Chapter 15

8 3 0
                                    

Peirce Pov.

Niyaya namin si sam na sumabay sa amin na kumain sa canteen para hindi maka tanggi si Athara. Kanina ko pa kasi siya niyayaya na sabay kaming mag lunch ngunit tinatangihan lang ako neto.

"Athara dito na kayo kami na kukuha ng pagkain." Sabinsa kanila ni Troy. Naiwan si athara,sam at abegail sa table namin.

Pumila na kami at kinuhaan na rin namin sila. Magkaharap si troy at sam. Si josh naman ay kaharap si abegail at ako kay athara.

"Uy!" Tawag ko kay athara ngunit di ito kumibo at nagpatuloy lang sa pagkain kaya kinalabit ko ito.

"Aypota!" Nagulat siya kaya napamura ito."ano ba?!"

"Isang mura mo pa hahalikan na kita!" Sabi ko sa kanya kaya nakitingin na sila sa amin. Bigla na lang siyang tumayo at naglakad palabas kaya sinundan ko ito.

"Athara naman! Bat ka ba ganyan?!" Sigaw ko sa kanya at hinawakan ang pulsuhan neto.

"Buset ka kasi! Tigilan mo ko!" Inis na sabi neto.

"S-sge, susubukan ko. S-sorry..." tiningnan ko siya sa mata."mahal kita pero ayaw kong nakikitang nahihirapan ka pag minamahal kita. Mahal kita athara pero sge t-tama na..."
Tutulo na ang luha ko kaya hinalikan sya sa noo at iniwan na.

Mahal ko siya pero ayaw kong makitang nasasaktan siya dahil sakin. Siguro dapat ko nang tigilan to kasi pareho lang kaming nasasaktan. At ako ang talo.

Naglakad akonsa likod para magpahinga. Inisip ko ulit ang nangyari. Yung mukha niyang naiinis sa tuwing nakikita ako. Siguro hindi talaga ako kamahal mahal. Naramdaman ko na lang tumutulo ang luha ko at hindi kuna to mapigalan kaya umiyak ako sa ilam ng puno.

"Oh!"

Napalingon ako nang marinig ko ang boses na yon.

"Una kitang makita dito ang ingay ng hilik mo. Ngayon naman ang ingay ng iyak mo.. haha"  pabiro pa netong sabi at inabot sakin ang panyo niya kaya inabot ko ito at pinunas sa luha ko.

"Hehe.. salamat. Bukas ko na lang ibabalik lalabhan ko muna. " nahihiya ko pang sabi sa kanya.

"Okay lang. Sayo na yan baka umiyak ka ulit eh." Pang aasar pa neto sakin. Kaya nanatili lang akong walang kibo.

"Ahmm bat ka pala umiiyak dito? May nangyari ba ?" Paalalang tanong pa neto.

"W-wala pres.. Tara na balik na tayo time na eh." Sabi ko sa kanya para hindi na siya mag tanong.

Dumeretso na ako sa room namin at sakto namang wala pa ang lec. Buong klase akong wala imik. Kahit si troy na kinukulit ako ay hindi ko na lang pinapansin. Pati sa praktis namin ay pinapagalitan ako ni coach dahil wala akong gana sa paglalaro.

3 Days Later

Tatlong araw ng wala akong kibo. Pati sila Josh at Troy ay naninibago na sa akin. May mga araw rin na nagkataong nakasabay kami nila athara kumain dahil kay Troy at Sam. Nakakamabutihan na silang dalawa ngunit hindi parin sinasagot ni Sam si troy. Minsan din nila kaming inawan sa room para makapag usap ngunit walang nagsalita sa aming dalawa.

Athara Pov

Tatlong araw ng hindi namamansin si Peirce sa akin. Hindi ko alam bat naiinis ako na hindi niya na ako kinukulit. Ilang beses ko nang sinubukang kausapin siya ngunit hindi ako pinapansin.

"Psst!" Tawag ko sa kanya dahil nakita ko siyang nag lalakad sa hallway. Ngunit hindi niya ako nilingon.

Tskk! Pabebe rin eh.

Love at first Punch.Where stories live. Discover now