Babe,
P. E class na natin, at dahil medyo late tayo wala na namang upuan! Nakaasar ang layo pa naman ng kuhaan dahil sa dulo pa may bakanteng room.
Kinakaladkad ko yung upuan nung maabutan mo ako. Nagpresinta ka na ikaw na ang magnubuhat. Natuwa naman ako, ang bigat kaya! Ang akala ko kasi hanggang sa pinto lang ng classroom. Nagulat ako nung tinanong mo kung saan mo ilalagay.
Inasar na naman tuloy ako ni Bakla. Na tinawanan ko lang, baka kung ano na namang isipin kapag nagdahilan pa ako. Nakakaloka na naman kasi masyado kang mabait ngayong araw. Ano bang kinain mo? Fishball na binabad sa suka? Paki-araw araw, please. Haha!
Habang naghihintay ng Prof. nakatunganga lang ako. Tapos dumating kayo ni Excel galing canteen. "Pili ka." Sabi mo at itinapat sakin ang dalawang Fres Mint Candy. Agad na nagsalubong ang kilay ko. Ano na naman ba 'to?
Pumili din naman ako. Tapos nakalagay sa likod "Happy Birthday!" tuwang-tuwa kami ni Jem. Ang galing lang! Birthday ko na kasi sa Linggo. Tinanong ni Jem kung anong nakasulat sa isang candy. Sabi mo "I love you." natahimik naman ako. Nag-iisip kung bakit mo yun isasama sa choices.
Si Jem naman nanghihinayang, dapat daw yung isa nalang yung pinili ko. Natawa nalang tuloy ako sa eagerness niya. Loka talaga. Bigla kang nagsalita at sinabi mong "Pahero lang naman."
Ano daw? Kelan pa naging pareho ang "Happy Birthday!" at "I love you"? Ang gulo lang, ah. O baka naman pareho mong gustong sabihin? Ay, grabe naman iyan beautiful mind. Huwag tayong mag-assume, okay?
Wala lang yun. Period.
BINABASA MO ANG
Treasued Moments
Genç KurguAnyone can make you happy by doing something special. But it takes a special someone to make you happy without doing anything.