13

2 1 0
                                    


Nakapikit akong nakikinig ng music at kumportableng nakahiga sa kama ko nang biglang may humila ng earphones ko.

Putcha..

INAANTOK NA KO EH, SINO 'YON?!

'Preeeeeeee! Preeeeeeee!'

Sino pa? Edi si Crizel

'Anong oras na't nandito ka?' magkasalubong ang kilay kong tanong sa kanya.

Mag tatakip na sana ko nang kumot ng pigilan niya 'yon.

'Pre....si Daddy! Nagagalit!!!! Yung sapatos ko kasi na Jordan.. Naiwan ko sa roooooom!!!' napabangon ako sa kama.

Aba'y dapat nga kaming maalarma.

Minsan lang umimik iyong Daddy niya tas ngayon galit pa?!

'Hala kaaaa!' sabi ko

Tumayo siya at hinila ako!

'Putek! San tayo pupunta?!' dali-dali akong nag suot ng tsinelas.

'Sa school, natural!' ani niya habang pababa kami nang hagdan.

'Natural? Anong natural don? Alas nuwebe na ng gabi?!! Hanggang alasingko lang yung school!!.. Sa Monday nalang pagpasok natin.' at nandito na nga kami sa gate.

'Hindi na makakapag antay si Daddy hanggang Monday!' binuksan niya ang gate at tumambad samin ang white van nila.

Wait, van?

'Teka mag papaalam muna ako kila Mama-'

'Napagpaalam na kita, ako pa ba?' pilit niya kong pinapasok sa van, teka nga! Kidnaping 'to ah!

Halos masubsob ako sa loob.

Letcheng babae 'to.

'Tara na po.' ani ni Crizel sa driver nila.

'Good evening Ellie!' boses ni Oscar

Oscar?!

'Here at the back.' dagdag niya pa

Tumingin naman ako don at sa katabi niya ko unang napatingin

Hyden?!?!

'Uhm...pinasama ni Mama si Kuya Hyden nung nag paalam ako sa kanya para daw may bantay ako.' paliwanag ni Oscar na hindi ko parin malingon dahil napako ang tingin ko sa lalaking diretso din ang tingin sakin.

'Ellie?' boses ni Andy

So kumpleto pala kami...

Ako na ang unang nagbawi ng tingin, saglit kong nginitian si Oscar na malawak na palang nakangiti sakin. Tinaasan ko siya nang kilay.

Nasa frontseat si Andy nakaupo katabi ang driver nila Crizel na katabi ko, nasa gitna kaming dalawa at ang sa dulo ay ang mag pinsan.

'Kasama na pala sila, bat dinamay mo pa ko? Natutulog na sana ako ngayon!' reklamo ko

'Kaibigan ba talaga kita?' nalulungkot niyang sabi

Ewww

Nakarating kami nang school..

Mula dito sa labas ay makikitang iilang corridor lang ang may ilaw..

Kahit naka jacket ako ay ramdam ko parin ang lamig, lalo na sa paanan ko.

'Hihintayin ko kayo dito sa labas dahil hindi ko pwedeng iwan ang van.'

'Sige po Kuya Robert, saglit lang naman po kami. Thank you po.'

Pumunta kami sa guardhouse na katabi ng school gate.

Si Hyden ang nag paalam sa guard na ilang beses naming kinulit bago pumayag.

Hindi daw kasi talaga pwede, nangako nalang kami na sa Monday ay sasabihin namin mismo sa office na kami ang nag pumulit dahil nga importante yung bagay na kukunin namin.

'Pero hindi ko kayo masasamahan ha? Wala pa yung kapalit ko kaya hindi ko pwedeng iwan 'tong guardhouse.' tinanguan namin ang huling sinabi nung guard tsaka pumasok sa loob.

Flashlight mula sa cellphone ang gamit namin.

Ang gaga.. Nakakapit ngayon kay Oscar..

Yung totoo, break na ba sila ni Ruzell at malaya ng lumalandi 'to?

Kasabay ko naman ang dalawa.

Sa kaliwa ko ay si Hyden at kanan si Andy.

Mas matangkad si Hyden kesa kay Andy pero syempre mas tangkad si Andy kesa sakin.

Niceeee.. I feel so safe hahahaha

Nakarating kami sa tapat ng room at heto.. Pilit nilang binubuksan ang yung room.

'Wala ba kayong clip jan girls?' tanong ni Oscar

nakabuhaghag ang buhok ko dahil nga patulog na sana ako, samantalang naka pony naman ang kay Crizel.

'Wala eh' si Crizel

'Meron sa bahay.' ako

'Gusto niyo ba kunin ko muna-' hindi ko natuloy ang sasabihin ng may maaninag na mukha di kalayuan.

Pu....t@ng..

Napatingin ako sa mga kasamahan ko.

Sinundan nila ng tingin yung tinignan ko.

1..2..3..

'AAAAAAAAAAAAAAAAAAHHHH'

Tili namin nila Oscar

NAMIN NILA OSCAR?

Napatago ako sa likod ni Andy.

'Tarpulin guys, kalma. Wag niyong takutin mga sarili niyo hahaha.' sabi ni Andy na pinuntahan pala iyon at ngayon ay hawak niya na.

So..

Hindi pala si Andy 'to.

Napalunok kong binitawan ang damit ni Hyden

'Sorry..' hindi naman siya kumibo at tinignan lang ako.

'Pano natin mabubuksan 'to ngayon?' problemadong si Crizel, nag uusap sila don na sinabatan narin ni Hyden.. Nag paplano kung pano makakapasok sa room.

May narinig akong kaluskos ng mga susi...

Tinapat ko ang flashlight don..

...Para makita na mga susi nga iyon at hawak ng isang matandang janitor na lalaki..

-----

^-^

The Honest Pretty LiarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon