CHAPTER FOUR

234 20 0
                                        

CHAPTER FOUR

“WALA kang cellphone? Are you kidding me?” parang di makapaniwalang tanong ni Drei sa kanya nang magkita sila sa may Main Library.

Umpisa na ng research nila para sa project nila sa Humanities. Ayaw sana ni Drei na doon sila magkita sa UP Main Library pero wala itong nagawa dahil doon gusto ni Ayen na mag-meet up sila.

“Hindi ako mayaman katulad mo. Wala akong pambili ng cellphone, okay?” Gusto niyang mainis sa kaharap kasi para bang mortal sin na wala siyang cellphone. Bakit, marami din namang estudyante ang wala pang cellphone.

Isang buntong-hininga ang binitawan ni Drei bago ito tumayo. Akmang aalis ito pero pinigilan siya ni Ayen.

“Teka, saan ka pupunta? Don’t tell me, iiwan mo ako dito? Hoy, project nating dalawa ito. Hindi puwedeng ako lang ang magre-research!”

“Whole day naman tayo dito, di ba?” Tumango si Ayen.

“Puwes, sandali lang at aalis muna ako. Sandali lang, mga one hour. Maximum is two hours na mawawala ako. May pupuntahan lang ako saglit. Kung gusto mo, huwag ka munang mag-research diyan. Hintayin mo ako.”

“E anong gagawin ko?” Alas-onse ng umaga. Wednesday kasi kaya wala siyang pasok. “Saan ka ba pupunta?”

“Ang kulit mo naman, andaming tanong. Para kang girlfriend e! May pupuntahan nga lang ako, babalik ako agad, promise.” Itinaas pa ni Drei ang kanang kamay nito bilang panunumpa.

Wala nang nagawa si Ayen dahil mabilis nang nakaalis ang lalake. Pero pumasok pa rin siya sa loob ng library. Magbabasa na lang muna siya para sa ibang subject niya. Sayang din naman kasi ang oras.

MAY yumuyugyog sa kanya at tumatawag sa pangalan niya. Hindi maintindihan ni Ayen ang nangyayari. Nagmulat siya ng mata at nagulat nang makitang nakatayo sa harap niya si Drei.

“Bakit ka natutulog sa library?” bulong ng lalake na natatawa.

Dali-daling tumuwid ng upo ang dalaga at inayos ang nagulong buhok. Nakaidlip pala siya habang nagbabasa kanina! Hiyang-hiya siya, lalo pa’t naabutan siya ni Drei!

“Ang tagal mo kasi,” dahilan na lang niya habang kinakapa ang bibig. Baka kasi may laway pang tumulo, yikes!

“Sandali nga lang ako e. Wala pang dalawang oras.” Inilapag ni Drei sa mesa ang isang plastic bag na katamtaman ang laki. May box sa loob. “Ayan, buksan mo,” utos nito sa kanya.

“Ano yan?” tanong ni Ayen habang inaayos ang pagkakatali ng buhok niya. Nagtataka siya kung ano ang laman ng plastic bag pero hindi pa rin niya iyun ginalaw.

“Buksan mo nga lang kasi, ang kulit naman.” Kunwari’y naiiritang wika ni Drei, saka ito humila ng isang upuan. “Bilisan mo na!”

This Love Of MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon