'Ellie this is Ruzell.' ani ni Crizel,ngumiti ako nang hilaw sa lalaking hilaw din na kaharap ko ngayon hindi ko din sinasadyang mapatingin sa balikat ni Crizel kung san 'to nakaakbay.
'baby this is Ellie, my bestfriend.' pakilala niya sakin sa baby niya este Ruzell.
Pinakilala ni Ruzell ang mga kasama niya at isa sa mga kapatid niya samin ni Crizel.
I mean kay Crizel lang pala dahil sa bruhang 'to lang siya nakatingin habang nag sasalita na para bang may nakakatuwa sa mukha nito dahil nakangiti pa ang loko.
'Uhm baby wait lang ah?baka hinanap na kasi ako nila Mommy. Enjoy lang kayo dito, pupunta puntahan namin kayo dito.' aalis na sana kami nang niyakap siya galing sa likod ni Ruzell.
'Pwede bang later ka nalang mag went don? I want to be with you pa.' sinubukan kong pigilin ang tawa ko sa gamit ang pag lobo ng pisngi at pag iwas ng tingin sa kanila.
'Hindi pwede baby eh, baka mahuli tayo. Huhuhu' rinig kong sabi ni Crizel
'But baby I want to be with you pa-
'pffft hahaha' di ko na napigilan ang tawa ko, kung mag salita kasi yung Ruzell mas maarte pa kay Crizel.
Bago pa ko makapagsalita ng saloobing totoo ay hinila na ko ni Crizen palayo don.
'Tae pre di mo naman sinabi na pumapatol ka sa bakla! Hahaha!' sabi ko
'Hindi bakla yon! Ganun lang talaga siya pag ako kausap, sweet!' sagot niya
'Sweet? Putcha-'
'Tama na! Hulalalalalala~~'
'Pero sandali nga, hindi ba freshmen siya nang engineering?
'Yep!'
Binatukan ko siya
'Aray! Para san yon?'
'Grade 10 palang tayo oy! Tapos jowa mo collage? Okay ka lang?' ngumisi siya
'Hello! Sana okay ka lang? Nakalimutan mo na bang dapat grade 11 na tayo kundi lang sa covid na yan.'
'Kahit na!'
Sinermonan ko siya hanggang sa umuwi ako nang gabing yon.
May mga dala din akong pagkain na binalot pa mismo ni tita Criza para may mauwi ako.
Kaya naman tuwang-tuwa ang pamilya ko dahil ang sarap daw ng mga dala ko.
Naghilamos ako at nag ig.
Hindi naman ako ganun kafriendly at kapublic sa mga nangyayari sakin kaya nasa 350 plus lang ang followers ko, hindi kagaya ni Crizen na may 800 plus na followers at updated minuminuto ang buong mundo sa nangyayari sa buhay niya.
Kadalasan sa mga post ni Crizen ay kasama ako, kung hindi man ay picture niya at mga pagkain o lugar na pinupuntahan niya.
Ako? Mahilig akong mag picture ng ulap na may maliit na eroplanong lumilipad pahimpapawid.
Pangarap ko kasing makasakay don at mag travel,kaya pangarap kong mag flight attendant.
Napansin ko ang isang bagong post ni Crizen a minute ago. Ako yon kung san naka side view at poker face ang mukha ko na may hawak na yakult habang nakatingin sa kung saan.
crizndeguzman: Ellie kayo jaaaan!
Napangisi ako at mag cocomment sana kaya lang ay ayoko ng magkalat pa haha. Nilike ko nalang yon at nag ig story.
Picture yon nila Crizen at ang mga magulang niya nanakayakap sa kanya.
Minention ko pa siya at nag lagay ng caption na hbd at heart.
Ilang minuto pa ay nag notif sakin na inistory niya ang story ko kaya naman vin-ew ko na ang mga story niya. Unang una ay ang mirror selfie niya na may caption ng 'today is the day' ang sumunod ay ang wrist niyang may bracelet na bigay ko at ako sa background na halos masilaw sa flash ng phone niya, ang sumunod ay ang picture ng mga bisita niya, karamihan ay picture ng gang nila Ruzell at ang panghuli ay ang story ko na nilagyan niya nang caption na 'thank uu!' and ' be the guy bro! Haha!'
Naguluhan ako sa caption niya but then inantok na ko kaya hindi ko na inintindi at natulog nalang.
--------
^-^

BINABASA MO ANG
The Honest Pretty Liar
Fiksyen Remaja'Well, I apologize for mean hurtful accurate things I said.' then I giggled.