CHAPTER SEVEN

210 20 0
                                    

CHAPTER SEVEN

WELL-adjusted na si Ayen sa Maynila. Third year college na siya. Ang dating balak na magtrabaho ng part-time sa fastfood chain ay hindi na niya itinuloy. Nakakita siya ng mas magandang paraan para magkapera. Gamit ang pamanang desktop computer sa kanya ni Drei ay tumanggap siya ng mga typing jobs mula sa ibang estudyante. Tiyagaan lang talaga. Nagtutor din siya ng mga Koreanong nais matutong mag-English. One hundred fifty pesos per hour ang bayad sa kanya at nakaka-dalawang oras siya araw-araw kaya mas mabilis siyang nakaipon. Nakakapag-abot na rin siya ng pera para sa kuryente kaya hindi na gaanong nakasimangot sa kanya si Tiya Azun.

Nagkaroon na rin naman siya ng mga kaibigan sa school pero iba pa rin ang naging friendship nila ni Drei. Nami-miss niya ang kakulitan ng lalake kaya pinilit niyang ibaling ang atensiyon sa iba para mabawasan ang pangungulila.

“FEELING ko-- may gusto sayo si Jason,” chika sa kanya one time ni Rachel. Blockmate niya ang babae at ang tinutukoy nito ay isa sa mga classmates nila. “Lagi kang niyayayang mag-meryenda e.”

“Hindi naman siguro. Niyayaya niya rin kayo e.” In fairness ay cute si Jason, mabait at matalino.

Pero hindi kasing-talino ni Drei, sa loob-loob niya. Agad niyang sinaway ang sarili. Bakit ba kasi lahat ng tao kinukumpara niya sa kaibigang nasa London?

“Napipilitan lang siyang yayain kami kasi obvious na siya kung ikaw lang ang pagsasabihan niya,” sabad ni Lally.

“Kapag niligawan ka ba niya, sasagutin mo siya?” si Rachel uli.

“Ay naku, ewan. Wala sa isip ko ang mga ganyan,” natatawang sagot niya. Kapag ganung tinutukso siya ng mga kaibigan ay tawa lang ang reaction niya.

Fourth year college na siya nang may maglakas loob na manligaw sa kanya. Frat boy si Franco, mas bata ng two years sa kanya. He was charming and polite pero hindi niya talaga magawang mahalin ang lalake. Then nalaman niya na kaya lang pala siya pinormahan ay dahil nautusan ito ng isa ring member ng frat. Usap-usapan na pala na baka tomboy siya- which was absurd. Mabuti na lang at may decency na mag-apologize sa kanya si Franco dahil kung hindi, baka nabuntal niya ito at malamang na napahamak pa siya.

Hanggang sa maka-graduate ay never siyang nagka-boyfriend. Siguro ay dahil hindi na rin siya nagkaroon ng oras sa lovelife dahil aral at trabaho ang inuna niya. She wanted to establish a life of her own- ayaw na niyang makitira sa kamag-anak kaya nag-ipon talaga siya. Lahat ng klaseng pagtitipid ay ginawa niya para may maitabi sa bangko every week.

Nang maka-graduate ay nagpaalam na siya sa Tiyo Fernan niya na bubukod. Noong una ay parang hindi ito makapaniwalang kaya niyang tumayo sa sariling paa pero pinayagan na rin siya.

Kumuha siya ng kuwarto sa may UP Village. Parang studio-type na rin yun dahil may maliit na kusina at sariling banyo. Three thousand monthly ang upa niya. Kahit papano ay kaya na niyang tustusan ang sarili dahil hindi siya nauubusan ng mga estudyanteng Koreano. Part-time job niya pa rin ang mga iyun dahil may regular job na siya bilang PR Assistant sa isang PR Firm na nasa may Kamias. Malapit lang iyun sa tinitirhan niya kaya tipid na rin siya sa pamasahe. Kapag weekend ay nagagawa naman niyang mag-rehearsal para sa mga stageplays kaya kahit papano ay masasabi niyang nakakaraos na rin siya.

Okay na ang buhay niya compared noon. Kapag pasko ay nakakauwi siya sa probinsiya. The rest of the year ay ginugugol niya sa pagtatrabaho. Ang malungkot lang ay wala na siyang narinig kay Drei simula nang mag-aral ito sa London. Wala na siyang naging balita sa kaibigan. Kung minsan ay gusto niyang pumunta sa bahay ng lalake sa La Vista dahil alam niya ang address- para lang makibalita, pero nahihiya siya. Lagi pa rin niya itong naiisip at lihim na pinasasalamatan dahil malaki ang naitulong nito sa kanya para maka-survive sa Maynila. Lagi pa rin niyang naalala ang samahan nila noong mga estudyante pa lang sila at hanggang ngayon ay nakatago pa rin ang dilaw na Nokia 5110 na ibinigay nito sa kanya. Iba na ang cellphone niya pero kahit anong mangyari, hinding-hindi niya ipamimigay ang cellphone na galing kay Drei. Isa iyun sa mga bagay sa buhay niya na pinakaiingatan niya.

Sana magkita uli tayo Drei.

This Love Of MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon