Chapter Two

31 1 1
                                        

          Ilang taon na din ang lumipas mula nung gabing yun, pero hanggang ngayon masakit pa din sakin na hanggang mag kaibigan lang kami ni Tricia at si kevin ang mahal nya. Madalas naitatanong ko sa sarili ko, panu kung nasabi ko agad sakanya na mahal ko sya? ako ba pipiliin nya? Pero alam ko na kahit kelan hindi na masasagot yun.

          Sa university ko nakilala si Lexy, hindi maganda yung una naming pag kikita. Pano ba naman, muntik ko na sya masagasaan dahil bigla bigla nalang sya tumatawid ng hindi tumitingin sa dinadaanan. Nung pangalawa naman naming pagkikita, hindi pa din maganda nangyari. Natabig lang naman nya yung coffee ko kaya ako nabasa. The third time around, nagkatabi kami sa klase, well to be clear ako ang tumabi sakanya.hindi ko naman expected na sya yun. Kung alam ko hindi ako tatabi sakanya. Napalabas kami ng class room kasi naingayan yung prof namin, tama ba naman kasing awayin ako habang nag kaklase. Diba napaka malas, parang laging may kamalasan pag nakikita ko sya.

         Isang araw, mag kasama kami ni kevin. Nakasalubong namin sila tricia.

Bryan: Bakit mo kasama si Tricia?!

Lexy: Bakit? may batas ba na nagsasabing bawal maging kaibigan si tricia?!

Tricia: Magkakilala kayo?

Bryan: Oo, sya yung sinasabi ko sainyo na dahilan kung bat ako napalabas ng Class room.

lexy: hoy! baka nakakalimutan mo! muntik mo na kong sagasaan!!

Kevin: hi lexy..  hi, Tricia :) sabay kiss sa pisngi ni tricia

Bryan: Teka, kilala mo din sya?

Kevin: Oo. :)

Lexy: Girlfriend mo si Tricia??

nag nod si kevin. Napansin ko na medyo parang dissappointed si Lexy.

Bryan: Teka, bat nga ba kayo magkasama neto?

Tricia: Sya yung bago kong kaibigan :) so sana bryan, be nice to her. Ok? :)

Mula nung araw na yun madalas na naming nakakasama si Lexy, to be exact everyday namin syang kasama. At everyday na din akong bad trip. Kasi everytime na mag kasama kami, lagi nalang kaming nagtatalo ni Lexy. Hindi na ata kami mag kakasundo.

Hindi nag tagal medyo nabawas bawasan na din yung pag tatalo namin. Hindi nalang namin pinapansin ang isa't isa para walang gulo. Napapadalas na mag kasama si Kevin at Lexy, karamihan kasi sa subjects nila pareho. Naging sobrang close tuloy nila. Naging dahilan ng isang malaking gulo samin nila tricia at sa relasyon ni tricia at Kevin.

         Hindi selosa si tricia, hindi lang talaga sya nasanay ng may ibang malapit na babae kay Kevin. Kaya nung napalapit ng sobra si kevin at lexy sa isa't isa, pinag mulan yun ng gulo.

tricia: Layuan mo si Kevin. Kung totoong kaibigan kita.

Lexy: teka lang, tricia anong ibig mong sabihin? Wala naman kaming ginagawang masama ni Kevin, mag kaibigan lang kami. Saka hindi ko naman aagawin si kevin. Best friends tayo diba? Bat ko gagawin yun?

tricia: oo nga, magkaibigan tayo. pero akala mo ba hindi ko napapansin na may gusto ka kay kevin?

Lexy: Tricia mali ka. magkaibigan lang kami. maniwala ka naman oh.

Tricia: Tama na!!! layuan mo si Kevin, Kung ayaw mong tuluyan tayong mag kasira.

Lexy: Wag naman ganito. sige kung yan gusto mo, lalayuan ko si kevin. Wag lang masira pag kakaibigan naten.

I Think I Love YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon