TM3: Acquaintance Party

48 5 0
                                        

Babe,

Excited na excited ako! Party, party yun eh. Masaya kasi nagkita-kita kami ng mga friends ko from other course. Tapos, pinakilala din nila ako sa mga classmates nila.

Nung kainan time na, nagulat ako nung paglingon ko nakita kita. Ang akala ko kasi hindi ka pupunta, gaya ng sinabi mo sakin. I must admit, natuwa ako nung nakita kita.

Pagkatapos ng kainan, tinabihan mo ako. Alam na kung para saan. 4 Pics One Word lang naman. Naglapitan na rin yung ibang girls. Pinalibutan na tayo, o ikaw lang? Mukhang mabenta ka eh.

Sayawan na ang kasunod. Ayaw mong sumayaw kasi mas gusto mong matulog. Pinababantayan ko yung bag ko sayo habang nasa akin naman ang cellphone mo.

Pansin ko, masyado pala tayong panatag sa isa't-isa. To think na hindi pa tayo ganun ka-close or magkakilala. Siguro nasa instinct na natin iyon.

Nataranta din ako nung hindi ko mahanap yung bag ko. Iyon pala nasa loob lang ng bag mo. Kinabahan ako dun ah? In fairness.

Nagbatuhan rin tayo ng crumpled tissue paper. Parang ewan lang. Naapakan mo pa nga yung shoes ko nun. Pero nag-sorry ka naman agad, na expected ko na. Ang hindi ko ini-expect ay ang pagpunas mo sa sapatos ko.

Napa-upo talaga ako ng straight. At na-shock ng paulit-ulit. May ganito pa pala ngayon? Hindi ko akalain na kahit mukha kang monggi may pagka-gentleman ka pala. Looks can be deceiving nga talaga.

And I think you've got my attention by that time.

Treasued MomentsMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon