Kinagabihan pagkadating namin ng baguio nag aya si Tricia na mag ikot ikot muna kami. Humiwalay muna si Kevin at tricia samin para bumili ng makakaen namin. Naisip ko na yun na yung time para sabihin kay Lexy ang nararamdaman ko.
Bryan: Lexy!! Umupo muna tayo dun.. Saka may sasabihin na tuloy ako sayo.
Lexy: Wait! Let me guess, yan yung reason kung bat ka lagi tulala nuh?? *haha sige tara upo muna tayo dun.
habang nag lalakad kami papunta sa uupuan namin may bigla tumawag kay Lexy.
" Lexy!!!! Lexy!!!! "
Lexy: Christian?? Hey!!! What are you doing here??
Christian: we move here 2 years ago. How are you? Miss me??
Lexy: hindi ka pa din nag babago, ang yabang mo pa din. :)
Christian: haha, no, seriously, i miss you. Wait!! come with me. My mom will be happy to see you.
Sumama sakanya si Lexy, mukang nakalimutan nya na kasama nya ko at ,may sasabihin ako sakanya. Ganon ba kahalaga yung lalake na yun para makalimutan nya ko. hay!!! Pano pa ko magtatapat sakanya kung ganto, may nakita lang sya kakilala nabaliwala na ko.
Dumating na sila Tricia at Kevin. Gusto nila hanapin si Lexy, pero sinabi ko sakanila na wag ng hanapin, at inaya ko na sila na bumalik sa bahay. Napansin ni Kevin na malungkot ako. Pero hinayaan nalang nya ko, siguro naiintindihan nya ang nararamdaman ko.
Almost 10pm na nung dumating si Lexy kasama si Christian. Hindi na nya pinapasok ng bahay si Christian, kaya umalis din sya agad. Pagka alis ni Christian ay pumasok na din si Lexy. dumiretso na sya sa kwarto nya para mag bihis. Pagkatapos bumama sya sa living room at nakita nya dun si Tricia.
Tricia: san ka ng galing? Bat ngayon ka lang? Ayos lang ba kay Bryan na sumasama ka sa ibang lalake at iwanan sya?
Lexy: hindi ko naman sinasadyang iwan si Bryan kanina, kaya lang hindi lang ako nakatanggi kay Christian kanina.
Tricia: Hindi ka makatanggi? Bakit? Sino ba yung Christian na yun at nagawa mong iwan si bryan mag isa. At hindi ka man lang nag paalam sakanya na sasama ka dun, mi hindi mo nga pinakilala sakanya yung lalake na yun. tsk!!
Lexy: Wag mo na ko sermunan. teka asan ba si Bryan?
Tricia: hay naku, wag mo na sya hanapin, hindi mo din sya makikita. Hintayin mo nalang na sya mismo umuwi dto kung kelan nya maisipan. Isa pa mahirap hanapin ang taong ayaw mag pakita.
Lexy: Umalis sya? Bat umalis pa sya, gabing gabi na?
Tricia: Nagtaka ka pa, iwan mo ba naman sya para sumama sa ibang lalake, natural lang na magmukmok yun.
Lexy, talking to herself:
"Bakit naman sya magkakaganon ng dahil lang sa sumama ko sa ibang lalake, una sa lahat hindi naman talaga kami. haist!! ang labo nya. Pero teka, hindi naman kaya........................ nagtatampo sya dahil may sasabihin sya sakin pero iniwan ko sya? amp. baka nga. Malabo naman na nag seselos sya. Hindi naman katulad ko ang tipo nyang babae."
Madaling araw na nung umuwi ako. Tulog na silang lahat, kaya dumiretso na din ako sa kwarto ko para maligo at mag pahinga na. Halos isang oras na din ako nakahiga sa kama ko pero hindi pa din ako makatulog, kaya bumaba ako sa kitchen at uminom ng beer. Hindi ko napansin na napadami na ang inom ko.
Kinabukasan:
"Bryan?! Bryan?! Hui!! Gumising ka!! bryan!! Naririnig mo ba kami? Bryan?!! Wake up!!!"
Pag bukas ko ng mga mata ko. Nakita ko sila Tricia, dito na pala ko nakatulog sa sobrang lasing.
Kevin: Bro! bakit ka naglasing? Ok ka lang ba?
Bryan: Bro, hindi ako nag lasing. Saka ok lang ako, ano ka ba?
Tricia: Hindi ka nag lasing? Ano sa tingin mo yung ginawa mo? Saka kung hindi ka nalasing. Bakit dito ka natulog?
