Siguro hindi ko nalang sasabihin kay Lexy ang nararamdaman ko, iiwas na nalang ako at susubukan ko nalang na kalimutan sya.
Ngayong araw nag aya si Kevin na mag horse back riding. Sinusubukan ko maging normal sa harap nila, sinusubukan ko na ipakita na ok lang ako, na hindi na ko apektado sa nararamdaman ko kay lexy. At sinusubukan ko na din na kalimutan ang nararamdaman ko sakanya. Mahirap pero kaylangan, dahil kung hindi lalo lang ako masasaktan.
Lahat ng paraan ginagawa ko para pasimpling makaiwas kay Lexy, pero, sadya ata mapag laro ang tadhana. Kahit anong iwas ko lagi parin may nangyayari na nag lalapit samin.
Iniwanan kami nila kevin at Tricia, bigla nalang sila nawala, aksidenteng nahiwalay sila samin. Sinubukan namin sila hanapin pero hindi namin sila makita. Hindi din namin sila matawagan dahil hindi ko dala ang cp ko at lowbat naman si Lexy. Pag napaglaruan ka nga naman ni kupido, wala kang ligtas.
Bryan: haist! san ba kasi sila nag suot?!! Pag minamalas ka nga naman oh!!!
Lexy: malas?! malas agad?? dahil ba ako nanaman naiwan sayo, malas na!!
Tumingin lang ako sakanya at napailing nalang. Ayoko na sya patulan dahil alam ko pag pinatulan ko pa sya hahaba lang ang usapan at siguradong hindi na yun matatapos.
Lexy: hoy!!! ano ba!??!! Hindi mo ba ko papansinin? Galit ka ba sakin? ano?!! Huy.. ano?..................ok..................... ok, i get it. Sinasabi mong malas dahil ako kasama mo, at iniisip mo na iiwan nalang ulit kita bigla. Wag ka mag alala hindi ko na gagawin yun.
Pinilit ko pa din na hindi kausapin si Lexy. Nag disisyon ako na umuwi nalang kami. Pag dating namin sa bahay wala pa din yung dalawa. Kaya pumunta nalang ako sa kwarto ng sa ganon hindi na muna kami magkausap ni Lexy. Pero pagkatapos ng kulang isang oras pumasok si Lexy sa kwarto ko.
Bryan: anong ginagawa mo dito?!!
Lexy: Kaylangan nating mag usap!!!
Bryan: Mag usap? ano naman pag uusapan naten?! alam mo kung aawayin mo lang ako, Please bukas nalang. pagod ako. Bukas nalang ok?
Lexy: Hindi!!!! Ngayon tayo mag uusap. Hindi bukas hindi mamaya hindi sa isang linggo!! NGAYO!!!
Bryan: Hoy! pwede wag sumigaw. Eto lang ako oh, eto lang. Maririnig kita kahit hindi ka sumigaw.. ano ba kasi yun?!!
Lexy: alam ko...alam kong may nangyayaring hindi ko alam, alam ko na may dapat akong malaman.
Bryan: tulad ng?? ano ba yang sinasabi mo.?!!
Lexy: Dapat kong malaman kung bakit ka bigla nag kaganyan!!! Wala akong ginagawang masama sayo!! Pero bakit mo pinaparamdam sakin na parang ang sama sama ko?!! sabihin mo sakin!!! bakit mo ba ko ginaganito?!!
Bryan: ano bang ginawa ko sayo?!! Wala akong alam sa sinasabi mo. Alam mo praning ka lang. Pwede ba. Bukas mo nalang ako kausapin. Lumabas ka na. Gusto ko na magpahinga!
Lexy: *crying* Ano ginawa mo sakin? wala! wala kang ginagawa! wala kang ginagawa kaya pakiramdam ko nasa tabi nga kita pero parang wala ka! Kinakausap kita pero parang hindi mo ko naririnig!! akala ko mali yung pagkakakilala ko sayo! akala ko iba ka sa lahat ng lalaking nakilala ko. Akala ko ,mabait ka, na mabuti kang tao! Pero mali ako, katulad ka din nila!! Wala ka ding kwenta!! akala ko pa naman pwede kitang .......
