MPL 06

79 2 0
                                    

Alicia Pov

Nang makaalis na si Red ay sakto namang dumating na si Mica na galing sa powder room.



Pansin ko kanina ang nakakamatay na tingin ni mr.blue eyed kay Red at kung paano lumunok kanina ng ilang beses si Red na parang takot na takot siya sa klase ng tinging ibinibigay ni MBE(short for mr.blue eyed).Well who will not be scared ba naman kasi ako nga natakot din eh.If looks could kill i am very pretty sure that Red is already a cold body lying in the court.


"Nasaan si Prince at Red?"tanong ni Mica pagkarating niya.


"walkout"sagot naman ni Zander kaya napatango nalang si Mica sabay tingin sa akin


"bakit ang tagal mo namang nakabalik?"tanong ko sa kanya dahil kanina pa kasi siya umalis eh.


"duhh bess ang haba kaya ng pila kanina sa powder room"sabi naman niya kaya napatango nalang ako.



"uhmm btw una na kami Zander at  Neil"paalam ni Mica sa dalawa.


"sige mag iingat kayo"sabi ni Neil



"okay ingat ah"sabi naman ni Zander sabay ngiti.



Nang makapagpaalam na kami ay lumabas na kami at doon ko lang napagtanto na malapit na pa lang dumilim na  sa labas.Mukhang napatagal ang pag stay namin doon sa loob ah.



"Mica bakit parang hindi uuwi ang dalawang yon?"tanong ko dahil maggagabi na pero nagpaiwan parin sila doon sa loob.Well except doon sa dalawang naunang nag walk out kanina.


"ah ganoon talaga ang mga yon baka matutulog sila sa hide out nila"sabi naman ni Mica kaya napatango na lang ako.Perks of having a hideout in school.


Habang naglalakad kami palabas ng school wala ng maraming estudyante dahil dumidilim na kasi.Ang mga natira na lang ay mga senior years na lang ata.Well based on their uniforms.Hayy dami talagang gagawin pag last year mo na sa college.Ako kasi next year pa ako gagraduate ng college.




Nang malapit na kami sa gate ay medyo may mangilan ilan pang mga estudyanteng naghihintay ng jeep.




Pagkarating namin doon ay saktong may pumaradang sasakyan sa harapan namin at sa tingin ko sundo ata ni Mica.



"Bes gusto mo ihat---"hindi natuloy ni Mica ang sasabihin niya dahil tumunog ang cellphone niya kaya nag wait sign muna siya sa akin bago niya sinagot ang tawag.


"hello mom"sabi niya sa kabilang linya.So yung nanay niya pala ang tumawag

Habang nagsasalita ang kabilang linya nakita ko na parang medyo nalungkot siya kaya nagtaka ako.


"oh bakit ganyan mukha mo?"tanong ko sa kanya pagkababa niya ng tawag.



"eh kasi bes may family dinner daw kami ngayon at kailangan ko pang daanan ang dress na ipinatahi ni mommy sa kaibigan niya"sabi niya sa akin kaya nagtaka ako.Ano naman mali don?




"yun lang naman pala eh bakit ganyan mikha mo?"




"Wala kang kasama eh malapit ng dumilim hindi ka namin maihahatid"sabi niya kaya napatawa nalang ako.




"yun lang don't worry malapit lang naman apartment ko dito 15 mintues walk lang at may cellphone naman akong gagamiting pang ilaw "sabi ko




"sigurado ka ba?pasensiya na ha next time ka na namin ihahatid"sabi niya



"no it's okay sige na pumunta na kaya baka mahuli ka pa sa dinner niyo"sabi ko sa kanya at ako na mismo nagtulak sa kanya sa loob ng sasakyan.




Pagkapasok niya ay kumaway muna siya at ganoon din ako bago sila umalis.



Hayyy


Nagsimula na akong naglakad wala ng mga estudyante buti na lang at may street light.



Habang naglalakad ako sa tabi ng daan ay may narinig akong kaluskos kaya mas binilisan ko pa ang paglalakad.Kunti na lang at mararating ko na ang apartment ko pero bigla ako nanlamig at bumilis ang tibok ng puso ko dahil sa kaba ng may biglang tumakip sa bibi ko.




"ano ba bitawan mo nga ako"impit na sabi ko dahil natatakpan niya ang aking bibig.




"shhh m-miss h-huwag ka na ng magpumiglas p-papaligayahin naman k-kita eh"nauutal na sabi niya at mukhang lasing siya kaya nagpumiglas ulit ako naiiyak na din ako.




"ano ba bitawan mo ako sabi eh "sabi ko pero hindi siya nakinig at dinala niya ako sa madilim na parte ng kalsada at nagsimula na siyang halikan ang leeg ko kaya napaiyak na ako.




Kinagat ko bigla ang kamay niya na nakahawak sa akin kaya nabitawan niya ako kaya dali dali akong tumakbo.




"hindi ka makakalayo sa akin hahaha"sigaw niya at hinabol niya ako at dahil sa luha ko hindi ko napansin na may bato pala kaya natapilok ako at doon na niya ako naabutan at nakita kong itinaas niya ang kamay niya para sampalin ako kaya napapikit agad ako..



Nagtaka ako dahil walang kamay na sumampal sa akin hanggang sa may narinig akong nagsalita kaya napamulat agad ako.



"Hurt her and i will fu*king send you to hell"malamig na sabi ng isang lalaking nakahoodie at kitang kita ko kung paano niya sinuntok ang lalaki at biglang nawalan ng malay.




Patuloy lang ako sa pag iyak hanggang sa may yumakap sa akin kaya napatingala ako dahil sa sobrang tangkad niya hanggang bibig niya lang ako at pagtingala ko ay nakasalubong ko ang mga malalamig niyang  kulay asul na mga mata.





"shhh don't cry you'll safe now."sabi niya saka niya ako mas niyakap ng mahigpit and i suddenly feel safe on his mascular arms.




"thank you"mahinang sabi ko sa kanya habang naglalakad kami sinabi kasi niya niyang ihahatid niya ako sa apartment ko.Syempre tumanggi ako dahil iniligtas na nga niya ako ihahatid pa niya ako pero he is very persistent kaya naman napatango na lang ako.



Tahimik lang kaming dalawa hanggang sa makarating kami sa tapat ng apartment ko.



"dito na ang apartment ko.Thank you ulit kanina at sa paghatid mo sa akin"sabi ko habang nakayuko.




Ramdam ko na lumapit siya sa akin at saka niya hinawakan ang baba ko at saka niya ito dahang dahang iniangat hanggang sa makasalubong ng mga mata ko ang kanyang mga napakagandang mga mata.


"I won't take your thank you"sabi niya habang titig na titig sa mukha ko at ramdam ko ang pagbilis ng tibok ng puso ko.Hanggang sa unti unting lumipit sa labi ko ang kanyang tingin kaya napalunok ako at napatingin din ako sa nakakaakit niyang mga labi.



Nagulat na lang ang ng bigla niyang hinalikan ng mabilis ang labi ko.Smack lang yon pero parang lahat na ata ng dugo ko ay umukyat na sa pisngi ko.Ang lambot ng labi niya .



"I don't accept your thank you,a kiss will do"malambing na sabi nito kaya mas lalong naghuramentado ang puso ko.



"Go on.I will wait you to enter before i leave"malambing na sabi parin niya kaya mabilis akong pumasok dahil sa sobrang bilis ng puso.



Pagkapasok ko sa loob ay napasandal agad ako sa pinto at hinawakan ko ang dibdib ko kung saan ang puso ko.

May sakit ata ako sa puso

My Possessive LoverWhere stories live. Discover now