Bryan: wala talaga ko balak mag lasing, hindi lang kasi ko makatulog kaya uminom ako, hindi ko napansin na napadami na pala at dito na ko nakatulog.
Lexy: Tumigil na nga kayo, bryan umakyat ka na sa kwarto at ayusin mo yang sarili mo pagkatapos bumaba ka na ng makakaen na tayo ng umagahan.
Umakyat na ko sa kwarto ko. Si lexy na ang nag ayos ng pinag inuman ko. humiga muna ko dahil sumasakit ang ulo ko. Habang nakahiga, naisip ko na mahihirapan akong aminin kay lexy ang totoo kong nararamdaman lalo na ngayon. ngayong alam ko na na baliwala lang ako sakanya at kaya nya kong iwan ng basta basta para sa iba. Hindi ko na rin namalayang makatulog nanaman ako. Nagising nalang ako ng marinig ko na may tumatawag sa pangalan ko. Pag bukas ng mata ko nakita ko si Lexy.
Lexy: Bryan, ok ka lang ba? eto oh, dinalan kita ng pagkaen, baka kasi nagugutom ka na. Sumasakit ba ulo mo?
Bryan: Nag abala ka pa, ok lang naman ako. Pero salamat pa din.
Lexy: Ano ba kasi nangyayari sayo? Ilang araw ka ng balisa ah. Common tell me what's wrong.
Bryan: wala, wala toh!!! Saka ano bang pakialam mo? Di ba nga iniwan mo nalang ako basta basta kagabi para sumama sa lalaking yun!! so anong pakialam mo sa nararamdaman ko?!!
Lexy: *teary eyes* bryan, look, im sorry, i ... i didn't mean to do that.
Bryan: You didn't mean to? But you did!!!. Iniwanan mo ko dun! Sumama ka sakanya! Now you'll tell me you didn't mean it?
Lexy: Ok!!! Im sorry. I'm really sorry. *crying*
Bryan: Sorry sa mga nasabi ko, masama lang talaga pakiramdam ko. Iwan mo muna ko. ilabas mo na din yang pagkaing dinala mo. Ayoko kumaen.
Lexy: Sige, kahit hindi kita maintindihan, pipilitin ko. Pasensya ka na kung iniwan kita last night. sorry... sorry talaga.
Lumabas na si lexy ng kwarto ko habang umiiyak, hindi ko alam kung bakit ako nakapag salita ng ganon sakanya. Hindi ko sya gusto saktan dahil sa bawat patak ng luha nya, parang paulit ulit na dinudurog ang puso ko. Pero nagawa ko parin sya paiyakin. Dala lang siguro ng nangyari kagabi. Hindi ko yun dapat ginawa sakanya. I should apologize to her.
Bakit ba naman kasi lahat nalang ng babaeng minamahal ko iniiwan ako. Ganon ba ko kahirap mahalin? Pakiramdam ko gusto ko ng kainin ng lupa sa sakit na nararamdaman ko.
Hindi ako lumabas ng kwarto buong araw. Dahil dun hindi na din ako nakakaen. Buong araw nakahiga lang ako, nag iisip. Gabi na nung lumabas ako ng kwarto. nakita ko sa living room si Kevin.
Kevin: buti naisipan mo pa lumabas ng kwarto mo. Nandito tayo para mag enjoy at mag bakasyon. Hindi para mag kulong ka sa kwarto mo buong araw at mag lasing hanggang sa hindi mo na kaya.
Bryan: sorry bro!! Alam ko naman yan, pero sana intindihin nyo nalang ako. teka asan si Tricia?
Kevin: Lumabas sila ni Lexy para mag ikot ikot. Nag paiwan na ko, baka kasi pag iniwan ka naming mag isa dito, hindi ka na namin abutang buhay.
Bryan: Tumahimik ka nga!! kakain muna ko!!
Habang kumakain ako hindi ko pa din mapigilang isipin na baka katulad ng nangyari nuon hindi din ako ang piliin ni Lexy, hindi ko alam kung kakayanin ko pa pag nangyari yun. Dapat ko pa ba sabihin kay Lexy o dapat makuntento nalang ako sa kung ano kami ngayon.

BINABASA MO ANG
I Think I Love You
Teen FictionNoong una, hindi ko talaga sya makasundo. At kahit ayaw ko sakanya wala akong magawa dahil nasa iisang barkadahan kami. Pero hindi ko inaasahan na dadating ang panahon na mamahalin ko sya ng sobra sobra.