Chapter 13

9 2 2
                                        

"Oh ? Bro bat nandito ka pa? Akala ko ba nauna na kayo?" Takang tanong ni Troy ng tumabi ako sa kanya.

"Si athara, subukan kong kausapin." Sabi ko habang naka tingin kay Athara papunta sa direksyon namin.

"Yieee! Goodluck bro. " sabi niya sabay tapik pa sa likod ko. "Tapos na pala sila. Tara puntahan natin. "

Paparating pa lang kami angsama na ng tingin ni Sam kay Troy dahil kumakaway kaway pa ito.

"Hi Sam. Hatid na kita. Hehe" sabi ni troy sabay dala ng bitbit ni sam pero agad naman siyang binatukan ni sam.

"Wag na! Makita kapa ni kuya Jayzam baka ano pa isipin non!" Singhal sa kanya ni Sam.

"Edi magpapaalam ako sa kanya." Sabi pa ni troy at lalapit na sana sa kinaruruonan ni Jayzam.

"H-hindi na! Tara na!" Tarantang sabi ni Sam at dali daling umalis sumunod naman sa kanya si troy kaya na iwan kaming dalawa ni Athara.

Tiningnan ko lang siya ngunit umiwas ito at naglakad palayo.

"Oy athara! Hintayin mo ko!" Habol kopa sa kanya ngunit binilisan niya pa ang paglalakad kaya hinawakan ko ang kamay niya.

"Bweset! Ano ba ?!"  Inis na sigaw neto sa akin.

"Sorry. Kausapin mo kasi ako. Please." Pakiusap ko sa kanya ngunit hindi ito sumagot.

"Hayaan mo akong ligawan ka. Tapos pag walang epek sayo titigil ako. Kaya pagbigyan muna ako please?" Sabi ko sa kanya at lumuhod ako sa harapan niya.

"Tss! Tumayo kajan. Uuwi na ako." Sabay kuha niya ng bike niya .

"Iisipin ko na lang oo ang sagot mo! " sigaw ko pang sabi sa kanya dahil nasa labas na siya ng gate. Lumingon siya at pinakyuhan lamang ako bilang ganti at tuluyan ng umalis.

Okay na rin yon. Haha liligawan na kita. Hahahaha

Naghintay na lamang ako ng tricycle at sumakay na papauwi.

"Lagay muna jan bag mo anak kain natayo." Sabi ni nanay kaya kumain na kami kasabay ni ate.

"Kamusta praktis niyo peirce ? Baka napababayaan mona pag aaral mo. " sabi sa akin ni ate.

"Hindi naman po. Kaya ko naman balansihin yung pagigi g athlete ko at pagiging studyante"

"Hmmm. Okay yan anak. Supportado ka namin ng ate mo. " pagsasang ayon naman ni nanay.

Natapos na kaming kumain kaya nag presenta ako na maghugas ng pinagkain namin. Habang naghuhugas ay hindi ko namalayan na nasa likuran ko na pala si ate.

"Oy ate ! Kanina kapa jan?" Gulat na tanong ko sa kanya at inilagay na ang mga pinggan sa gilid.

"Kakarating ko lang. Nga pala kamusta na yong babaeng gusto mo? Na amin mona ba ?" Paguusisa naman neto sa akin.

"Ah yon... nasabi kona po. Pero ayaw niyang maniwala. Kesyo daw na pinag tritripan ko lang siya"

"Hmm. Ganun talaga iisipin nun. Lagi mong inaaway tapos isang araw gusto mo pala siya."

"Haisst! D ko naman siya inaaway eh. Ako nga tong bugbug sa kanya lagi. " pagrereklamo ko pa.

"Tch! Ewan ko sayo! Basta kung talagang seryuso ka jan hindi ka magsasawang suyuin siya. Paramdam mo lang mahal siya bibigay din yan. Sige na. Matulog kana don." Sabi pa ni ate at kumuha ng tubig sa ref.

Love at first Punch.Where stories live. Discover now