MPL 01

412 3 0
                                    

Alicia POV

"anak ok ka lang ba dito sa apartment mo?"tanong sa akin ni mama habang inaayos niya ang mga pinamili naming mga pagkain kanina.





"ma,ilang beses ko bang sabihin sa inyo na okay lang po ako dito huwag na po kayong mag-alala"sabi ko naman kasi kanina pa niya tinatanong kung okay lang ba ako.




Naiintindihan ko naman siya kasi ito ang unang beses ko mahiwalay sa kanila.




"Elena huwag ka ng mag-alala malaki na ang anak mo"sabi naman ni papa habang pinapasok ang iba kong gamit.





"oo nga naman nay,malaki na ako tama si tatay kaya huwag na pong kayong mag alala dadalawin ko na lang po kayo doon sa probinsiya"sabi ko naman habang inaayos ko ang iba kong gamit.





Matapos ang isang oras ay natapos narin kami sa pag-aayos dahil hindi naman marami ang mga gamit ko na dinala ko dito sa Maynila.




"nay tay dito na po kayo magtanghalian bago kayo lumawas papuntang probinsiya"sabi ko sa kanila dahil sakto namang nakaluto na ako.





" anak hindi baka gabihin pa kami ng tatay mo pag dito pa kami mananghalian"sabi naman ni nanay saka sila tumayo





"ganoon po ba?sige po mag-iingat po kayo sa byahe ah"malungkot na sabi ko kasi hindi ako sanay na hindi ko sila makakasama.




"mag iingat ka rin anak lalo na at mag isa ka lang dito huwag mo masyadong abalahin ang sarili mo sa pag aaral mag relax ka din minsan"sabi naman ni papa




"opo tay"



"o sige na aalis na kami.Mamimiss ka namin anak"sabi ni mama sabay yakap sa akin kaya napaiyak ako.




"mamimiss ko din po kayo.Mag iingat po kayo palagi ah"sabi ko habang pinupunasan ko ang luha ko




"anak wag ka ng umiyak dadalawin ka namin dito kapag wala kang oras na dumalaw sa amin"sabi ni mama




"o sige alis na kami anak"sabi naman ni papa




"hatid ko na po kayo sa labas"sabi ko naman saka ko sila hinatid hanggang sa maliit na gate ng apartment.




"O siya sige anak pumasok ka na sa loob"sabi ni mama sabay yakap sa akin at yumakap din si papa





"sige po mag iingat ulit kayo"sabi ko saka ako kumalas sa yakap at pumasok na ako sa loob.






Nandito kasi ako sa Maynila kasi nakakuha ako ng isang scholarship sa Montreal University,ang pangarap kong school.Bukod kasi sa ito ang pinakamalaki at magandang school all over the world ay talagang hindi ka mahihirapang makakuha ng trabaho kapag dito ka nakapagtapos ng pag aaral.Ang kaso napakalaki ng tuitionfee sa paaralang yon kaya mga mayayaman lang ang pwedeng makapag aral doon at kung may mga mahihirap man na katulad ko siguradong mga scholars ang mga iyon.Matapos kong kumain ng pananghalian ay nagpasiya akong pumunta muna ako sa kwarto ko para maligo.Magkatapos kong maligo ay napagpasiyahan kong ayusin ang mga damit ko sa isang maliit na cabinet dito sa kwarto ko.




Ang apartment ko ay maliit lamang pero malinis.May isang kwarto lang at sa loob ng kwarto ko ay may maliit na banyo,isang cabinet,at isang maliit lamang na kama.





Pagkatapos kong iayos ang mga damit ko ay saktong alas dos na ng hapon kaya nagpasiya akong matulog muna.





Pagkagising ko ay nakita ko sa bintana na madilim na sa labas kaya naman kinuha ko ang cellphone kong regalo sa akin ni mama noong magraduate ako bilang with highest honor noong highschool.






Pagtingin ko sa oras ay alas 9 na pala ng gabi.Medyo napatagal din ang tulog ko.Bumangon ako at binuksan ang ilaw dahil naalala kong di ko pa pala naaayos ang mga gamit ko sa school bukas kaya mas mabuti ng aayusin ko na ngayon para wala na akong proproblemahin bukas.





Pagkatapos ng ilang minuto ay natapos ko na ring ayusin ang gamit ko at sakto namang tumunog ang tiyan ko senyales na gutom na ako dahil hindi pa pala ako nakakapagdinner kaya lumabas ako sa kwarto ko at dumiretso sa kusina




Pagdating ko sa kusina ay ininit ko lamang ang ulam ko saka na ako kumain at ilang minuto lang ay natapos na din ako kaya hinugasan ko na ang aking pinag kainan at dumiretso na sa banyo sa kwarto ko para magtoothbrush.





And after that natulog na ulit ako dahil maaga pa akong gigising bukas dahil 8:00 ang pasok ko.



To be continue**

My Possessive LoverWhere stories live. Discover now