Mabilis lumipas ang mga panahon. Tama nga sila "TIME FLIES WHEN YOU'RE HAPPY"
Halos kay Lexy nalang umikot ang mundo ko. Sya lagi kasama ko sa lahat ng araw na dumadating sa buhay ko, namin. Buti nalang walang dumadating na bagay na pwedeng maging dahilan ng pagkakalayo namin.
Si Lexy na talaga ang babaeng para sakin, ang babaeng gusto ko makasama sa habang panahon. Kung hindi rin lang sya, ayoko na sa iba.
Ilang taon na din mula ng maging kami ni lexy.
Sembreak, Pasko, Bagong taon, Valentines Day, Birthday, Summer, Winter kahit nga Holly Week mag kasama pa din kami. every single day of my life, sya lagi nasa tabi ko. Sya ang gusto kong nasa tabi ko.
-------------------------------------------
Hindi pa ko napapakilala ni lexy sa pamilya nya dahil nasa ibang bansa ang mga ito. Uuwi dito sa pilipinas ang parents nya ngayon february. Balak namin na ipapakilala na ko ni lexy sa mga magulang at kapatid nya sa mismong araw ng ika 20th birthday nya.
May inihandang malaking party ang mga magulang nya para kay Lexy. Syempre imbitado kami nila kevin. Sobrang pinag hahandaan ko yung araw na yun dahil bukod sa birthday ng babaeng pinaka mamahal ko, makikilala ko na din ang pamilya nya.
Dumating na ang araw na pinaka hihintay ko. Feb. 17, finally! Haharapin ko na ang parents ni Lexy. Kabado ko pero masaya ko at the same time. Nauna na sila Tricia at Kevin kila Lexy dahil dahil hinahanda ko pa ang regalo na ibibigay ko kay Lexy at sa pamilya nya.
8 pm na nung papunta ko kila lexy, pero habang nasa daan ako tumawag si Kevin.
Bryan: Bro! Napatawag ka. Nasa byahe na ko.
Kevin: Bro! Malapit ka na ba? Amp, wag ka na tumuloy dito kila Lexy.
Bryan: Bakit bro? may problema ba? May nangyari ba kay Lexy?!!
Kevin: Bro wala! ok lang si Lexy, pero bro please wag ka na tumuloy dito.
Bryan: Pero bakit nga!!!
*Call Dropped*
"Ano bang problema nun?"
Hhindi nagtagal pagkatapos ko makausap si kevin dumating na ko kila lexy. Sinalubong ako nila Kevin at Tricia sa gate, pilit nila ko pinipigilan na pumasok, pero dahil sa ginagawa nila mas lalo ko gusto makita si Lexy.
Nagulat ako sa mga nakita ko.
"Ladies and Gentlemen, may i have your attention please. Thank you, thank you. Today we are celebrating our Daughter's birthday, lexy. Everyone knows that she is our only daughter, ofcourse just like every other parents out there we only want what's best for Lexy, so we'll be happy if she'll marry the right guy for her. We are proud and happy to say that tonight we will not only celebrating our daughters birthday but also her engagement. May we call on the future husband of lexy, please join us here Christian."
Pakiramdam ko isa tong masamang panaginip, akala ko mula nung maging kami ni lexy wala ng dadating na problema, pero bakit ganito? Hindi ako makapaniwala sa mga narinig ko, akala ko, ako ang mahal ni lexy. Ang sabi nya ipapakilala nya ko sa pamilya nya. Pero ano toh? Bakit ganito?
Nagmadali akong umalis sa bahay nila lexy, hinabol ako nila kevin at tricia.
Kevin: Bryan, wait san ka pupunta?!!
Bryan: Bitiwan mo ko!! Umamin kayo! all this time alam nyo toh diba!??!! diba!!??
Tricia: Bryan, no!! Kanina lang namin nalaman, kaya nga ayaw ka na naming papuntahin dito, para hindi ka masaktan.
BINABASA MO ANG
I Think I Love You
Ficção AdolescenteNoong una, hindi ko talaga sya makasundo. At kahit ayaw ko sakanya wala akong magawa dahil nasa iisang barkadahan kami. Pero hindi ko inaasahan na dadating ang panahon na mamahalin ko sya ng sobra sobra.