TM20: Pangkat Rizal

42 6 0
                                    

Babe,

Magkasama na naman tayo. Ang masaya pa dun kasama natin ang buong tropa. Ewan ko lang kung may matatapos tayo nito. Nagsama-sama ba naman tayong lahat. Pero at least masaya 'di ba?

Ang dami kasing pinapagawa ni Ma'am. Hindi na naubusan ng pakulo sa buhay. Okay na din. Parang bonding na rin natin. Tsaka maganda kasi nagkaroon tayo ng chance piliin yung mga gusto nating makasama sa grupo.

Na-e-excite na ako sa mga mangyayari. Baka nga puro epic pa. Ayos na yun, basta masaya. Haha! Wish ko lang may magawa tayo. Dahil paniguradong puro kwentuhan, tawanan, at harutan ang mangyayari.

Mukhang madadagdagan ang Treasured Moments natin, ah. Hihihi.

Treasued MomentsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon