TM1: 4-Pics One Word

52 4 0
                                        

Babe,

Natatawa ako kapag naaalala ko kung anong nangyari sa first meeting natin. Tanda mo pa ba? Ate at Kuya pa nga tawagan natin sa isa't-isa. Hindi pa kasi natin alam ang pangalan ng bawat isa.

Kumakain ako nun, as usual. Wala kasi si Jem, nagpunta sa library. Tapos, lumapit ka sakin. Tinanong mo kung ano yung sagot dun sa 4 Pics One Word. Hindi ka na umalis sa tabi ko kasi nagpapaturo ka ng sagot.

Ewan ko nga kung pinagselosan mo yung isang picture kasi na-gwapuhan ako, o baka feeling lang ako. Kasi first meeting ganun agad? Paano ba naman plano mong gayahin. Pero ang cute mo noon para, kang selosong boyfriend, hindi lang halata. Nakakatuwa lang isipin tuwing naaalala ko yun hindi ko maiwasang kiligin.

Ang epic! Parang ang tagal na nating magkakilala. Kung makapag-usap tayo aakalain ng iba na hindi iyon ang first meeting natin.

Treasued MomentsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon