Chapter 6

13 3 3
                                        

Peirce Pov

Naghiwalay na kami ni ella pagdating sa Hallway dahil nasa kabilang building ang Grade12 . Kaya kabado akong naglalakad papuntang room.

Lagott ako neto. Terror pa naman daw sabi nila si Sir Haji Lacoste . Hayss Earth and life sciece pala kami ngayon. Huhuhu.

Sa harap na ako ng pintuan at dahan dahang pumasok.

"Good afternoon Sir Haji. Im sorry im late." Nakayuko kong sabi.

"Can you tell me the reason why?"

Lagot talaga. Pagsinabi kong nakatulog ako sigurado papagalitan ako neto. Hayss. Alam kona ! HAHAHA nakakahiya pero para sa future namin. Whahahaha

"Ahmm. Kasi po sir biglang sumama ang pakiramdam ko kaya nag Cr muna ako. Hehe" sabi ko sabay kamot sa ulo.

"Ah ganun ba? Sige doon ka na lang sa Cr at mukhang masama ang pakiramdam ko sayo. " sabi niya na ikinagulat ko.

Luhhh! Wag naman sana.

Nagtawanan ang nga ugok. Sympre leader nila si Troy. Pahamak talaga. Tskkk

"Sir naman. Pasensya na po." Pakiusap ko pa sa kanya.

"Sir pagbigyan nyo na po. Mukhang na tatae na ang mukha niya oh! HAHAHA" biglang sabat ni Sam.

Lintik na babae to. Sapakin kita jan eh.

"Bwahahahahahahhahahaahhaha"

"Quite!" Saway sa kanila ni sir Haji. "Umupo kana don. Sa sunod pagbutihin mo pa ang palusot mo, natae ka lang may muta kapa at tulo ng laway. Tskkk"

Putchaaa! Sir naman ehhhh. Nakakahiya lintikkkkk!!!

Agad naman akong yumuko at pasimpleng pinunasan ang aking mukha at umupo sa silya.

Athara Pov

Pagkatapos naming kumain ay nag kwentuhan ulit kami nila Jayzam at Sam.

"Athara siya na rin pala magiging captain tuwing mag tra-training tayo. Expect na lang pag game na natin." Paliwanag naman ni sam sakin.

"Ah ganun ba. Hehe " nahihiyang ko pang sagot dahil wala na akong ma isip na sabihin.

"Kung ganon pala may bago naman akong alaga ? Hahaha hindi ka naman siguro pasaway athara?"Pagbibiro pang tanong ni Jayzam.

"Hindi naman po. Hehe"

"Bale akin kana Athara? Hehe" sabi ni Jayzam habang naka ngiti.

Nung una akala ko iba ang ibig sabihin neto ngunit bahagyang tinapik ni Sam ang paa ko kaya agad ko namang na intindihan ang sinabi niya.

"Hmmm. Cge . Hehe Tayo na...." napatigil ako sa pagsasalita ng mapansin kong nakatayo pala si peirce sa harapan namin at mukhang tangang  nakatakip tenga pa. "tayo na may gagawin pa kasi ako eh. "

"Ayyyiiee . " asar pa ni Sam dahil nakita niyang sinulyapan ko si peirce.

Lawak talaga ng imahinasyon ng isang to. Tsss.

"Tara na. Hatid kona kayo." Sabi pa ni Jayzam.

Na gulat akong padabog binagsak ni peirce dala dala niyang Tray ng pagkain sa lamesa. Kaya taka akong tumingin sa kanya.

Problema ng temang nato. Lutang na naman ba ?!

"Anong tinitingin mo jan? Tsssskkk. Ang lalandi! Pati pagkain ko kinilig. Haneeppp!" Inis na bii niya. Kaya nag taka ako.

Love at first Punch.Where stories live. Discover now