TM4: Pa-Charge?

32 5 0
                                    

Babe,

Tanda mo pa ba nung naki-charge ka sa bahay? First time mong pumunta samin. Wala pa kasing kuryente nun sa inyo. Dahil sa bagyong Glenda.

After ng Math class natin dumeretso na tayo sa bahay. Pinagmamadali pa nga kita kasi baka ma-chicka ako sa barangay namin. Alam mo naman ang mga tao ngayon.

Hindi ka rin naman nag-charge agad, naglaro ka pa! Addict ka talaga kahit kelan. Pinanuod ko pa nga yung nilalaro mo. Tapos sabi mo, nanuod lang ako nanalo ka na. Wala eh, ako yata talaga ang lucky charm mo.

Ilang sandali lang nagdatingan na yung iba nating classmates sa bahay. Puro girls nga lang, kaya nagulat sila nung makita ka sa bahay.

Mas nakakaloka nung dumating sila Maris. Inintriga talaga ako ng todo. Bakit nandun ka daw? Tapos, at home na at home ka na daw. Siguro daw madalas ka sa bahay. Eh, first time mo nga lang doon 'di ba? Nakakatawa lang.

Crush ka kasi ni Ate Mae, kaya siguro ino-okray ako. Madalas nga akong irapan nun eh. Para namang may plano akong angkinin ka. Saksak kita sa lungs niya eh.

Nakakaloka talaga ang mga tao sa mundo. Doon ko rin napag-isip-isip ang hirap palang maging malapit sayo.

Treasued MomentsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon