Chapter 14

9 2 3
                                    

Athara Pov

Pagdating ko sa gate ay iniwan ko ulit kay manong guard ang bike ko. Wala pa masyadong tao dahil 6:30 am pa lang. Papunta pa lang ako sa building namin ng may makita ang petals ng roses sa sahig. Hindi ko na lang ito pinansin.

Sa harapan na ako ng room namin ngunit magtataka ako bakit sarado ang pinto at hindi naman ito naka lock. Sa ganito kasing oras nandito na dapat ang nagbubukas ng room namin. Kaya binuksan ko na lang ito at bumungad sakin si Troy at Josh na nakahawak ng cartolina na may naka sulat na

Good morning my Athara Heart♡

Halata pang naantok si Troy dahil naka pikot ito at si josh naman ay parang naiinis na kakatayo. Meron ding iilan na kaklase namin naka hawak naman sila ng mga balloon na hugis puso.

Kanino namang pakulo to. ? Tss

"Ano namang trip niyo?!" Sabi ko sa kanila pero wala ni isang sumagot. Bigla na lang may lumabas galing sa sulok sila abegail,sam at iba pa naming kaklase. Halos kumpleto silang lahat dito. Isa isa naman sila lumabas na may hawak pang color paper na may naka sulat na

Hi

Athara

Can

I

Court

you?

Yes

Or

Oo?

"Wow! Ganda ng choices ah?" Sabi ko sa kanila pero walang nagsalita.

"Its either Yes or Oo. So choose athara." Sabi ng pamilyar na boses galing sa likuran ko kaya hindi kona ito nilingon. Lumakad ito paharap sakin at may bitbit na Flowers.

"Asa ka namang pipili ako!" Sigaw na sabi ko sa kanya ngunit hindi nagbago ang reaksyon sa mukha niya. Seryuso itong nakatingin sa mata ko.

"Sige, hindi na kita papipiliin... pero hayaan mo kong mahalin ka." Sabi niya sabay lapit sa akin. At inabot ang bulaklak na dala niya.

Hindi ko alam ang nangyayari sa akin dahil biglang bumilis ang tibok ng puso ko ng sabihin niya ang katagang iyon. Nakaramdam ako ng init sa pisnge at sigurado akong pulang pula na ito.

Bigla namang may tumugtog na kanta at sinabayan pa ito ng kaklase namin. Inabot naman ni Peirce ang kamay ko at isinayaw niya ako.

(Now playing)
Make it with you
By:Bread

Hey, have you ever tried
Really reaching out for the other side
Im maybe climbing on rainbow
But baby, here goes

Dream's they're for those who sleep.
Life is for us to keep.
And if you're wondering what this song is leading to
I want to make it with you
I really think that we could make it girl

Parang akong matutumba ano mang oras dahil nanghihina ang tuhod ko dahil seryusong naka tingin sa mata ko si peirce.

"Kung hindi kapa ready, i can wait athara. Mahal kita at sorry dahil hindi ko kayang pigilan pa. " sabi niya pa at halos magkadikit na mukha namin dahil sa sobrang lapit na neto.

Nanatili akong nakayuko at walang masabi dahil hindi parin matanggap ng isipan ko ang lahat na nangyayari ngayon.

No, you dont know me well
In ever little thing only time will tell
But you believe the things that i do
And we'll see it through.

"Hayaan mong ligawan kita athara. Para mas lalo mo akong makilala at ganun din ako sayo." Bulong ulit neto sakin. Ngunit nanatiling akong tahimik.

Life can be short or long
Love can be right or wrong
And if i choose the one I'd like to help me through
I'd like to make it with you
I really think that we could make it girl.

Inangat ni peirce ang mukha ko kaya nag tama ang paningin naming dalawa. Makikita sa mata niya totoo ang sinasabi neto.

"I love you athara always and forever."  Sabi niya at niyakap ako.

Hindi kona kaya ! Mababaliw na ako sa kalokohan ng isang to!!.

Bahagya ko siyang tinulak at tumakbo palabas. Narinig ko pang hinabol nila ako ngunit pinigilan sila ni Sam. Alam niya rin sigurong gusto kong mapag isa.

Pumunta ako sa labas at nagpalipas muna ng oras dahil hindi ko pa siya kayang harapin sa ngayon.

7:20 am.

May 10 mins pa ako para maka balik bago mag start ang class kaya bumalik na ako agad. Pagdating ko ay tumahimik silang lahat nakatingin sa akin. Diresto lang akong lumakad papunta sa kinauupuan ko.

Peirce Pov.

Maaga akong nagising kanina dahil may pinaplano ako. Gusto kong supresahin si athara. Kaya isa isa kong chinat ang mga kaklase ko para tulungan akong mag handa ng isusupresa ko sa kanya. Halos lahat sila ay hindi sumang ayon dahil 5 am pa lang ay dapat nanudon na kaming lahat kaya sinabihan ko silang manglilibre ako sa tutulong sa akin. Pati si manong guard ay sinama namin sa plano kaya parating palang si athara ay alam na namin.

"Wag niyo nang habulin. Naguguluhan lang yon. Bigyan mo ng oras para maka pag isip isip." Pigil sakin ni Sam .

Tumakbo si Athara pagkatapos kong sabihing mahal ko siya. Habang sinasayaw ko siya iniiwas niya ang tingin sa akin. Alam kong naiilang siya. Lalo na pag tinititigan ko siya sa mata.

"Hoy peirce! Yung libre mo samin!"

"Usapan ay usapan! Pakainin mo na kami!"

"Hoy lalake bilhin mona lahat ng pagkain don sa canteen !"

"Tang*na bro! Pakainin mo kami inaantok pa ako!" Pagrereklamo ni troy.

Halos lahat na sila ay nakapila na sa akin dahil sinisingil na ako sa libreng utang ko sa kanila bilang pag tulong sa supresa ko. Binigyan ko na lang si Troy ng pera para siya na bahala bumili sa canteen ng makakain nila.

Halos kalahati ng oras ay hindi parin siya bumabalik. Malapit ng mag umpisa ang klase ngunit wala parin siya. Maya maya pa ay dumating siya. Nagsitahimik silang lahat, nakayuko pa si athara at umupo na sa tabi no josh.

"Bro, palit tayo." Mahinang bulong ko sa kanya at tumayo naman ka agad si josh.

"Ehhemm." Kunwaring ubo ko pa para lumigon si athara sa akin. "Bat ka umalis kanina?"

"A-ahh...Naka shabu ka nanaman kasi."nauutal pa netong sabi.

"Eh bat nauutal ka ? Kinilig ka no? Yiee" pang aasar ko pa sa kanya at mas lalong nilapit ang mukha ko.

"A-nong pinagsasabi mo jan?!! K-kilig ulo mo!" Inis na sabi niya at iniwas ang mukha neto sa akin kaya bahagyang naka tagilid na ito sa akin.

"Humarap ka sakin Athara... kung hindi ka kinilig tingnan mo ako sa mata." Sabinko sa kanya at hinawakan ang baba niya para humarap siya sa akin.

"A-no ba! Nakakadalawa kana ah! Isang hawak mo pa bali yang kamay mo!" Sigaw niya sakin sabay palo lang kamay ko. Hindi ko narin siya kinulit kasi dumating na ang Lec. namin.

Love at first Punch.Where stories live. Discover now