Babe,
Alam mo ba hindi ko expected na may kadugtong yung first meeting natin. Mukha ka kasing ewan. Haha! Peace tayo. Tumabi ka parin kasi sakin nung nasa AVR na tayo. Patuloy ka parin sa paglalaro habang wala ang Prof. At ako naman patuloy na nagbibigay ng sagot.
Nagkwentuhan na lang din tayo habang may lesson. Nagkantahan pa nga tayo noon 'di ba? Ginawa tayong bata ni Ma'am. Nakaka-ewan lang talaga. Pero in fairness nag-enjoy ang buong klase.
Kinabukasan Acquaintance Party na natin. Tapos sabi mo hindi ka pupunta. Medyo malungkot kasi kakarampot na nga lang yung boys ang tatamad pang pumunta.
Ewan ko kung bakit, pero parang ang lungkot dahil hindi ka pupunta. Feeling close talaga ako. Sandali lang kitang naka-usap na-attach agad ako sayo.
All I can do was to pray na sana mabago ang isip mo.
BINABASA MO ANG
Treasued Moments
Novela JuvenilAnyone can make you happy by doing something special. But it takes a special someone to make you happy without doing anything.