"I-ibig s-sabihin hindi po totoong magkapatid kami?" Takang tanong ko kay tita.
"Oo.. hindi kayo magkapatid.. ang lahat ng yon ay plano ng nanay mo. D-dahil nagseselos siya sa amin ni rome.. kaya yun ang naisip niyang paraan para hindi na kami magkalapit pa... hindi ko maintindihan si Ivy hindi naman siya ganyan dati.." pagpapaliwanag niya sa akin.
"Salamat po tita. Pasensya na po kay mama. Si peirce po. Kila troy po ba siya?" Pagtatanong ko dahil gusto kong puntahan si peirce.
"Oo iha. Puntahan mo siya at sabihin mo sa kanya ang totoo... dahil sigurado akong may iniisip nanamang plano ang nanay mo. " sabi ni tita at umalis na ako bago maunahan ni mama.
Peirce Pov
"Bro maliligo na ako ha?" Paalam ko ka troy at inunahan na siya maligo.
Mabilis lang ako naligo kasi masama ang pakiramdam ko dahil sa hang over. Naka boxer lang ako at sando dahil wala namang ibang tao dito kila troy at tanging boxer lamang ang hindi niya pa nagagamit. Pinupunasan ko pa ang buhok ko ng lumabas sa Cr at bumungad sa akin ang nanay ni athara at si troy na naka kamot sa ulo.
"Pasensya na bro. Hinahanap ka eh." Sabi sakin ni troy kaya tinanguan ko lang ito at ulamis siya.
"Anong kailangan mo?" Tanong ko sa kanya.
"Layuan mo si athara.. hindi mo naman siguro gustong magkatuluyan ang kapatid mo diba?" Sabi niya sa akin na naka ngisi pa.
"Bakit ko lalayuan? Lalapitan ko ba? Kung yan ang ipinunta mo dito makakaalis kana." Mahinahong sabi ko at tatalikod na sana ng magsalita siya ulit.
"Siguraduhin mo lang magagawa mo. Dahil kung hindi.... babawiin ko ang nag iisang negosyong ibinigay ko sa nanay mo." Sabi niya at umalis na.
Lalo akong nagulahan. Ang buong akala ko ay kay nanay ang karenderyang iyon. Sabi niya sa amin ay pinaghirapan niya iyon. Puro kasinungalingan lang pala.
Kumuha ako ulit ng maiinom at nagsimula ng umiinom. Lumabas si troy para bumili ng makakain dahil day off ngayon ng yaya niya at sa susunod na araw pa ang balik ng parent niya.
Ding dong!
Pumunta ako sa pinto at binuksan ito. Nagulat ako dahil imbes na si troy ang inaasahan ko ay si athara ang nasa harap ko.
"Peirce..." pagtawag neto sa pangalan ko.
"Oh sis? Bat nandito ka? Sinusundo mo ko? Ang sweet namang klaseng kapatid." Sarcastic na pagsasabi ko.
"Anong bang nangyayari sayo?! Tingnan mo nga ang itsura mo! Aga aga amoy alak kana. "
"Bakit? Ano ba itsura ko? Bat di mo ko paliguan.. tutal kapatid kita walang malisya. Tara sa cr " yaya ko pa dito at mahigpit na hinawakan ang braso niya at hinala papasok ngunit nagpumiglas ito.
"N-nasasaktan ako peirce..ayusin mo nga sarili mo. Naka boxer ka pa talaga no? Mahiya ka nga." Sabi niya at umiwas ng tingin sakin kaya nilapitan ko ito.
Masyado na akong tinamaan ng alak kaya hindi ko na namamalayan ang ginagawa ko.
"Nasasakatan? Yan din ang sinabi mo nung may nangyari satin.. pero nagustohan mo rin.." sabi ko at hinalikan ang leeg niya kaya sinampal ako neto.
"Gag*! Wala kang modo! " galit na sigaw neto sakin.
"Bakit ba athara? Pumunta ka pa dito na alam mong hindi ko mapigalan ang sarili ko sa tuwing ikaw ang kaharap ko.." umatras siya bahang papalapit ako sa kanya hanggang sa dingding na pala ang nasa likuran niya kaya nakulong ito sa bisig ko.

YOU ARE READING
Love at first Punch.
Hayran KurguAng storyang ito tungkol sa simpleng pagpamamahal na nagumpisa sa isang suntok. Suntok na malakas ang apekto sa buo mong pagkatao.