Siguro nga, tama nga siguro sila. Mahal ko na nga ata si Lexy. Pero panong nangyari? Bakit bigla ko nalang naramdaman to? Totoo ba talaga yung LOVE AT FIRST SIGHT. Na love at first sight nga ba ko.
---------------------------------
Nagpatuloy ang pag papanggap ko bilang boyfriend ni Lexy. At nagpatuloy din ang pagkalito ko sa totoo kong nararamdaman para sakanya.
Habang tumatagal nagiging malapit na kami sa isa't isa, kasabay nun ang pag linaw ng totoo kong nararamdaman. Naisip kong ipagtapat kay Lexy ang nararamdaman ko pero nag dalawang isip ako dahil natatakot ako na layuan nya ko. Natatakot ako na mapatunayan na si kevin ang mahal nya at ako baliwala lang.
Dahil sa takot na nararamdaman ko isang buwan ng lihim ko syang minamahal. Ang hirap dahil hindi ko magawa yung mga bagay na gusto kong gawin para sakanya. Gusto ko syang protektahan, alagaan, at pasayahin. Pero hindi ko magawa. Sa tuwing kasama ko sya gusto ko syang yakapin ng mahigpit at iparamdam sakanya kung gano sya kahalaga, kung gano ko sya kamahal. Pero pano ko gagawin yun kung hindi ko parin masabing mahal ko sya.
- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -
Magpapasko na, second week of december ng mag-aya si tricia na mag spend ng Christmas season sa bahay nila sa baguio.
Lexy: hui!! Bryan, ok ka lang ba?
Bryan: h.....ha? ah.... oo, oo naman. Bakit naman ako hindi magiging ok?
Lexy: at sino namang niloko mo? Ok ka, pero kanina ka pa tulala jan. Ano sasama ka ba?
Bryan: sasama? saan?
Lexy: Ok daw sya. Haist! Sandali lang pupunta lang ako sa powder room.
nag nod si Tricia at umalis na si Lexy. Pagkatayo ni Lexy Tumingi si kevin at tricia sakin, at tumawa sila ng sabay.
Bryan: hui!! bakit nyo ko pinagtatawanan??!!
Kevin: bro! kasama ka nga namin, pero yung utak mo asan? mukang wala dito. haha
Tricia: Pinag uusapan namin yung planong pag babakasyon sa baguio, sasama ka ba? Kasama si Lexy so you should come, hindi naman pwedeng iwanan mo nalang samin ang gf mo, db??
Bryan: Ha? Cge, cge sasama ko. Kelan ba?
Kevin: Next week. Para makabalik tayo dito before Christmas.
Dumating na ang Semester break namin at pumunta na kami ng Baguio. Iniisip ko na ipagtapat na kay Lexy ang lahat, pero pano kung sabihin nyang hindi nya ko mahal, hay, bahala na nga. Susubukan ko, kahit anong mangyari at kalabasan. Ang mahalaga masabi ko sakanya.
![](https://img.wattpad.com/cover/3113185-288-k102354.jpg)
BINABASA MO ANG
I Think I Love You
Ficção AdolescenteNoong una, hindi ko talaga sya makasundo. At kahit ayaw ko sakanya wala akong magawa dahil nasa iisang barkadahan kami. Pero hindi ko inaasahan na dadating ang panahon na mamahalin ko sya ng sobra sobra.