TM15: HR Seminar

31 6 0
                                        

Babe,

Nakakatuwa 'tong seminar feeling ko HR na talaga tayo. A-attend ng meeting, ganun. Nakaka-excite tuloy dahil alam kong magkakaroon tayo ng inspiration sa event na ito. Makakakuha rin tayo ng dagdag knowledge sa mga guess speakers.

Busy akong naka-upo at nagmumuni-muni. Lumapit yung higher year na babae at pinalipat ka sa tabi ko, dahil bakante. I wasn't expecting na susunod ka kasi mawawalay ka ng kaunti sa mga kaibigan mo. Sa likod lang naman natin sila naka-upo.

Natawa ka pa nga kasi magkatabi tayo. Tapos nailang dun sa part na mamasahihin yung katabi. Ang epic! Nagdalawang isip din ako dun, ah. Umiiwas nga kasi ako. Ang hirap din magpigil na kausapin o kahit ngitian ka man lang.

Kung kelan kasi kailangan kong umiwas tsaka tayo pinagdidikit. Ang gulo ng mga pangyayari, ah? Medyo hindi nakakatuwa. At wala akong magagawa.

Nanakit leeg ko kakaiwas sa direksyon mo. Lagi lang akong nakatingin sa harap o kanan ko. Parang ewan pero kailangan. Matatapos rin naman 'tong seminar ng matiwasay 'di ba?

Treasued MomentsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon