CHAPTER TEN

347 20 2
                                    

CHAPTER TEN

“SASAMA ka kay Jeric sa Clark Air Base? Ang layo naman ng date niyo!” Bahagyang tumaas ang boses ni Drei nang sabihin ni Ayen na hindi siya puwedeng sumama sa lalake sa bowling tournament ng mga doktor sa Sabado dahil may lakad sila ni Jeric.

“May hot air balloon festival kasi doon. Eh hindi pa ako nakakapanood ng ganun kaya umuo ako.” Dalawang beses na rin namang lumabas sina Jeric at Ayen kaya kahit papano ay may tiwala na ang dalaga sa lalake. “Saka babalik din naman sa gabi.”

“Pero Pampanga ‘yun,” angal na naman ni Drei. Obviously ay hindi talaga ito sang-ayon. “Saka bakit mga ganun ang date niyo? Ang corny.”

“Uy, nakikialam! Hindi nga kita pinakikialaman sa mga ka-date mo no!”

“Hindi naman ako nakikipag-date!” mabilis na sagot ni Drei, bagay na ikinataas ng kilay ng dalaga. “Well, not anymore. Matagal na akong walang girlfriend.”

“Ah, kaya ako ang kinukulit mo? Dahil wala kang girlfriend, kaya yung date ko naman ang nakikita mo!”

“Boyfriend mo na ba si Jeric?”

“Hindi pa naman.” Napangiti si Ayen. Gusto niya ang ugali ni Jeric. Mahinahon ito magsalita at mabait. “Pero malapit na.”

Natahimik si Drei sa sinabi ni Ayen. Hindi na siya nito kinulit. Ni hindi nga napansin ng dalaga nang umalis itong bigla.

PAGDATING ng Sabado ay masayang sumama si Ayen kay Jeric. Ang lalake mismo ang nagdrive ng Honda CRV nito papuntang Clark. Kuwentuhan sila ng kuwentuhan ng lalake kaya di na nila namalayan na nasa Pampanga na pala sila. Agad silang dumiretso sa area kung saan naroroon ang hot air balloon festival. Marami nang tao roon, mabuti at madali silang nakahanap ng puwesto.

Wala pa silang isang oras doon nang may mapansin si Jeric.

“Hindi ba si Doc Drei yun?” Itinuro nito ang lalakeng nakatalikod sa di kalayuan. Nakaakbay ito sa isang babae.

“Imposible. May bowling tournament ngayon ang mga doktor sa St. Luke’s eh.” Pero nakatingin din si Ayen sa direksyong itinuro ni Jeric. Para ngang si Drei ang nakatalikod base sa built nito at tindig, pero alam niyang hindi naman pupunta ang kaibigan niya sa Pampanga.

“Baka naman hindi natuloy?”

Nagkibit-balikat lang ang dalaga. Hindi na sinabi ng dalaga na hindi type ni Drei ang mga hot air balloon shows at nagkomento pa ito na corny ang date nila.

Hindi na rin kumibo si Jeric, lalo na nang magpalakpakan ang publiko dahil nasa himpapawid ngayon ang mga eroplano ng Air Force para sa isang exhibition. Natuon na rin doon ang atensyon ni Ayen at nawala na sa isip niya na baka si Drei ang nakita ni Jeric sa unahan. Kaya nagulat na lang ang dalaga nang muling magsalita ang kasama.

This Love Of MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon