TM22: Invisible Gift

19 5 0
                                    

Babe,

Tayong dalawa pa ang nautusang magbalik ng bote ng soft drinks. Grabe lang, pero sayang naman kasi yung deposito kaya keri na. Tahimik lang tayo habang naglalakad. Wala rin naman akong maisip na topic para pag-usapan.

Nung pabalik na tayo sa bahay bigla kang nagsalita. Sabi mo may sasabihin ka. Tingnan lang kita, indikasyon na ipagpatuloy mo at makikinig ako. "Happy biryhday, pala." sabi mo. Nagpasalamat naman ako at napangiti.

Hindi pa pala tapos, dumukot ka sa bulsa mo. At sinabing may ibibigay ka. Naghintay naman ako. Excited sa ibibigay mo. Inilapit mo sakin ang naka-kuyom mong kamay na mukhang walang laman. Pero nilahad ko parin ang palad ko para tanggapin ang 'regalo' mo. Malay natin meron naman pala talaga.

Pero ang hirap talagang umasa. Grabe! Akala ko may regalo ka talaga. Anyways, thank you sa gift mo ah? Ang ganda. Sa sobrang ganda hindi ko makita. Hahaha! Invisible men! Pero atlit napangiti mo ako dahil doon.

Treasued MomentsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon