MPL 04

88 3 0
                                    

Haysss sa wakas tapos na rin ang klase sa araw ito.First day ko pa lang pero pagod na pagod na ako.




Dahil isa lang ang subject namin ngayong hapon kaya naman maaga kaming natapos alas tres pa lang ng hapon.8:00 ng umaga ang pasok at 3:30 naman ang dismissal sa hapon.






Nagtataka ako dahil ang mga girls ay nagmemake up eh uwian na nga at ang iba naman halos mag unahan na sa pagtakbo palabas kaya nagtaka ako.Ano meron?







"uhmm bes bakit nag uunahan silang lumabas at nagmemake up ang iba?"tanong ko kay bes na nagliligpit ng mga gamit.





"of course bes ngayon lang naman kasi magsisimula ang practice ng Black Tigers"






Hayy ano ba meron sa Black Tigers na yan at todo magpaganda ang mga babae at mga bakla tsss.











"Bes tara na magsisimula na"
Sabi sa akin ni bes sabay hila sa akin kaya naman nagpahila na lang ako at nakipagsabayan kami sa mga tumatakbo.Huminto lang kami ng tasa tapat na kami ng isang napakalaking gym.Akala ko ba may magprapractice bakit ang tahimik ata sa loob?





"bes tara pasok tayo para makapunta tayo sa harap"sabi niya sabay hila na naman sa akin at pagpasok namin sa loob ay awtomatikong napatakip ako sa tenga ko dahil sa ingay sa loob.Ang daming tao halos napuno na ang buong gym paano pa kaya pag totoong laro na?




Gaano ba kasikat ang Black Tigers ?Ang dami naman nilang fans.





"bes tara doon sa unahan may natira pang upuan saktong dalawa tara"sabi niya sabay hila na naman sa amin nakipagsiksikan pa kami dahil sa dami ng tao.





At nang makarating na kami ay sakto namang may dalawang babaeng uupo pero biglang tinulak ni Mica ang dalawang babae pero noong natulak niya ang dalawang babae ay napahawak sa akin ang dalawa kaya ang ending ako ang natulak at ang malala pa sa bleachers pa ng mga players.






Dinig na dinig ko ang bulungan ng mga tao pero binalewala ko lang iyon dahil sa sakit ng likod ko na tumama sa upuan




"aww shittt"daing ko habang nakayuko.





Nagulat na lang ako ng biglang may umupo sa harap ko





"hey miss are you okay?you need help?"tanong nito sabay lahad ng kaniyang mga kamay kaya tumingala ako para matignan ko kung sino ang nagmagandang loob na tulungan ako.





Pagkaangat ko ng ulo ko ay isang napaka gwapong nilalang ang bumungad sa akin.Maputi,matangos ang ilong,singkit na mga mata at kulay brown na buhok.





Nakita ko din kong paano siya nagulat ng makita niya ang mukha ko at kung paano niya ako titigan kaya nailang ako.Nakakahiya baka may dumi ako sa mukha.





"u-hmm may d-dumi ba ako sa mukha?"tanong ko sa kanya pero umiling lang siya saka ngumiti.




"no you don't have.It is just you are so very beautiful"sabi niya kaya namula ako goshhh.



Tinulungan naman niya akong makatayo.

"thank you"sabi ko sa kanya sabay ngiti





"welcome"sabi naman niya at magsasalita pa sana siya pero may tumawag na sa kanya






"Alcantara tama na yan parating na si captain balik ka na dito kung ayaw mong bugahan ng apoy ni captain"medyo pasigaw na sabi sa kanya ng isang lalaki kaya nginitian ko lang siya at bumalik naman na siya doon at ako naman pumunta kay Mica na nakaupo na pala sa harap.So naagaw niya ang upuan iba din haha.





My Possessive LoverWhere stories live. Discover now