Babe,
Hindi naman talaga ako naniniwala sa mga senyales. Pero pinatulan ko para matapos na ang kaguluhang ito. Nakakaburyong na kasi talaga.
NSTP class nun, magkatabi tayo. Tapos tinatanong tayo ni Karla kung tayo daw ba. Pareho tayong humindi. Sumingit si Joyce na kayo daw kasi tapos um-oo ka naman. Tiningnan lang kita nun.
After that kayo na ang tinatanong ni Karla. Habang ako naman nag-iisip at nakatingin lang sa inyo. Todo deny mo pagdating sakin. Pero kay Joyce walang paligoy-ligoy.
Naisip ko na iyon na yata yung way ko para makaalis sa issue. Naisip ko na oras na yata para lubayan na kita. Dami ko nang kasalanan sayo eh.
Bye bye na ba?

BINABASA MO ANG
Treasued Moments
Teen FictionAnyone can make you happy by doing something special. But it takes a special someone to make you happy without doing anything.