevin, nag thumbs up sya. Ngumiti naman ako. Hinawakan ko ang kamay ni Lexy. Habang nakatitig sakanya. Kitang kita ang pagkabigla sa mga mata nya pero naka ngiti parin sya. Masunurin naman pala sya. May pagka matigas lang talaga ang ulo.
Bryan: Tricia, matagal ko ng nililigawan si Lexy, at nung sinabi mo sakanya na layuan na nya si Kevin, kami na nun.
Tricia: Ano? Siryoso ka ba?! Pero.... di ba .......
Bryan: Iniisip mo na may gusto sya kay Kevin. Na aagawin nya si Kevin?
Kevin: Nagulat nga ako nung nalaman ko yung ginawa mo kay Lexy, pero ngayon naiintindihan ko na. Hindi mo alam na sila na ni Bryan kaya mo naisip na may gusto si Lexy sakin dahil close kami. Tricia, tingin ko dapat na kayo mag ayos ni Lexy. sayang naman yung friendship nyo. Diba?
Tricia: Ganon ba? I'm sorry. i'm really sorry, hindi ko naman alam na...... Haist! Sorry talaga.
Lexy: Ok lang. Naiintindihan ko.
Kevin: Oh, ayan. Ok na ah. Wag na kayo mag aaway. Para every body happy. :)
Nakukonsensya ko sa ginawa namin. Pero at the same time ok na din, Kasi nagkaayos sila, ok na lahat. Isa pa, hindi naman talaga sapat magselos si tricia kay lexy. Dahil sya lang ang mahal ni kevin. Hindi din naman talaga plano ni Lexy na agawin si kevin.
BINABASA MO ANG
I Think I Love You
Novela JuvenilNoong una, hindi ko talaga sya makasundo. At kahit ayaw ko sakanya wala akong magawa dahil nasa iisang barkadahan kami. Pero hindi ko inaasahan na dadating ang panahon na mamahalin ko sya ng sobra sobra.