TM5: Babe ♡

29 6 0
                                    

Babe,

Kelan ba kita unang tinawag na Babe? Grabe, hindi ko na matandaan kung saan nagumpisa ang kahibangan ko. Basta ang alam ko, iyon na ang tawag ko sayo.

Nakakatuwa nga kasi lumilingon ka kapag tinatawag kitang “Babe". Pinagpatuloy ko kasi alam kong cool ka lang. Yung hindi ka magagalit kasi alam kong wala kang pakialam. Patulog-tulog lang, ganun.

Everything was just fine for the both of us. Pero yung mga tao sa paligid, mukhang hindi okay para sa kanila. Nakakatuwa nga eh, sila pa yung mas nag-react. All of a sudden, sikat na pala tayo.

Nakakalurkey ang mga pangyayari.

Treasued MomentsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon