Chapter 9

10 3 8
                                        

Peirce Pov

Nakikinig kami ni Athara ng music ng biglang tumugtog ang kanta "Ikaw at Ako." Ewan ko ba bat ganon ang inasta ko kasi parang kami ang tinutukoy sa kanta iyon.

Badoy! Kakaoverthink ko to eh. Haissttt.

Ganun padin ang daily routine ko.

-Gigising sa umaga
-Papasok
-Magpapraktis
-Uuwi
-Matutulog
*Repeat*

Isang linggo ang pag iwas na ginawa ko kay athara para matapos na ang kalokohang nararamdaman kong ito.

Sa tuwing makakatitigan kami sa classroom ay umiiwas agad ako. Sa praktis namin ay hindi ko na rin siya kinukulit. Mukhang tanga na ako kakaiwas sa kanya pero mas lalo ko lang siya na mimiss. Sa tuwing nakakasalubong ko siya ay agad akong umiiwas. Ngunit sa isang linggo pag iwas ko ay napagtanto kong hindi ko kaya. Hindi ko kaya na mawala siya sa sestema ko. Hindi ko kaya na hindi siya makausap. Parang unti unti koring pinapatay ang sarili ko. Pati na sila Troy at josh ay nahahalata na ako. Dahil sa mga inaakto ko.

Flashback

Papunta na kaming tatlo sa canteen dahil lunch break na.

"Bilisan niyo naman jan. Gutom na ako baka wala na tayong mauupuan. kupad kupad niyong dalawa" inis na sabi ko sa kanilang dalawa.

"Edi maki share tayo. Haha dating gawing" natatawang sabi ni Troy.

"Bakit kasi di ka sumabay samin kanina nong recess ?" Takang tanong ni Josh.

"Oo nga bro. Kasabay lang namin si athara umatras ka agad? Hahaha" pang aasar pa ni Troy.

"Tch! Wala lang akong gana kanina kasi madami yung kinain ko sa bahay." Pagpapalusot ko sa kanila. "Tara na nga kung anong iniisip nyo jan eh. "

"Ano sabi mo bro? Hahaha Tara? Sge. Ahhmm Tara na HAHAHAHA" pang aasar pa ni Troy sakin sabay tapik tapik sa likuran ko.

"Loko ka! Lahat na lang nilalagyan mo ng malisya" sabi ko at nauna na akong lumakad.

Pagpasok ko sa canteen at agad kong nakita si Athara.

Letche. Sa pwesto pa talaga namin sila kumain.

Biglang tumingin sakin si Sam at kumaway.

"Pers! Dito ! Dali. " pangyayaya ni Sam sakin pero agad akong umiling sa kanya at lumingon sakin si athara kaya agad akong tumalikod.

"Saan ka pupunta bro?"tanong sakin ni Troy. "Don na tayo oh. May space pa sila sam. Tara na bro. Hahaha" pang aasar ulit sakin ni Troy.

Pahamak talaga ang isang to. Putcha

>.<

"A-ah sige. S-sa labas na lang a-ako kakain. Gusto ko nang bagong ulam. Sawa na pala ako sa pagkain dito sa canteen. Hehe" pagpapalusot ko sa kanila.

"Ayan ka nanaman bro. Lagi mo na lang iniiwasan. Kung gusto mo siya purmahan mo na baka maunahan kapa. Tss. " inis na sabi ni troy sakin.

Nakayuko lang ako. Wala akong maisip na isasagot sa kanya. Na bisto na ako. Hayss

"Pati ako napapalayo ka sam eh. Nililigawan kona yun. Kaya kung ako sayo ligawan mo narin si Athara para sabay tayo. Hahaha." Panghihikayat sakin ni Troy. "Yaan na mona si Josh makaka move on rin sakin yan. Hanap ka na lang ibang lalake bro di tayo talo eh. Hahahha" pang aasar pa neto kay Josh.

"Loko ka. Baka nakalimutan mo ako Crush ng nililigawan mo. Wag mo kong pilitin jowain yun ma patunayan ko lang sayo na lalaki ako?" Naka ngisi pang sabi ni Josh.

Love at first Punch.Where stories live. Discover now