Bryan: AKALA!!!! yan puro ka kasi akala, anong akala mo alam mo na lahat. Lexy, you don't know anything!! wala kang alam!! wala kang alam sa mga totoong nangyayari! Ano!??!! Tingin mo kilala mo na ko?! wala kang karapatang sabihin na katulad ako nila, na wala akong kwenta!!! You just know my name!!
Lexy: siguro nga! siguro nga hindi kita kilala. pasensya na ah!! Hindi ko lang kasi maintindihan kung bakit ka nagkakaganyan hindi ka naman kasi ganyan dati, nagkaganyan ka na mula nung sumama ko kay Christian! Dahil ba dun? Dahil ba bigla kitang iniwan? pero nag sorry na ko diba? Hindi pa ba sapat yun? ano gusto mo, lumuhod pa ko?
Bryan: Oo!! Dahil dun!! Dahil nga siguro dun!! Alam mo ba?!! alam mo ba kung ano ang pakiramdam?? Pakiramdam ng lahat ng taong na mahal mo iniiwan ka, alam mo ba yung pakiramdam na maiwan?! ano?? hindi ka makasagot, dahil hindi mo alam, dahil ikaw ang nang iiwan!!?? di ba? tama ako?
Lexy: Anong sinabi mo? Ulitin mo nga yung sinabi mo.... Did you say, you love me?
Bryan: oo, oo lexy, mahal kita. hindi ko alam kung pano, kung kelan. Nagkakaganto ko dahil mahal kita, dahil nasaktan ako nung bigla mo ko iniwan para sumama kay Christian. Masaya ka na?!! Congratulation!! You win. Na inlove ako sayo. alam ko na may usapan tayo, bawal mainlove. alam ko yun, hindi ko naman yun nakakalimutan eh. Pero ano bang magagawa ko, wala, hindi ko napigilan. Wag ka mag alala, hindi naman kita pipiliting mahalin din ako. kaya nga iiwas nalang ako sayo. sorry, sorry for falling for you.
Lexy: Bakit hindi mo sinabi sakin?
Bryan: Bakit kung sinabi ko ba sayo noon, may magbabago ba? Mababago ba yung katotohanang hindi mo ko .......
Lexy: Bakit kasi hindi mo muna sinubukan? Nag iisip ka na agad ng kung ano ano hindi mo pa naman sinusubukan.
Bryan: Bakit? Kung sinabi ko ba sayo na mahal kita, sasabihin mong mahal mo din ako, mamahalin mo din ba ko?
Lexy: Bryan, mahal kita. mahal na mahal. Hindi ko alam kung san ako nag kulang para hindi mo maramdaman na mahal kita. at kung hindi ko naparamdam sayo sorry. Pero bryan maniwala ka, mahal kita. *crying*
Bryan: yung gabing dun ka natulog sa bahay, nung may sakit ako. Panaginip ko lang ba yun? o nangyari talaga?? Totoo ba na sinabi mo sakin nun na mahal mo ko? at yung kiss?
Lexy: totoo yun. sinabi ko yun at hinalikan talaga kita.
Hindi ko napigilan ang sarili ko niyakap ko si Lexy ng sobrang higpit. Nung mga oras na yun, ayoko na syang pakawalan. Gusto ko nalang na ganon kami habang buhay. natatakot ako dahil baka pag binitawan ko sya, mawala sya sakin bigla.
Sobrang saya ko nung mga oras na yun. Pakiramdam ko huminto ang ikot ng mundo. Wala na ko pakialam sa paligid ko ang alam ko lang masaya ko. Sobrang gaan ng pakiramdam ko dahil finally!! Nasabi ko na din ang nararamdaman ko.

BINABASA MO ANG
I Think I Love You
Teen FictionNoong una, hindi ko talaga sya makasundo. At kahit ayaw ko sakanya wala akong magawa dahil nasa iisang barkadahan kami. Pero hindi ko inaasahan na dadating ang panahon na mamahalin ko sya ng sobra sobra.