12

5 1 2
                                    

Dalawang araw na ang nakalipas simula ng maupload ko ang unang video.

Meron na siyang 216 views at 8 likes then 74 subcribers!!!!

Mahirap mag edit, swear! Pero nakakaenjoy naman siya lalo na pag natapos mo na.

Ngayong Thursday at friday na ang quarterly exam namin para sa 3rd grading.

Meaning ay magiging busy ako sa pag rereview, charoooot!

Nag rereview man ako ay sa mismong exam na dahil madali akong makalimot..... ng lessons hehe.

Pag gantong kalagitnaan ng buwan ay busy talaga ang lahat.

At ang pinakagusto ng estudyante? Well hindi na kami pinapasukan ng mga subject teachers dahil hinahayaan kaming mag review ng sarili kaya lang ay ...hmmm after 30 mins ay papasok sila para mag bigay ng long quiz huhu

Monday ngayon at ilang araw nalang ang nalalabi saming buhay, jokeeee kaya naman puspusan ang lahat sa pagrereview, well maliban sakin hihi.

Dahil wala namang bantay este teacher ay sinimulan kong mag film.

'Par say hiiiii!' tsaka ko tinapat sa pagmumukha ni Crizel yung camera

'Aray naman punyeta!' angal niya

'Wag kang mag mura mahirap mag edit!' reklamo ko

'Hindi naman mura yon!' depensa niya

'Kahit na!' giit ko

'Tabe nga! Nag rereview ako di mo ba nakikita?' asik niya

'Ang alin ba? Ang pag kukunwari mo? Hahahaha!' asar ko

'Tse!' pilit niya kong tinataboy pero syempre di ako papaawat

'Wag kana mag review pre, makakalimutan mo din naman yan eh!' pangdedemonyo ko

'Lul!' sigaw niya sabay tawa

Natawa din ako pero ng marealize ko kung ano yung sinigaw niya ay sinamaan ko siya nang tingin.

'T@ngin@ sabi ng wag kang mag mumura eh!!!!' napatakip ako sa bibig ko

'HAHAHAHAHAHA BOBO!' lumayo na ko sa kanya dahil masama siyang impluwensya.

Hinarap ko sakin ang camera at bumulong don.

'Wag niyong tutularan 'yon guys, ah? Bad yon.'

Tinapat ko na ulit ang camera sa susunod kong biktima, si Oscar!

'Wag kang lalapit! Hanggang jan ka lang!' at pinagkrus niya pa ang dalawang daliri habang nakatapat sa direksyon ko na para bang isa akong aswang.

Natawa ako nang bongga sa kanya.

'Hahahaha okay! Okay!' pag suko ko

Halos lahat ng kaklase ko ay ginulo ko, actually karamihan sa kanila ay nag kkwentuhan lang. Meron namang nag ggroup study, at syempre ang grupo ng mga boys... Ayun at puro mura at bad finger ang sinalubong sa camera.

Huli kong pinuntahan si Andy.

'Sipag natin Pres. Ah?' bungad ko

'Oo,kaya gayahin mo ko at itigil mo na yan o kukumpiskahin ko yan?'

Hinarap ko ang camera sakin.

'Pag pasensyahan niyo na si Andy ngayon guys, meron kasi siya hahaha!' lumayo na ko sa kanya at baka totohanin niya ang banta niya kanina, mahirap na hindi akin 'tong camera no!

Tapos na ang kontrata ko sa pag papart time kaya maaga na ulit akong nakakauwi.

Pero syempre mag hahanap ako nang bagong papasukan para hindi na problemahin nila Mama ang baon ko.

Hindi pa ko nakakapag bihis ay sinimulan ko nang mag edit. Medyo matagal kasi siya gawin, or hindi pa ko sanay?

Isang oras at kalahati ata ang ginugol ko para sa pangalawang video na 'yon.

Ng matapos ay ilang ulit ko 'tong pinanood bago inupload.

'Anak kakain na!!!' sigaw ni Mama mula sa baba

'Opo!!!' pasigaw kong sagot

Mabilis akong nag buhos tsaka nag bihis ng pambahay at mabilis na bumaba. Mahirap na, baka mag kaubusan nanaman ng ulam.

'Ano ba!? May cellphone ka diba?' angal ni Eason

'Peram lang kase! Saglit lang eh! Takteng batang 'to pumapalag na, grrr.

'Ayoko!' pag mamatigas niya

Makulit ka ah!

'Mama oooh! Si Eason!'

'Ano bang mga bata kayo?! Ang lalaki niyo na boomratatatatatatat~

------

^-^

The Honest Pretty LiarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon